(P.O.V. George)
Wala na akong mailuha sa ngayon. Pagod na rin akong makakita ng may nahihirapan. Sa totoo niyan, mas gugustuhin ko na lang ang magpakamatay. Atleast, wala na akong po-problemahin. Wala na akong makikita na nagdurusa.
Tumingin ako sa likuran ko ngunit wala akong nakitang katawan ni Candy. Where is she going?
Palinga-linga ako pero, wala talaga siya. Tatayo na sana ako nang muling bumukas ang TV screen. Here we go again!
"Bakit parang may hinahanap ka yata na hindi mo makita?" Pang-aasar niya.
"Kapag ba sinabi ko, alam mo kung nasaan siya?" Kalmado kong tugon.
"Maybe." Aniya.
I don't know what she says but, may kutob ako na may alam siya.
"Where's Candy?" Malakas kong bigkas.
Wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya. She's a liar!!
"Where is Candy!!" Muli kong pagsigaw.
"Calm down, George. Candy is now on playing. But, before that. I want you to play another game. A game that was exciting!" Aniya na nagpakuyom ng kamao ko.
"Pwede ba?! Kailan mo ba ito titigilan?" Sigaw ko dahil sa inis.
"Titigilan ba ang narinig ko? Of course not!! Bago ko man itigil ito, dapat ay patay na kayong lahat!" Wika niya sabay tumawa. Devil!
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga salitang iyon. Hindi ganyan ang Melen na nakilala ko. Where are you Melen?! Nilamon ka na ba talaga ng galit mo?! Sorry.
"Here is your another game." Pagkasabi niyang iyon, bumukas ang isang pinto di kalayuan sa kinalalagyan ko.
Ayoko mang pumunta para maglaro ulit pero, may side sa akin na nagsasabing kailangan ako roon. Shit!
Minuto ang itinagal ko para magdisesyon. Wala na nga akong nagawa kundi ang pumasok na sa loob.
Pagkapasok ko, tumambad sa akin ang isang hawla. Sa loob nito, merong tig isang lamesa na para lang sa dalawang tao. Meron ding nakapalibot na maraming kandila sa paligid nila? What the hell is this?!
May mga nakahiga roon na hubo't-hubad. Tanging underwear lang ang suot ng dalawa at mga nakatali rin ang buong katawan. Lumapit ako rito upang makita kung sino ang nakahiga roon.
Napasinghap ako ng makita kung sino ang mga nakahiga roon. Si p-papa? at si... si mama?! She's insane!!
Nararamdaman ko na sa mga sandaling ito ang inis at panggigigil ko kay Melen. Sumasabay din ang pagkuyom ng mga kamay ko at muling pag-init ng gilid ng mata ko na sa ilang sandali lang ay bubuhos na naman ang luha ko.
Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili, napatakbo na ako sa kanila at sinusubukan kong kalasin ang hawla.
Alam kong wala akong pag-asang matanggal o masira ito, pero paano na ang buhay ng pamilya ko? At ang isang malaking tanong? Bakit silang dalawa pa? Silang dalawa pa na sobrang halaga sa buhay ko?
Yun nga lang na makita si lola na mamatay at kung gaano kahirap ang dinanas ay halos hindi ko na kayanin, paano pa kaya kung mismong magulang ko na? Magulang ko na nga talaga ang sunod. F*ck!!
Bumukas ang isang screen sa taas ko. Naroon ang mukha niya at ito ay nakangiti.
"Yan ang sunod mong laro. Do you like it? Well, wala ka namang magagawa. My decision is mine. All you need is to play." Aniya bago tumawa ng malakas.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...