Chapter 28
"Kuya! Aray! Ano ba! Nasasaktan ako." sabi ko sabay hatak ng kamay ko.
"Talagang masasaktan ka Eloisa! Hindi kana nahiya talagang sa sasakyan kapa nakikipaghalikan!" kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Kuya Justin.
"Bakit ikaw?! Dito mo pa talaga sa bahay dinala ang babae mo!" natigilan sya sa sinabi ko. " Napaka unfair mo, hindi kita pinapakielaman sa mga ginagawa mo, hinahayaan lang kita kahit na sobrang ang sakit na!" narinig ko ang pagtawa nya sa sinabi ko, na para bang isang malaking joke lang ang narinig nya mula sakin.
"Nasasaktan?! Oh common Eloisa. Kung meron man nasaktan satin dalawa ako yon at hindi ikaw!"
"Nagsorry na ako sayo. Pero hindi mo ako pinakinggan. Tapos kayo na ni Heiley at nag i love you ka pa sakanya."
"Mukhang lahat ng sinasabi mo Eloisa bumabalik sayo. Sino kaya dito ang nagsabi ng i love you sa ibang lalaki? Hindi ba ikaw?" nang uuyam na sabi nya. " Kaya wag mo akong sisihin dahil ikaw ang may kasalanan Eloisa kung bakit nagkaganito ako." pagkasabi nya ay tinalikuran nya kaagad ako.
Napaupo nalang ako sa sofa habang nakatakip ang dalawang palad ko sa mukha ko. Wala na talagang pag asa na magkaayos pa kami. Mas lalo pang tumitindi ang hindi namin pagkakaunawaan.
"Eloisa?! What happened dear?" napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Si Mommy at si Daddy nakatayo na pala sa harapan ko.
Tumayo ako at niyakap silang dalawa ni Daddy. Namiss ko silang dalawa. Ngunit kinakabahan ako. Sana ay hindi nila mapansin ang hindi namin pagkakaunawaan ni Kuya Justin.
"Mommy im okey. Dont worry."
"Where's your brother?" tanong ni Daddy.
"Nasa kwarto nya po daddy." nakita ko naman na umakyat si Daddy papunta sa kwarto ni Kuya Justin. Sigurado akong may importanteng sasabihin si Dad sakanya kung kaya sinadya nya pa ito sa kwarto.
"Kumusta kayo ng kuya mo?Nag aaway padin ba kayo?"tanong ni Mommy habang paakyat kami papunta sa kwarto nila ni Daddy.
"Wala naman bago Mi. Lagi naman mainit ang ulo ni Kuya Justin". sabi ko.
Kinagabihan sabay sabay kaming kumain nila Mommy ng dinner. Katabi ko si Kuya Justin kaya hindi ako kumportable sa upuan ko. Napukaw ang atensyon ko ng magsalita si Daddy.
"Think about it Justin. I guess it would be better if you'll study there."
"I already told you my answer dad."
"Why i cant change your mind?" napasulyap sakin si Kuya Justin at tumikhim
"Dahil kapag umalis ako. Wala ng magbabantay kay Eloisa. Lalo na ngayon at may boyfriend na sya. Baka magulat nalang tayo na hindi sya makakagraduate dahil nabuntis na".
"Totoo ba yon Eloisa?! May boyfriend kana?" gulat na tanung ni Mommy kaya napayuko ako. Nakita ko din ang pagtitig sakin ni Daddy. Marahan naman akong tumango.
"Talaga? Dalhin mo dito yang lalaki na yan bukas at gusto kong makilala ang magiging son in law ko." nagulat ako sa naging reaksyon ni Mommy, akala ko ay magagalit sya. Pero mas nagulat ako sa naging reaksyon ni Kuya Justin. Tumayo sya ng hindi pa nauubos ang pagkain.
"Excuse me. I've lost my appettite". sabay tinapunan ako ng nakakamatay na tingin bago tumalikod at umalis.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?