Special Chapter 3
Mabilis akong tumayo para lapitan ang bisita namin. Hindi ko alam kung bakit kasama ni Erica si Hero. Buhat ng ikasal kami ni Justin ay wala na akong balita sakanya.
"Wahh! Eloisa. Namiss kita!" tili ni Erica. Gusto man nya akong yakapin ay di nya magawa dahil sa malaki kong tiyan.
"Ako din. Namiss din kita." napabaling ang tingin ko kay Hero na nakatitig sa may tiyan ko. Bakas sa mukha nya ang lungkot. "Kamusta kana Hero?" tanong ko. Dun lang sya napatingin sa mukha ko.
Agad naman lumapit si Justin sa akin at inilalayan akong maupo. Nasa tapat naman namin si Erica at Hero.
"Okey lang naman ako Eloisa." sagot nya at lumipat ang tingin nya kay Justin na nasa tabi ko.
"Kailan ka manganganak Eloisa?"tanong ni Erica.
"Next month." tipid na sabi ko. Tumikhim naman si Hero para maagaw ang atensyon namin.
"Ahm. Justin okey lang ba na kausapin ko si Eloisa?" tanong nya na nakatingin kay Justin.
Nilingon ko naman si Justin na nakakunot ang noo.
"Nag uusap na kayo diba?" malamig na tugon nya.
"Yung kaming dalawa lang. Kung okey lang?"
"Bakit? Ano na pag uusapan nyo at kailangan na kayong dalawa lang?" bakas ang inis sa mukha niya. Hinawakan ko naman ang kamay nya para pakalmahin. Alam kong konting konti nalang at sasabog na sya.
"Baby. Hayaan mo na. Sige na."tumayo ako at niyaya si Hero sa may garden.
Pagdating namin doon ay nakita kong nagtubig ang mga mata nya.
"Hero." malungkot na sabi ko
"Napakaswerte nya sayo Eloisa. Ramdam ko ang pagmamahal mo sakanya. Naiinggit ako sakanya. Pero masaya naman ako para sayo dahil wala ng magiging balakid sa relasyon nyo. Siguro nga inilaan talaga kayo sa isat isa. Biruin mo yun? Buhat noon alam nyong magkapatid kayo pero sa huli malalaman nyong di naman pala kayo totoong magkapatid." nakangiti sya ngunit hindo ito umabot sa mata nya.
"Isang araw makakakita ka din ng babaeng para sayo Hero. Sorry kung hindi ako ang babae na yun."
"Pwede ba kitang yakapin Eloisa? Kahit sa huling pagkakataon man lang?"tumango naman ako bilang tugon.
"Hindi ako nagsisisi na minahal kita Eloisa. Kahit nasaktan ako naging masaya padin ako. Dahil kahit saglit lang nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama ka. Mahal padin kita Eloisa pero alam kong mali na mahalin kita dahil may nag mamay ari na sayo. Hindi ko pipilitin ang sarili ko na kalimutan ka. Hahayaan kong panahon ang humilom ng sugat sa puso ko."
"Patawad kung nasaktan ka ng dahil sakin." sabi ko. Hindi padin kinakalas ni Hero ang pagkakayakap sakin, hinayaan ko nalang sya dahil gaya ng sabi nya ito na ang huling pagkakataon kaya pagbibigyan ko na sya.
Awtomatikong napakalas ang sa pagkakayakap kay Hero ng may magsalita sa likod namin.
"Tama na yan. Masyado ka ng nasasarapan sa pagkayap sa asawa ko." lumapit sya sakin at inakbayan ako.
"Sorry. Nagpaalam lang naman ako kay Eloisa." malungkot na sabi ni Hero.
"At kailangan may yakap pa talaga." inis na sabi nya
"Baby. Tama na yan. Wala naman malisya yun eh." sabi ko.
"Tss."
Hayy. Umiral nanaman pagkaseloso nya. Mabuti nalang at buntis ako. Kung hindi nabugahan na sana nya ako ng apoy.
I love you Justin Efxel Eleazar. Kahit sobrang seloso ka.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?