[A/N : MALAPIT NA ANG PAGTATAPOS NG STORY NI JUSTIN AT ELOISA. SA PALAGAY NYO MAGIGING HAPPY KAYA ANG ENDING NG STORY NILA? MAIPAGLALABAN BA NI ELOISA SI JUSTIN? MAHAL PABA NI JUSTIN SI ELOISA? MATUTULOY BA ANG KASAL?..]
***
Chapter 55
Napagdesisyunan kong bumalik sa Pilipinas. Tutal ay sa isang araw pa naman ang kasal ni Kuya Justin kung kaya aabot pa ako.
Wala na akong pakielam kung magalit pa sa akin sila Mommy. Basta ang gusto ko lang sa ngayon ay maipaglaban ko ang pagmamahal ko kay Kuya Justin na dapat ay noon ko pa ginawa.
Pagkalapag palang ng eroplano sa NAIA ay tinawagan ko na kaagad si Erica. Napag usapan kasi namin na sya ang susundo sa akin. Hindi nagtagal ay nakita ko na din sya dahil sa ginawa nyang pagkaway.
Lumapit kaagad ako sakanya at niyakap sya. Kagaya ko ay umiiyak din sya.
"Salamat Eloisa at hindi ka nagdesisyon na magpatiwakal." lumuluha ngunit nakatawang sabi nya
"Kapag ginawa ko yun de hindi ko nakuha ang dapat na sa akin."
"Sigurado kaba sa gagawin mo? Paano kung hindi kana mahal ng kuya mo? Paano kung yun ng babaeng papakasalan nya ang mahal nya? Magmumukha kang kawawa Eloisa. Tapos magagalit pa sayo ang mga magulang mo."
"Alam ko. Na dahil dito sa desisyon ko ay maaaring mawala ang lahat sa akin ang buong pamilya ko. Pero Erica,alam mo naman kung gaano ko kamahal si Kuya Justin diba? Kaya kahit ano pa ang maging resulta ng gagawin ko. Wala na akong pakielam."
"Kaibigan kita Eloisa. At mahal na mahal kita. Alam kong alam mo yan. Kaya kahit alam kong mali ang gagawin mo ay nandito padin ako at sinusuportahan ka. Gusto ko lang malaman mo na kahit talikuran ka ng lahat ng tao sa paligid mo. Nanditi lang ako mananatili sa tabi mo." at dahil sa sinabi nya ay napahagulgol ako ng iyak.
"Napakaswerte ko talaga at naging kaibigan kita Erica. Mahal na mahal din kita. Hayaan mo at balang araw ay makakabawi rin ako sayo."
"Halika na. Dun ka muna sa condo ko tumuloy. Hindi pwedeng sa bahay namin eh. Alam mo na baka malaman pa kaagad ng magulang mo. Maharang kana nila bago mo pa makausap ang Kuya mo."
At gaya ng napag usapan namin ay sa condo nya kami tumuloy. Pinagpaplanuhan namin kung paano ko makakausap si Kuya Justin.
"Mukhang malabo na makausap mo ang Kuya mo ngayon. Siguradong nakadikit sakanya ang linta nyang fiancee."sabi ni Erica
"Alam mo ba ang pangalan ng fiancee nya?" tanong ko
"Oo. Melissa."
"Melissa? So ibig sabihin ang importante na pupuntahan nila Mommy dito sa Pilipinas ay kasal ni Kuya Justin?"
"Malamang. Alam mo naman hindi nila sasabihin sayo yun diba? Dahil alam nilang gagawin mo itong ginagawa mo ngayon."
"Kung hindi ko makakausap si Kuya Justin ngayon. Sa araw ng kasal nya tayp pupunta."puno ng determinasyon na sabi ko kay Erica.
Handa akong tanggapin ang ano mang pangungutya na maaari kong marinig mula sa ibang tao. Handa akong tanggapin ang galit ng magulang ko. Handa akong humarap sa kahihiyan. Isang bagay lang ang di ko kayang tanggapin. Yun ay ang ikasal si Kuya Justin sa iba at tuluyan na mawala sa akin.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?