Hi, Crimers! Here's the update!!
Happy 6k reads po sa ating lahat. (*give me around of applause)
Thank you so much for reading, voting & commenting! Just keep doing that, for my inspirational! Enjoy reading! ^_^*****
(P.O.V. Candy)
Alas kwatro na ng madaling araw kami umalis patungo sa tinext na lugar ng master mind. Hindi na ako umuwi sa amin kagabi dahil sermon lang aabutin ko roon. Tsaka mas kailangan ako ngayon ni George at ng mga kaklase ko kaya dito na ako tumuloy sa bahay nila George.
Nagkwento nga pala sa amin ang kaniyang kapatid na si Mike at Eumee tungkol sa ginawang pagdakip sa kanilang kapatid at magulang.
Parang tulad lang din ng sa amin, may inilagay na sleeping gas kaya nawalan kami ng malay then, paggising daw nila, wala na ang kanilang kasamahan at tanging silang dalawa lang ang tao sa bahay na iyon.
Hindi maipinta ang mukha ni George ng mga oras na yaon dahil panggigigil, pagkagalit, at pagkainis ang namutawi sa kaniyang mukha noon. Kung sa akin man mangyari ito, gaya din sa kaniya ang mararamdaman ko.
"Saan ba daan nito?" Tanong ni George. Siya na kasi ngayon ang nagmamaneho ng kotseng ginagamit namin ngayon dahil wala naman ang kaniyang tatay upang ipagmaneho kami dahil nga nadukot. Sa kanila rin nga pala ang kotseng ito.
"Sandali lang, igo-google ko lang." Tugon ko sa kaniya saka kinuha ang aking phone at nag-google map.
"Sige. Bilisan mo lang ha. Wala na tayong oras." Sagot niya. Hindi na ko tumugon at sa halip ay sa phone lang ang atensyon ko.
"Ayon dito, dire-diretso lang at saka may makikita kang store, kakaliwa tayo dun." Sabi ko.
"Ah, okay. Salamat." Tugon niya.
Katahimikan naman ang namayani dito sa loob at tanging makina lamang ng kotseng ito ang naririnig, kaya tumingin na lamang ako sa view na aming nadaraanan.
Ang ganda ng view sa labas, kita mo ang mga mahuhugis na bundok at bulkan mula sa malayo. Kasama naman nun ang langit na kulay asul na sinamahan pa ng mga ulap na iba't-ibang hugis.
May bigla naman akong naalala na dapat ay nasabi ko na sa kanila.
"G-george..." Pagtawag ko sa kaniyang pangalan para ako'y kaniyang pansinin.
"Bakit?" Tanong naman niya at patuloy pa rin sa pagmamaneho.
"May mahalaga akong sasabihin na dapat ay nasabi ko na sa inyo kahapon pa pero nakaligtaan ko." Sabi ko ng nakayuko at parang kinabigla niya ang aking sinabi.
"Ha?! Ano naman yun?" Pagtataka niyang tanong.
"Kilala ko na kung sino ang master mind." Diretso kong sagot ng walang emosyon.
"A-ano?! S-sino naman ang hayop na taong yan?!" Galit na tonong tugon niya.
"S-si Sam." Maikli kong sagot.
"ANO!!" Gulat niyang bigkas kaya naman napahinto kami.
"Si S-sam?! Magagawa niya yung ganoong bagay?!" Nanlalaki ang mata niya habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"H-hindi ko alam, pero oo! Nagawa niya na." Sabi ko.
"P-pero, paano mo naman nalaman?!" Aniya.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...