Chapter 10: Crime 2 - Amusement Park - Part 2

386 25 9
                                    


(3rd Person P.O.V.)

Players! The game will start in



5,




4,




3,




2,




1!




The timers starts now!


"K-kuya!" Paulit-ulit na sigaw ni Mike. Halos napakarami na ring tao ang nanonood sa kanila kung paano ang mangyayari.

"Guys! Nasaan na kayo?" Sigaw rin ni Stacy. Hirap na hirap na siya sa kaniyang position ngayon.

Ngayon ay isa-isa nang nagdatingan ang kanilang mga kasamahan. Nagulat silang lahat ng nagsisimula ng gumana ang makina. Hindi na nagdalawang isip pa si George at agad niyang pinatabi ang mga tao. Sumunod naman sa kaniya ang mga kasamahan niya, at nagsimula na silang basagin ang glass.

Tahimik lang si Mark habang gumagawa ng plano niya. Hindi alam ng kaniyang mga kasamahan na may binubuo na pala siyang plano.

"Guys? Sorry." Tanging sambit niya, agad niya itong hinawakan at tinulak dahilan para mag-umpisa na ang laro.

Laking gulat ni Mike nang unti-unti ng lumalapit sa kaniya ang 'cut off saw blade' na nagpabigay sa kaniya ng matinding kaba at takot.

Unti-unti na ring gumagalaw si Stacy sa kaniyang pwesto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Unti-unti na ring gumagalaw si Stacy sa kaniyang pwesto.

"Anong ginagawa mo, MARK!? Itigil mo yan!" Sumisigaw na sambit ni George at halos umiiyak na ito. Dahil doon, wala siyang sawang pinupukol ng bakal ang glass, ngunit sadyang makapal ang glass kaya hindi ito mabasak. Ayaw na niyang makita pa na naghihirapan ang kaniyang kapatid.

"Mark! Ikaw pa ba yan?! Despirado ka na ba talaga! Kaya mong pumatay ng tao para lang makaligtas dyan?! Napakamakasarili mo!" Sigaw ni Xiara. Ngunit parang walang narinig si Mark at itinuloy pa rin ang balak niya.

"Aaaaahhhhhhh?!" Sigaw ni Mike ng dumikit na sa kaniyang dibdib ang bagay na iyon. Sumirit ang masaganang dugo sa kaniyang mukha. Agad niyang nilaban at ito'y umuurong na mula sa kaniya. Medyo may pagkamalaki rin naman ang katawan ni Mike kaya niya nagawang labanan iyon. Mas binigyan niya ng pwersa ang pagtulak para mapunta naman kay Mark.

"Ay! Lumalaban ka pa talaga huh!? Hindi mo ako kaya! Tignan lang natin!" Ngiting nakakaloko ang kumukurba sa kaniyang mukha. Agad na binigyan ng malakas na pwersa ni Mark ang bagay na iyon at nagtuloy-tuloy kay Mike.

"Itigil mo na Mark!" Muling sigaw ni George.

"Mark! Mabuti pa't itigil mo na yang kahibangan mo! May mapapatay ka sa ginagawa mo eh!?" Sigaw ni Lee sa kaniya.

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon