(3rd Person P.O.V.)
Flashback!
"Kuya, dyan na lang po sa may tabi!" Biglang sambit ni Josh.
"Tara na! Puntahan na natin!" Nagmamadaling sambit ni Jade.
Agad naman silang nagtungo sa sinabing lugar ni Josh. Pagpasok nila, sumalubong sa kanila ang kay dilim-dilim na lugar. Halos tahimik rin ito at walang tao. Medyo luma na rin ang lugar na iyon dahil sa may mga sapot na nakapaligid dito. Naagaw naman ang atensiyon nila ng biglang magsalita si Josh.
"Guys! Look at this!" Sambit ni Josh at agad na kinuha ang sobreng kaniyang nakita. Napatingin naman sa kaniya ang mga kasamahan at naglapitan ito sa kaniya.
"A-ano naman yan?!" Sarkastikong tanong ni Johanna.
"Josh! Mabuti pa't buksan mo na yan! Mauubos ang oras natin kung hindi pa tayo maghahanap, bilis!" Sigaw naman ni Andrew sa kaniya.
"Oo na! Saglit lang naman! Ito na nga ehh?" Tugon naman nito.
Hindi na nagsayang pa ng oras si Josh at agad niyang binuksan at binasa ang sobre.
"Huh? Congratulations?" Sarkastikong tanong ni Johanna habang nakakunot ang noo.
"Congratulations! It means, nahanap na natin ang parking lot..." Pagputol ni Josh dahil nagtataka ito.
"Huh? Parking lot?! So, ibig sabihin ito na yung parking lot na sinasabi ng MasterMind?" Pagpapatuloy niya habang nangingiti.
"S-siguro nga..." Tugon naman ni Andrew ngunit ito'y hindi sigurado.
"Oo nga! Tama nga ako! Ito na yun! Yung parking lot!" Sigaw pa ni Josh habang natutuwa pang sinabi ang mga salita na iyon.
"Oo na! Edi, ikaw na!" Sigaw naman sa kaniya ni Jade.
"Ohh, diba? Sabi ko naman kasi sa inyo na tama ang hula ko ehh!" Pagmamayabang pa nito.
"Hindi natin kailangang magsaya! Kung ito nga ang parking lot na sinasabi ng Mastermind na iyon... tara na't hanapin na natin sila bago pa mahuli ang lahat!" Wika ni Andrew at naging seryoso na ito.
"T-tara na! Ano pang hinihintay nyo dyan?!" Sigaw ni Jade na ngayon ay tumatakbo na para simulan na ang paghahanap.
Agad din namang sumunod sa kaniya sina Josh, Andrew, at Johanna.
Nagdesisyon ang apat na maghiwa-hiwalay na lamang para mapadali ang paghahanap sa kanilang kaklase. Habang naghahanap at lumilipas na rin ang oras, may biglang sumigaw na umagaw naman sa kanilang atensyon.
"Wwaaaahhhh!" Malakas na sigaw ni Johanna nang makita niya ang kalunos-lunos na kalagayan ng kaniyang kaklase.
Si Jake na halos walang malay ay nasa loob ng isang kotseng nakaangat ng kaunti ang harapan at basag din ang front glass nito at ito'y nakahubad ng pang-itaas na damit. Nakaupo ito sa driver seat at ito'y nakasandal. Habang si Angel naman ay wala ring malay na nakahiga sa ilalim ng kotse na pinagmumulan ni Jake. Nakatapat ang kaniyang ulo sa may unahan ng gulong at mahigpit na nakatali ang buong katawan kasama na ang kaniyang ulo. Samantalang ang isa naman ay wala ring malay at pawang nakatali ang leeg at baywang na ngayon ay nakadikit naman sa pader malayo sa lugar ng dalawa.
~~
"S-sino yun? Si Johanna?" Bulong ni Jade sa kaniyang sarili at agad na pinuntahan ang ingay na iyon.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...