18

3.1K 74 1
                                    

Chapter 18

Nakita ko ang pagbagsak ng balikat ni Hero dahil sa sinabi ko.

"Bakit Eloisa". malungkot na sabi nya.

"Dahil sinasagot na kita." ang kaninang malungkot nyang mukha ay napalitan ng kasiyahan. Nakita ko pa ang tila pagningning ng mga mata nya dahil sa sinabi ko. Alam ko kakatanong palang nya kanina kung pwede syang manligaw tapos eto sinasagot ko na sya kaagad.

"Talaga Eloisa? Hindi kaba nagbibiro?"

"Oo. May nabasa kasi ako na hindi naman daw ang panliligaw ang pinatatagal kundi ang relasyon."

"Hayaan mo Eloisa kahit girlfriend na kita liligawan padin kita." masayang sabi nya sabay yakap sakin.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng bahay nila. Ang maingay na mga kasama namin na nagkukuwentuhan ay nagsitahimik at dumapo ang mga mata nila sa mga kamay namin.

"KAYO NA?" pagkakasabay nilang sabi. Nagkatinginan naman kami ni Hero at ngumiti sakanila.

"Oo kami na". sabay din naming sabi. Sinugod sya nila Hanz,Lloyd, Albert,at Andrei. Habang hinila naman ako ni Erica.

"Kayo na talaga? Congrats girl! Ang swerte mo kay Hero. Kaya lang ang malas nya sayo dahil siguradong lagot sya sa Kuya mo kapag nalaman nya."

Kung alam mo lang Erica kung bakit ko ginagawa ang bagay na ito. Baka hindi mo na ako ituring na kaibigan dahil pinatos ko ang sarili kong kapatid.

"Oh. Bakit ka umiiyak? Dahil ba sa sinabi ko? Joke lang yun. Swerte din si Hero sayo."

"Oi. Bakit mo pinaiyak ang girlfriend ko ha?" sabi ni Hero sabay punas sa luha ko.

"Tange! Tears of Joy yan". sagot naman ni Albert. Nagtawanan sila kaya nakitawa nadin ako. Halos makalimutan na namin ang tatlong bababe na kasama namin. Si Liza partner ni Hanz, Si Fatima partner ni Andrei at si Karen partner ni Lloyd.

Kaming mga babae ang naka toka sa kusina para maghanda ng pagkain. Mabuti nalang pala talaga at marunong akong magluto.

"Girl. Ang sarap ng luto mo. Pwede ka ng mag asawa". nakangiting sabi ni Fatima pagkatapos tikman ang niluto ko.

"Asan. Patikim din kami". sabi naman ni Karen at sinimulan na nga nilang tikman ang luto ko.

"Masarap nga!" sabi ni Liza

"Syempre! Luto ng bestfriend ko yan!" proud na sabi ni Erica.

Sinimulan na nilang ayusin ang lamesang pagkakainan namin. Naglagay na sila ng plato at kubyertos habang ako naman ay isinasalin na sa tatlong lalagyan ang ulam. Taga dala naman si Karen sa lamesa.

"Kain na tayo!" tawag ni Fatima sa mga boys na kasama namin.

Nang magsi upo na sila at nagsimulang kumain nakita ko ang pagtigil ng mga boys sa pagsubo nila ng matikman ang niluto ko. Kinabahan ako dahil sa naging reaksyon nila.

"Ah? Hindi ba masarap. Akina at magluluto nalang ako ng bago" sabi ko sabay kuha sa bowl ng ulam. Hinawakan naman ni Hero ang kamay ko.

"Masarap. Sobrang sarap!" sabi ni Hero.

"Pasensya na Eloisa. Nabigla kami dahil hindi namin alam na ganito pala kasarap ang niluto mo."sabi ni Albert.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nila.

Hindi ko akalain na ang nasira kong bakasyon kasama si Kuya Justin ay magiging ganito kasaya kasama ang mga kaibigan ko.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon