Chapter 10
Dinala nya ako sa isang sikat na restaurant para magcelebrate. Nakakatuwang isipin dahil dadalawa lang kami para magdiwang para sa espesyal na okasyon na ito.
"Gusto kong malaman mo na kahit ikaw lang ang kasama ko masaya padin ako. Hanggang nasa tabi kita hindi ako makakaramdam ng lungkot. Ikaw ang kaligayahan ko Eloisa. My Baby." halos hindi ko naman malunok ang kinakain ko na naging dahilan kung kaya nabulunan ako. Mabilis naman nya akong binigyan ng tubig.
"Ikaw kasi eh! Nagugulat ako sa mga sinasabi mo. Hindi ko alam na ganyan ka pala ka corny". natatawang sabi ko.
"Kesa naman sayo. Walang sweetbones." sabi nya na ikinataas ng kilay ko.
"Ah ganun. Eh di humanap ka ng iba. Yung sa sobrang sweet magkaka diabetes kana." inis na sabi ko.
"Tss. Sino bang nagsabi na maghahanap ako ng iba. Kahit na ikaw pa ang pinaka hindi sweet na tao sa mundo. Ayos lang sakin. Dahil nandito naman ako para maging asukal mo."
"Whhah! Ang corny mo na talaga. Tumigil kana nga!" sabi ko na ikinatawa nya.
"Kilala mo ako. Sweet ako pero masama akong magalit. Kaya sana wag kang gagawa ng bagay na alam mong ikagagalit ko." napanguso naman ako sa sinabi nya.
"Ako pa ang pinag isipan mo ng ganyan. Eh ikaw? Sigurado ako na marami kang makikilala sa unibersidad na papasukan mo. At syempre hindi din malabo na maakit ka sa isa sa kanila. Pag nagkataon anong laban ko? Kapatid mo lang ako." nalungkot ako ng sabihin ko yun.
"Madami ngang babae. Ang kaso ikaw ang pinili ng puso ko. Kaya kahit milyon pa ang babaeng makaharap ko hinding hindi ako maaakit sakanila."
"Talaga?"
"Talagang talaga! Kaya dapat ganun ka rin. Wag kang maaakit sa mga lalaking makikilala mo. Madamot ako Eloisa. Gusto ko akin ka lang. Ayaw ko ng may kahati."
"Parehas lang din tayo. Ayoko din ng may kahati sayo. Gusto ko sakin ka lang. Hindi pwede sa iba."
Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami. Halos hindi ako makagalaw sa sobrang busog. May isa't kalahating buwan pa ako para sa bakasyon. Iniisip ko kung ano ang pwede namin gawin. Nakakaboring kasi dito sa bahay.
Pagkapasok ko sa kwarto ko mabilis akong nagtungo sa kwarto. Pakiramdam ko kasi ang lagkit lagkit ko na. Nagsuot ako ng terno na pantulog. Pajama ang pang ibaba. Paglabas ko naabutan ko si Kuya Justin na nakahiga sa kama ko at nakapikit. Hindi ko alam kung tulog ba sya o nakapikit lang. Lumapit ako at hinawakan ang pisngi nya ngunit hindi sya natinag. Sigurado tulog sya. Pinunasan kong mabuti ang buhok ko bago ko iblower. Tsinek ko din mabuti ang pinto ng kwarto ko kung nakalock. Buti nalang pinalitan pati doorknob ko. Kahit na gamitin nila ang duplicate key ng kwarto ko basta nilock ko sa deadlock hindi nila mabubuksan. Pwera nalang kung sisirain nila ang pinto.
Pagkatapos kong iblower ang buhok ko. Nahiga ako at pinatay ang lampshade na nasa tabi ng kama ko. First time kong matutulog ng may katabi. At ito pa ang lalaki na mahal ko. Naramdaman ko ang pagyakap nya sakin. Pumihit ako paharap sakanya para yakapin din sya pabalik. Isiniksik nya ang mukha nya sa leeg ko.
"Ang bango mo baby. I love you."
"I love you too."
"I love you more. Even though our love is forbidden. Im willing to give up everything just to be with you".
Pagkasabi nya ng mga kataga na yun ay hinalikan nya ako. Halik na syang pumapawi sa lahat ng agam agam ko.
Halik na mas lalong nagpatindi sa pagmamahal ko sakanya. Hulog na hulog na ako sakanya. At hindi ko alam kung makakaahon paba ako.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?