Chapter 13: Welcome Back!

329 23 0
                                    

(P.O.V. George)

Kasalukuyan akong nasa loob ng room habang nagbabasa ng books ko for the advance reading at ang mga classmates ko naman ay nananatili rin na nandito sa room, gumagawa ng kahit na anong bagay na maaaring gawin o pagkalibangan man lang, dahil kapag nasa labas sila ay kahihiyan ang mangyayari.

Aba, ang titindi ng mga teachers namin ahh? Nabalitaan lang na may namatay sa section namin, natakot na at di na nagturo sa amin? Ano ba ang akala nila, kami ang pumatay sa sarili naming kaklase? Atsaka bakit biglang nagbago ang lahat ng simulang malaman ng ibang students na merong namatay sa amin? Bigla na lamang kaming Nilalayuan, Kinatakutan, Iniiwasan, at iba't-iba pang negative ang maririnig mo sa kanila.

"Huwag ka ng mag-aral! Non-sense lang!" Biglang salita ni Mj na nasa aking likuran.

"For the advance reading lang naman? Tutal, wala ng teacher ang nagtuturo satin ehh?" Ani ko.

"Ahh, okay! Buhay mo yan ehh? Kung ako sayo hindi na ako magsasayang pa ng panahon sa mga bagay na iyan. Tutal, sinabi mo na rin naman na wala ng teacher, edi wala na ring aral-aral! At ano pa ang mga sense ng guro kung hindi sila magtuturo?" Sagot niya.

"Sayang kasi yung time? Ayoko naman mapunta lang iyon sa mga bagay na walang katuturan. Mabuti pang ilaan ko na lang sa studies ko kaysa sa mga yon." Ani ko naman.

"Bahala ka nga dyang magpakasasa! Sige na, mauna na  ako!" Sambit na lamang niya.

"Bata ka pa!!" Biro ko pa sa kaniya.

"Luko!" Maikli niyang tugon sabay ngumiti, tuluyan ng umalis at nagtungo na kina Mia at Chelsea na ngayon ay kumakain. Ang matataba nga naman oh?

Nang matapos ko ang aking babasahin, napag-isip-isip ko na gumala muna ako kay Mike, dahil hanggang ngayon ay nasa hospital pa rin siya. Naconfine kasi siya ng halos 1 week dahil sa malalim na hiwa sa kaniyang dibdib.

"Guys! Alis muna ako, nakakabored na dito ehh?" Pagpapaalam ko sa mga classmates ko.

"Saan naman punta mo?" Tanong sakin ni Margaret.

"Kahit saan." Maikli kong tugon.

"Samahan ka na namin nila Clark at John, gusto ko na ring lumabas dito ehh." Suhestiyon pa niya.

"Gusto ko kasing mapag-isa ngayon ehh, sensya na?" Sabi ko na lang

"Ay, ganun ba? Sige, sayang naman." Malungkot niyang tugon.

"Baka ikaw na ang isunod niya?" Takot sakin ni Joel.

"Gusto mo mauna ka na? O isama na kita?" Sagot ko sa kaniya at nagtawanan na kaming lahat.

"Sige, ingat na lang!" Aniya

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at tuluyan nang lumabas ng room. Nakakapanibago ang school ngayon, biruin nyo? Bigla-bigla ka na lang iiwasan ng ibang students kapag dadaan ka. After nun, magbubulungan na sila. Nakakainis na!

~~~~

Nandito na ako sa hospital at tumuloy na sa kwarto ng aking kapatid. Pagpasok ko, nakita kong walang tao doon at ang hinigaan ng aking kapatid ay magulo, ang mga nakakabit sa kaniya ay pawang naglulutangan lang. Natataranta na ako sa mga oras na ito dahil baka nakuha na naman siya. Ayoko ng mangyari ang mga nakaraan, hindi ko na kaya.

Nagsimula na akong maghanap hanggang sa CR ngunit wala siya. Naririnig kong unti-unting umaawang ang pintuan sa aking likuran. Kahit kinakabahan, nilingon ko ito at bumungad sa akin si Mike.

"Surprise!" Sigaw ni Mike sakin sabay yumakap ng kay higpit-higpit. Sa tingin ko ay magaling na siya dahil sa sigla na ipinapakita niya.

"Saan ka ba nagpunta? Kinabahan tuloy ako? Akala ko nakuha ka na naman!" Pag-aalala kong sabi sa kaniya.

"Sinorprise lang naman kita?" Aniya

"Paano mo naman nalaman na pupunta ako?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya.

"Syempre! Magaling kaya ako?" Sabi niya.

"Ou na, sige na! Magaling ka na ba talaga? Bakit tumatayo kana? Magpahinga ka na muna!" Pag-aalala ko.

"Ano ba kuya! Ang O.A. mo naman! Huwag ka ngang ganyan, di bagay!" Sabi pa niya.

"Concern lang ako!" Sabi ko.

"Hay! Ou, magaling na daw ako sabi ng nurse kanina. Kaya, pwede na akong umuwi! Makakalabas na rin ako sa wakas dito!" Nakangiti pa niyang tugon.

"Buti naman. Wala ka na bang nararamdamang sakit?" Tanong ko habang tinuturo ang dibdib niya.

"Oo, okay na ko. Medyo magaling na rin ito." Sabi niya sabay pakita ng kaniyang dibdib.

"Buti naman!" Tipid kong sambit habang nakangiti dahil hilom na ang hiwa sa kaniyang dibdib.

"Tara na nga, gusto ko ng umalis sa lugar na to! Gusto ko ng umuwi!" Sabi niya habang nakapout.

"Namiss ko yan sayo?" Sambit ko habang nakatingin sa kaniya.

"Tssk! Oo na! Tara na!" Aya niya

Hindi na nagsayang pa ng oras si Mike at dali-daling nag-ayos ng kaniyang gamit. Tinulungan ko na rin siya dahil parang excited na itong umuwi dahil sa kinikilos nito. Nang makapag-impake na kami ng mga gamit niya, agad na kaming umalis.

"Ma?" Sigaw ni Mike nang makauwi na kami.

"Sandali lang?" Tugon naman ni Mama. Parang may ginagawa ito eh.

"M-mike?!" Gulat pang sabi ni Mama nang makita si Mike. Agad namang tumakbo si Mike at niyakap.

Bigla tuloy akong naiyak nung nakita ni Mama si Mike at niyakap siya. Ang tagal na kasi nilang hindi nagkikita, sinabi ko kasi kina Mama na magka-camping sila ng mga classmate nila. Hindi pa siya papayag nung araw na iyon pero pinilit kong gumawa ng mas valid na reason para lang pumayag siya. Kahit na ayaw pero wala na siyang nagawa kundi ang umo-oo na lamang.
Alam ko, nagsinungaling ako nung time na yun. Pero ginawa ko lang naman kung ano ang tama at mas mabuti. Sabi ko nga, ayokong nakikitang nag-aalala si Mama sa amin at madagdagan pa ang mga alalahanin niya.

"Bakit kuya, anong problema? Bakit ka umiiyak?" Bumalik ang ulirat ko nang biglang nagsalita si Mike.

"A-ahh? W-wala, napuwing lang ako." Palusot ko habang kinukusot ang aking mata.

"Ahh, o-okay!" Tangi niyang sambit at tumuloy na sa kaniyang silid.

Buti naman at di na masyadong tinanong ni Mama si Mike, dahil hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya ang plano kong pagsisinungaling. Kung nagkataon, lagot ako nito.

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon