Chapter 35: Where Are Them?

295 22 20
                                    

(P.O.V. George)

"H-hindi. W-wala akong ginawa. H-hindi ako ang may gawa nito." Pagsigaw ko habang nanginginig ang aking kamay at tuhod sa nangyari.

Humahanap ako ng paraan para maalis ang kaniyang katawan dito sa aking kwarto. Hindi ko alam ang nangyari, kaya imposible naman na ako ang gumawa nito.

May biglang kumatok at sumigaw na agad namang nagbigay sa akin ng matinding kaba, takot at panginginig ng buong katawan.

"G-george! Okay ka lang ba? Anong nangyari sayo?! Anong nangyari dyan?!" Pagsigaw ng nasa labas.

"A-ano na ang g-gagawin ko?" Bulong ko sa aking sarili habang naglalakad ng pabalik-balik at hindi mapakali.

"G-george! Anong nangyayari dyan?! Buksan mo itong pinto!" Naririnig kong sigaw ng nasa labas habang patuloy na kumakatok.

"A-ano na? Please! Isip, gumawa ka ng paraan kung paano to maaalis." Bulong kong muli habang sinusuntok ang aking ulo sa inis.

"G-george!!!" Galit na ang boses ng nasa labas at ito'y biglang tumigil.

Ano kaya ang gagawin niya? Bigla tuloy akong kinutuban na baka kumuha siya ng susi para mabuksan ang aking kwarto. Nagmadali naman ako upang tanggalin na ang katawan na ito sa aking kama.

Mas lalo akong kinabahan ng makarinig ako ng kalansing ng mga susi sa labas ng aking kwarto at sinusubukan ng buksan ito.

Nahihirapan naman akong ibaba ang katawan na ito dahil medyo may pagkamabigat siya.

"P-please. H-huwag. A-ayoko na." Nanghihina niyang sambit.

"Oo, basta wag kang magulo!" Sabi ko sa kaniya.

"A-ayoko na. N-nakikiusap ako s-sayo." Sambit niyang muli habang umiiyak na.

"Oo nga! Ano ba?! Huwag ka na lang magulo, okay?!" Galit na ang boses ko.

Nagulat na lang ako ng unti-unti ng bumukas ang pinto...
















"Aaaahhhhhhh!!!" Pagsigaw ko at bigla akong napaupo mula sa pagkakahiga habang habol-habol ko ang aking hininga. Kasabay naman nun ang paggising ni Candy.

Nananaginip lang pala ako. Pero, bakit ko naman iyon napanaginipan. Matagal ko ng kinalimutan ang lahat ng yun. Halos lahat ng nakaraan ay matagal ko ng ibinaon sa lupa. Pero, bakit bumabalik ang lahat ngayon? Maayos na ang buhay namin. Normal na ang lahat, bakit ngayon ito nangyayari?

"Nasaan tayo? Ano ang nangyari? B-bakit ka sumigaw?" Sarkastikong tanong ni Candy.

"A-ah, w-wala. Wala yun, masamang panaginip lang." Tugon ko naman. Tango naman ang naiganti ni Candy sa akin at agad na inilibot ang kaniyang mga mata sa paligid. Ayoko ko ng maalala pa ang nakaraan namin. Mas mabuti na ang buhay namin ngayon kaysa noon.

Nandito kami ngayon sa loob ng classroom. Madilim at napakatahimik. Bakit parang kami lang ni Candy ang nandito?

Dahil sa pagtataka, agad kong kinuha ang phone ko upang magsilbing ilaw namin sa paligid. Pagbukas ko naman, tumambad sa akin ang mahigit 30 missed calls mula kay Eumee. Agad ko namang dinayal si Eumee pero 'cannot be reach' siya.

Nagdesisyon na lang ako na mamaya na lang siya tawagan at sa halip ay gawin muna ang problema dito, agad ko namang binuksan ang flashlight ng phone ko at totoo nga ang nasa isip ko. Kami nga lang ni Candy ang nandito, at lahat sila ay wala. Saan naman sila nagtungo? Tumingin naman ako sa aking relos at akin naman itong ikinagulat dahil ten o'clock na ng gabi.

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon