Chapter 46
Maaga akong nagising kinabukasan. Gusto kong ipagluto si Kuya Justin ng almusal. Nagpunta ako sa banyo upang gawin ang morning rituals ko. Pagkatapos ay bumaba na ako para pumunta sa kusina.
Nagprito ako ng luncheon meat. Hiniwa ko ito ng korteng puso. Nagprito din ako ng hotdog at ham pagkatapos ay nagsangag ng kanin. Kasalukuyan kong inaayos ang mga niluto ko sa lamesa ng may yumakap sa
"Goodmorning baby. Ang aga mo naman gumising". sabi nya habang nakapatong ang ulo nya sa balikat ko
"Goodmorning din. Gusto kasi kitang ipagluto eh! Palagi nalang kasi ikaw ang nagluluto para sakin. Kaya ako naman ngayon." nakangiting sabi ko at tinanggal ko na ang pagkakayakap nya sakin. "Sige na upo kana." sabi ko at hinalikan ko sya sa pisngi.
"Baby kinikilig ako." nakatawang sabi nya.
"Tss. Wag mo na akong bolahin." nakairap na sabi ko. "Sandali lang at ipagtitimpla kita ng hot choco". at tinalikuran ko na sya.
Pagkatapos namin kumain ay sinimulan ko ng ligpitin ang pinagkainan namin. Para akong tanga na nakangiti habang naghuhugas ng plato.
"Inlove na inlove ka talaga sa akin noh!" dahil sa gulat ko kaya nabitawan ko ang platong hawak ko.
"Ayan! Ikaw kasi eh nanggugulat ka."inis na sabi ko at pinulot ko ang plato na nahulog. Dahil sa katangahan ko nasugatan ko ang daliri ko.
"Aray!"daing ko
"Baby! Tsk. Ikaw kasi eh! Akin na nga at gagamutin ko yan". sabi nya at itinayo ako mula sa pagkakaupo ko at dinala ako sa may sofa. " Dyan ka lang at kukunin ko lang ang first aid kit." sabi nya at umakyat na sya papunta sa kwarto nya.
Pagbalik nya dala dala na nya ang first aid kit. At sinumulan nyang gamutin ang nahiwa kong daliri.
"Baby. Ang sakit!" daing ko ng simulan nyang dampian ito ng bulak na may alcohol
"Psh. Kasalanan mo yan. Hindi ka kasi nag iingat."sabi nya at sinimulan nyang hipanin ang sugat ko kasabay ng pagdampi ng bulak dito
"Nasugatan na nga ako nagagalit kapa."
"Hindi ako nagagalit. Sinasabi ko lang sayo na mag ingat ka naman."
"Baby. May mas effective na gamot dyan sa sugat ko." nakangiting sabi ko sakanya
"Ano?"
"Kiss."
"Psh. Sabihin mo nalang kung gusto mong ikiss kita. Hindi yung nagdadahilan kapa." at mabilis nya akong hinalikan sa labi.
"Bakit sa labi mo ako kiniss eh itong daliri ko ang may sugat."
"Mas effective daw kasi kapag sa lips." nakangising sabi nya at itinabi na nya ang ginamit nyang panggamot sa sugat ko.
Pagbalik nya tinaggal nya ang nabasag kong pinggan at winalisan ito. Sya nadin ang nagtuloy ng mga hinuhugasan ko. Habang ako nakaupo lang at pinagmamasdan sya.
Hindi ko maiwasang mangarap na sana kagaya lang kami ng ibang magkasintahan na hahantong sa kasalan ang relasyon. Alam kong dadayain ko ang sarili ko kapag sinabi kong balang araw ay ikakasal din kami. Dahil ang totoo. Hanggang ganito nalang kami. Dahil kailan hindi pwedeng ikasal ang magkapatid.
Dahil sa naisip ko. Bigla nalang akong napaiyak. Bakit nga ba napakasakit ng katotohanan? Pwede bang mabuhay nalang ako sa kasinungalingan para walang hangganan ang kasiyahan na maaari kong maramdaman?
Naramdaman ko ang mainit na palad nyang sumakop sa mukha ko. At dinampian ako ng halik sa labi.
"Baby. Kung ano man ang dahilan ng pag iyak mo. Please lang. Tama na. Ayokong nakikita kang umiiyak."sabi nya at pinahid ang luha ko gamit ang dalawang hinalalaki nya.
"Sorry." sabi ko at niyakap sya.
"Mahal kita Eloisa. Mahal na mahal. Kaya please lang wag ka ng umiyak dahil nasasaktan ako kapag umiiyak ka."
Tao lang ako. Marunong magmahal. Hindi ko hawak ang puso ko. Mali ang taong pinili nya pero hindi ko kayang itama ang pagkakamali ng puso ko dahil ang iwanan sya ay magsisilbing kamatayan ko.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?