(P.O.V. George)
Iminulat ko ang aking mga mata. Dahan-dahan. Pinagmasdan kong mabuti kung nasaan ako, ngunit tanging kisame lang ang nakikita ko.
Siguro, nasa isang kama akong metal. Dahil sa taglay nitong lamig sa buong katawan ko at sa tingin ko'y wala akong saplot hanggang baba. F*ck this feeling! Ugh!!
Pinilit kong gumalaw pero nanatili ako sa kinahihigaan ko. Ramdam ko na parang nakatali ang buong katawan ko. Mula sa ulo, leeg, mga braso, binti at pati na sa aking mga paa. Jusko! Ano toh?!
Kumakalas na ko sa pagkakagapos ko dito. Ayoko! Ayoko na!!! Ugh!
Ilang sandali pa, bumukas ang isang screen di kalayuan sa aking gilid. F*ck!!
Napatingin ako roon at nakita ang pagmumukha ni Melen.
“Nakahanda ka na ba sa mga mangyayari sayo?” Sabi niya sabay tumawa na parang demonyo.
“Nababaliw na talaga siya.” Bulong ko at di maiwasang mapaluha na lang.
“Ilang sandali na lang, mamamaalam ka na sa mga taong mahal mo at dito sa mundong ito. Naghihintay na ang kamatayan para sayo. Nae-excite tuloy ako.” Mapang-asar niyang saad.
“Bakit ba ayaw mo pang simulan?! Para matapos na... Matapos na ang lahat! Sawang-sawa na ko sa pagmumukha mong demonyo ka!” Galit kong sigaw.
“Wag kang mag-alala. Ito na nga eh.” Nakangisi niyang sabi. Kasabay nun ang pag-shut down ng screen. Saan siya nagpunta?!
“Nandito ako. Saan ka nakatingin?” Nagulat akong bigla nung hinimas niya ang mukha ko. Nakapag pabigay naman sakin ito ng kilabot.
Hindi ko alam pero bila akong kinabahan.
“Hwag mong sabihing....” Di ko pa natatapos pero pinutol niya agad ang pananalita ko.
“Oo! Tama ang nasa isip mo. Ako ang papatay sayo sa pagkakataong ito. Gusto ko kasing ako ang pumatay sa nagpasimula ng lahat ng ito.” Nakangiti niyang sabi. Bwiset!!
“Gago ka! Hibang ka na talaga! Wala kang awa! Ang dami mo ng dinamay! Di ka pa rin nasasapatan sa lahat ng iyon?! Anong klaseng tao ka? Di ka tao! Mas masahol ka pa sa hayop!” Pag sigaw ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...