2

6.4K 135 3
                                    

Chapter 2

Narinig ko ang pagkatok ni Kuya Justin sa pintuan ng kwarto ko. Ngunit hindi na ako nag abala pang pagbuksan sya. Naiinis ako sakanya.

"Eloisa ano ba?! Buksan mo itong pinto". patuloy padin sya sa pagkatok at pagtawag sa pangalan ko. Bahala ka! Manigas ka dyan!

"Bibilang ako ng tatlo. Kapag hindi mo to binuksan. Sisirain ko tong pintuan ng kwarto mo.

..Isa!

..Dalawa!

Hindi pa din ako natinag. Wala akong paki kung ano man ang gawin nya. Kung gusto nyang sirain ang pinto ng kwarto ko bahala sya.

..Tatlo! Sinusubukan mo talaga ako Eloisa hah!" parang nakikita ko ng namumula ang mukha nya dala ng matinding galit. Ganyan naman sya eh! Madaling mag init ang ulo.

BLAAAGGG!!!

Oh shit! Sinira nya talaga ang pinto ng kwarto ko. Inis akong bumangon at nilapitan sya.

"Ano bang problema mo ha?! Sinira mo pa ang pintuan ng kwarto ko."

Inihagis nya ang spongebob na stuff toy kasama ang mga chocolates na binili nya.

"Ayan na!" aba. Sya pa ang may ganang mainis.

"Salamat nalang pero sayo nalang yan".

"Hoy babae! Anu bang problema mo ha? Kanina kapa sa mall ah!"

"Ah basta! Naiinis ako sayo. Kaya wag mo akong kakausapin."

"Nawawalan kana ng respeto sakin Eloisa. Baka nakakalimutan mo Kuya mo ako. Kaya hindi pwede sakin yang pagsagot sagot mo na yan!"inikutan ko lang sya ng mata.

"Whatever KUYA!" diniinan ko talaga yung kuya Nakakainis kasi sya. Lumabas na din sya ng kwarto ko.

Hindi nagtagal nagring ang cellphone ko. Tumatawag si Mommy. Sigurado ako nagsumbong nanaman ang magaling kong kapatid.

"Hello Mom".

(Nanumbong sakin ang kuya mo. Nag away nanaman daw kayo. Dadalawa nalang nga kayong magkasama dyan nag aaway pa kayo.)

"Alam nyo naman Mom na kapag may monthly period hindi mawawala ang pagka mainitin ng ulo. Hindi lang masakyan ni Kuya yung topak ko kaya kami nag away."

(Ikaw na din bahalang magpasensya sa kuya mo. Alam mo ng maikli ang pasensya nya.)

"Okey po."

(Oh sige na. Bye na. Ayusin nyo yang problema nyong magkapatid. Mahirap yung magkasama kayo tapos may samaan kayo ng loob.)

"Opo."

Pagkatapos kong makausap si Mommy lalo lang akong nainis. Napaka sumbungero talaga ng Justin na yan. Tutal isang taon lang naman ang tanda nya sakin kaya Justin nalang ang itatawag ko sakanya.

Pagbaba ko naabutan ko syang nanunuod ng tv sa may sala. Pupunta muna ako sa bahay nila Erika para magpalamig ng ulo.

"At saan ka naman pupunta hah babae?!" sita nya sakin

"Paki mo?!" nakita ko syang tumayo. Mabilis ko naman binuksan ang pintuan.

Saktong paglabas ko nakasabay ko ang dati kong kaklase. Si Arthur. Actually crush ko sya nung first year kami pero nawala din nung nag second year kami.

"Hi Eloisa". binati ko rin naman sya.

"Hello."

"Long time no see ah?"

"Long time no see ka dyan. Eh nagkikita naman tayo sa school diba?"

Sabay kaming natawa. Nawala ang ngiti ko ng biglang may humigit sa braso ko. At kinaladkad ako palayo.

Pagdating sa bahay galit ko syang hinarap.

"Nakakabwisit ka! Alam mo yon!?"

"Mas nakaka bwisit ka! Lumabas ka lang pala para makipaglandian!" galit na sabi nya. Hindi ko napigilan ng biglang umigkas ang palad ko sa mukha nya

"Para sabihin ko sayo hindi ako malandi! At wala akong nilalandi! Hindi ako kagaya mo!" tumakbo ako paakyat sa taas!

Argh! Maghapon akong badtrip!



FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon