Chapter 7
Mabilis lumipas ang mga araw. Bukas na ang graduation ni Kuya Justin. Yuhoo! Sa wakas! Sa pasukan malaya na akong gawin ang gusto ko. Lalo na at malayo sa eskwelahan na papasukan ni Kuya Justin ang eskwelahan ko.
Nakakalungkot nga lang dahil hindi man lang nakauwi sila Mommy para masaksihan ang graduation ni Kuya Justin. Valedictorian pa naman sya.
Mag isa lang ako ngayon dito sa bahay dahil nagpunta sa eskwelahan si Kuya para kuhanin ang toga na gagamitin niya para bukas.
Naging close naman kami ni Hero. Yun nga lang hindi sa personal kundi sa text lang. Mahirap na at baka kung anong gawin sakanya ng dragon kong kapatid.
Napangiti ako ng marinig ang personalized tone ng cellphone ko na maririnig kapag si Hero ang nagtext.
From : Hero <3
Goodmorning 😘
Natatawa ako dahil madalas syang gumamit ng emoji.
To : Hero <3
Goodmorning din. Tigilan mo na nga ang pag gamit mo ng emoji.
Mabilis naman syang nagreply.
From : Hero <3
Bakit naman? Yan na nga lang yung tanging paraan na alam ko para lang maipakita sayo yung emosyon na nararamdaman ko eh. Ipapatigil mo pa.
To : Hero <3
Baliw!
From : Hero <3
Baliw sayo!
Magrereply na sana ako ng biglang mawala sa kamay ko ang cellphone ko. Nawala ang ngiti ko ng makita na hawak ng dragon ang cellphone ko. Bakit hindi ko man lang naramdaman ang pagdating nya? Ganun ba ako kaabala para hindi ko sya maramdaman.
"Magaling! Hindi ka nga nakikipagkita sa lalaki mo. Sa cellphone ka naman nakikipag.. Argh! Nevermind!" mabilis nyang tinanggal ang simcard ng cellphone ko. Seryoso?! Anu bang nangyayari sakanya.
"Kuya! Pati ba naman pakikipag usap sa cellphone bawal din?!" sobra na talaga sya.
"Kapag sa lalaki bawal!" wow! Grabe sya. Anung akala nya sakin? Tomboy? Para pag aksayahan ko ng oras ang mga babae.
"Anu ba naman gusto mong gawin ko?! Puro babae lang ang kakausapin ko? Hello! Babae ako. At lalaki ang hanap ko." nakaramdam ako ng takot ng makita ko ang galit na bumalatay sa mukha nya dahil sa sinabi ko.
"Hindi mo na kailangan maghanap ng lalaki!" galit na sabi nya.
"At bakit naman?!" sabay irap ko sakanya.
Ilan ulit na bumuka ang bibig nya. Na tila may gusto syang sabihin ngunit walang kahit isang salita na lumabas galing dito. Tinalikuran lang nya ako at umakyat papunta sa kwarto nya. Wala naman akong nagawa kung hindi sundan nalang sya ng tingin.
Pagkababa nya. Nakasuot na sya ng pambahay. Napataas ang kilay ko ng iabot nya sa akin ang isang cellphone. Na sa pagkakaalam ko ay hindi naman sa akin. At sigurado akong sakanya yun base sa wallpaper ng cellphone.
"Aanhin ko yan?"hindi ko padin kinukuha sa kamay nya ang cellphone.
"Ako ang gagamit ng cellphone mo pati ng simcard mo. Ikaw naman ang gagamit nitong sakin. Replyan mo lahat ng magtetext sakin. At rereplyan ko din lahat ng magtetext sayo." seryosong sabi nya.
"Nababaliw kana Kuya. Sa pagkakaalam ko mag boyfriend lang ang gumagawa non!"
"Kung ganon. Kunwari magboyfriend tayo. Para hindi kana maghanap ng iba. Ako nalang ang tatayo na boyfriend mo. Naiintindihan mo Eloisa? At habang ako ang boyfriend mo hindi ka pwedeng tumingin sa iba. Ako lang ang titingnan mo. Maliwanag?" at pilit nyang iniligay sa kamay ko ang cellphone. Habang ako nalaglag ang panga dahil sa sinabi nya. Tulala ako at hindi makakilos. Hindi ako makapaniwala.
Sinabi nya ba talaga yun?
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?