58

2.8K 69 3
                                    

Chapter 58



QHindi ako mapakali sa labas ng emergency room. Halos pakiramdam ko ay gusto ng sumabog ng puso ko sa sobrang kaba.

Gusto kong pumasok sa loob ng emergency room kung saan ay naroon ang babaeng mahal na mahal ko. Gusto kong humingi ng tawad sakanya. Dahil sa pagsisinungaling ko ay napahamak sya.

Tila ako kandilang nauupos habang pasalampak na naupo sa may sahig at sumandal sa pader. Wala na akong pakielam sa nakakakita sakin, ang tanging gusto ko lang ay ang lumuha para mabawasan ang bigat ng dinadala ko.

Napa angat ang tingin ko ng makita ang taong tumabi sa akin. Ang tao na dapat ay pakakasalan ko.

"Siya yung babaeng mahal mo hindi ba? Siya rin yung dahilan kung bakit ka naging miserable noon." walang mababakas na panunuya sa mga salita nya. Ngunit makikita sa mukha nya na nasasaktan sya.

"Im sorry Melissa." sabi ko at niyakap sya

"Okey lang yun Justin. Naiintindihan kita. Sana kapag naging okey na ang kalagayan nya ay magpakatotoo kana ulit sa nararamdaman mo para sakanya. Wag mo ng isipin kung ano pa man ang sasabihin ng ibang tao. Ipaglaban mo ang alam mong makakapagpasaya sayo. Dahil kapag nasaktan ka. Hindi naman sila ang makakaramdam nun diba? Kaya bakit mo pa iintindihin ang iba."

"Pinaglaban ko sya noon. Pero sya ang sumuko Mel."

"Pinaglaban ka din nya ngayon. Yun nga lang ikaw naman ang bumitaw sakanya."

"Ang tanga ko Mel! Ang tanga tanga ko! Kasalanan ko kung bakit sya nasa loob ng kwartong yan at nag aagaw buhay ngayon!"

Napatayo ako ng lumabas ang doktor mula sa kwarto kung saan naroon si Eloisa. Tahimik na lumapit lang din ang magulang namin pati nadin si Erica.

"Kailangan masalinan ng dugo ang pasyente." sabi ng doktor. Agad naman akong nagsalita.

"Ako dok. Kuhanan ninyo ako ng dugo. Kahit po kunin nyo na lahat mabuhay lang sya." umiiyak na sabi ko. Nakita ko naman ang pag iling ni Mommy. Umiiyak syang niyakap ni Daddy.

"Justin. Anak." tawag sakin ni Daddy.

"Kayo din ba Di? Gusto nyo din bang magpakuha ng dugo? Tara na. Ano pang hinihintay natin?" pagyayaya ko sakanila. Lalong napaiyak si Mommy

"Im sorry Justin. Pero hindi natin pwedeng bigyan ng dugo ang kapatid mo."umiiyak na sabi ni Mommy

"Bakit Mi?"naguguluhang tanong ko.

"Dahil siguradong wala ni isa sa atin ang kabloodtype nya. Dahil hindi naman natin sya tunay na kadugo." tila nabingi ako sa sinabi ni Mommy sa akin.

"Anung ibig mong sabihin Mi?!" galit na sabi ko.

"Si Eloisa. Hindi namin sya tunay na anak. Hindi mo sya kapatid. Patawad anak." patuloy sa pagluha na sabi ni Mommy.

Gusto kong sumbatan silang dalawa ni Daddy dahil inilayo nila sakin si Eloisa. Hindi nila kami hinayaan noon gayong hindi naman pala kami tunay na magkapatid.

Dahil sa labis na galit ko ay nasuntok ko na ang pader. Wala na akong pakielam sa sakit na sumalubong sa kamao ko. Dahil walang kasing sakit ang nararamdaman ko sa puso ko.

Nakakagago lang. Sana ay hindi nangyari ito kung naging tapat lang sila sa amin. Pinaniwala nila kami na mali ang nararamdaman namin sa isat isa. At ngayon nag aagaw buhay si Eloisa dahil nasaktan ko sya. Inisip kong tama ang ginawa ko dahil magkapatid kami. Tapos malalaman ko lang na hindi pala!












FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon