48

2.2K 55 0
                                    

Chapter 48



Nasa loob palang ako ng taxi ay ramdam ko na ang galit sa sistema ko. Isang milyon beses ko ng pinapatay sa isip ko ang malanding babae na yun. Pati pa yang Justin na yan. Grrr. Naiinis ako sakanya!

"Miss okey ka lang ba?" tanong sakin ni Manong driver

"Hindi po manong. Dahil nangangati ng panampal ang palad ko."

"Tsk. Nahuli mo ba ang boyfriend mong may iba kaya ka pupunta ng bar?"Ay! Hindi naman tsismoso si Manong ano?

"Opo. At nasa bara na yun ang sasampolan ko ng mag asawang sampal."

"Oh. Andito na tayo" at dun ko lang napansin na nasa bar na nga kami. Inabot ko kay Manong ang bayad ko at mabilis na bumaba.

Ayaw akong papasukin sa loob ng bar. Letse! Halata bang wala pa akong eighteen. Argh! Napakalumbaba lang ako sa labas na parang kawawa. Hanggang sa may kamay na umabot sa akin. At pagtingin ko

"Hero? Anung ginagawa mo dito?" takang tanong ko

"Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko nyan?" balik tanong nya

"Ahm. Ano kasi gusto ko sanang magbar kaya lang ayaw akong papasukin eh!"pagtatapat ko pero di ko sinabi ang totoong dahilan ko.

"Ganun ba. Halika sumama ka sakin".sabi nya at iginiya ako. Pagtapat namin sa guard ay may ibinulong dito si Hero at pinapasok na kami. Nagtataka ko syang tiningnan.

"Paanong-"

"Sa amin to Eloisa."putol nya sa sasabihin ko

Halos manlaki naman ang mata ko sa narinig ko.

"Seryoso?"

"Oo. Kaya tara na."nakangiting sabi nya.

Pagkapasok namin sa loob ng bar ay inilibot ko ang mata ko ngunit hindi ko makita ang hinahanap ko. Letse! Nasaan kana Justin!

"Anung gusto mong inumin Eloisa?"

"Ikaw ang bahala Hero." tipid na sagot ko.

"Sige hintayin mo ako dito". sabi nya at lumapit na sa may bar counter. Habang ako nakaupo at inililibot padin ang mata sa kabuuan ng bar. Medyo sumsakit na ang mata ko dahil sa magaslaw na ilaw ng disco light. Kasabay ang nakakabinging ingay. Hayy! Kung hindi dahil sa malanding Justin na yan. Hindi ako papasok sa bar na to eh!

Pagbalik ni Hero may dala na syang inumin. Nakangiti syang lumapit sakin.

"Yung totoo Eloisa? Bakit ka nandito?" tanong ni Hero. Napabuntong hininga nalang ako. Sasagutin ko na sana ang sagot nya ng magsalita ulit sya. "Hindi ba yung boyfriend mo yon?" sabi nya sabay turo. Sinundan ko ang nakaturong daliri nya at natunton ko ang pwesto niya.

"Hayaan mo sya. Bigyan mo pa ako ng alak Hero". sabi ko kay Hero

"Pero Eloisa. Nakakatatlo kana eh! Baka malasing ka. Halika at ihahatid na kita". sabi nya

"Hindi! Bigyan mo pa ako!" inis na sabi ko. Wala naman nagawa si Hero kung kaya binigyan nya pa ulit ako.

Isa

Dalawa

Tatlo

Parang tubig ko lang itong sunod sunod na nilagok. Nakaramdam na din ako ng pagkahilo.

"Dyan ka lang Hero. Meron lang akong babalatan ng buhay ."

"Eloisa. Lasing kana."

"Di pa ko lasing. Basta dyan ka lang ha?" at sa pagtayo ko lalo akong nakaramdam ng hilo pero hindi naging hadlang yun para maglakad ako papunta sa pwesto nila.

Tamang tama dahil nasa dulong upuan ang pwesto nila Kuya Justin. Hindi na naka kandong ang babae sakanya ngunit nakayakap naman.

Dala ng alak na nainom ko ay mabilis akong nakaramdam ng galit. Pagkalapit ko palang sakanila ay mabilis kong sinampal ang babae.

Nang sasabunutan ko pa sya ay meron ng braso na yumakap sakin para pigilan ako. Kasabay nito ang pagtulo ng luha ko.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon