Chapter 9: Crime 2 - Amusement Park - Part 1

446 21 7
                                    


(3rd Person P.O.V.)

Kasalukuyan sila ngayong naghihintay sa park habang nag-iisip ng unang move kung ano ang gagawin nilang plano para mahanap sina Stacy at Mark.

Ngayon ay nakatulala at malalim na nag-iisip ni George, hindi pa rin siya nakakarecover dahil sa nangyari sa kaniyang kapatid. Bumalik siya sa kaniyang wisyo nang bigla na lamang tumunog ang kaniyang phone at agad niya itong kinuha sa kaniyang bulsa.



Have a bless sunday to you?
It is the time to have an exciting game in your life. Are you ready to see them?....
Oh! I mean to see them suffering!
So, see you at the amusement park, my dear?


-Master mind



"G*go ka! Anong gagawin mo sa kapatid ko at sa mga kaibigan ko! Hayop ka!" Inis na sigaw ni George sa kaniyang phone na kumuha naman ng atensiyon ng lahat niyang kasamahan.

"George, who is that?" Tanong ni Margaret sa kaniya.

"A f*cking mastermind!" Inis na sigaw ni George.

"George, what do you mean? Kasama ang kapatid mo dito? Bali tatlo silang nakuha?" Singit na tanong naman ni Josh. Gulong-gulo ang lahat sa mga sinasabi ni George.

"O-oo" Maikling tugon ni George. Ipinakita na lamang niya ang kaniyang phone at sabay yumuko. Kitang-kita mo sa kaniya ang kahinaan, kawalan ng pag-asa, at panlulupaypay. Binasa naman ng kaniyang mga kasamahan ang txt na natanggap ni George.

"Sino naman siya? Bakit niya naman nasabi yan, baka may nanloloko lang sayo!? Tanong ni Angel.

"Use your commonsense! Kaya nga Mastermind ehh! Edi siya yung kumuha kay Stacy & Mark at ang kapatid niya!" Pagpapaliwanag ni Andrew kay Angel.

"I don't talk to you! Keep your f*cking mouth shut!" Pambabara naman niya kay Andrew at sabay umirap ito.

"Your a nice girl huh?" Nakangiting nakakaloko si Andrew kay Angel.

"Please, stop! Nagsasayang lang kayo ng panahon dyan! Tara na't pumunta na lang tayo sa Amusement park bago pa mahuli ang lahat!" Sigaw ni Nelson at agad naman kumilos ang lahat para mag-handa na.

Sabay-sabay na silang nagtungo sa naturang lugar habang dala-dala ang matinding kaba at takot na kanilang nararamdaman.

****

Nang makarating na sila sa naturang parke, makikita mo sa kanilang mukha at galaw ang saya at excitement dahil sa mga rides na kanilang nakikita.

"Guys! Hindi pagra-rides ang pinunta natin dito. Remember, kailangan nating mahanap sina Stacy, Mark at ang kapatid ni George. Hindi tayo kailangang magsaya dito!" Sigaw ni Andrew sa mga kasamahan. Kumunot ang noo ng ibang mga kaklase niya sa kaniya at biglang natahimik.

"Guys! Andrew is right. Hanggang wala pang masyadong tao, kumilos na tayo at simulan na natin ang paghahanap. Mahirap na kapag dumami pa ang tao, baka tuluyan na natin silang di makita. Tulad ulit ng dati, mahahati tayo in 3 groups. Ganun pa rin ang grupo natin, kaya lang sa ngayon ay wala si Stacy... But nandyan naman si Margaret, siya muna ang papalit sa pwesto ni Stacy. Kailangan natin ng dobleng ingat ngayon, maaring makuha niya tayo dahil alam naman natin na ngayon ay narito siya. Anytime, pwede niya tayong kunin. Nandyan lang siya sa paligid at kinakabisado ang bawat galaw natin, kaya hangga't maaari ay huwag na huwag kayong lalayo sa mga kasamahan nyo. Makipag-cooperate sana ang lahat para walang malagay sa alanganin, inaasahan ko yan sa inyo!" Pagpapaliwanag ni Nelson sa kaniyang mga kasamahan. Agad naman silang naunang pumasok at naghanap sa loob ng parke at sumunod ang ibang kasamahan.

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon