Chapter 9
Masaya ang naging gising ko kinabukasan. Hindi ko alam kung dahil ba to sa pag amin nya o dahil sa halik nya. Pwede rin naman parehas. Babangon na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa ang lalaki na bawal ko dapat mahalin ngunit nagawa ko padin mahalin.
"Goodmorning baby. Breakfast in bed". sabi nya pagkababa ng tray at hinalikan ako sa noo. Nahiya naman ako dahil kagigising ko palang. " Wag kang mag alala dahil kahit kakagising mo palang mabango ka padin". nakangiting sabi nya. Nabasa nya ang iniisip ko? " Coz youre too obvious baby".
"Ah. Eh. Ano ba ang itatawag ko sayo? Kuya o baby?" nahihiyang sabi ko. Naupo naman sya sa tabi ko.
"Kapag tayong dalawa. Pwede mo akong tawagin ng baby. Pero syempre kapag may iba tayong kaharap lalong lalo na sila Mommy. Kuya ang itawag mo sakin."sabi nya habang hinahaplos ang pisngi ko.
"Okey..Baby". nakangiting sabi ko. Syet! Kinilabutan ako ng tawagin ko sya nun. Kuya ko sya at may relasyon kami. Maling mali talaga kaya sobrang naiilang ako. Pero bakit ganun? Parang drugs lang. Kahit na ipinagbabawal. Ang hirap tigilan. Siguro nga totoo ang kasabihan.
Masarap ang bawal.
"Sige na. Kumain kana. Para makapunta na tayo sa graduation ko." hinalikan nya pa ulit ako sa noo bago lumabas. Naiiling nalang ako habang tumatawa. Nakakabaliw ang klase ng pag ibig na meron kami. Kung ako mismo nababaliw na. Paano pa kaya yung ibang tao na.
Pagkadating namin sa eskwelahan nakahawak si Kuya Justin sa kamay ko. Alam ko sa makakakita wala naman malisya yun dahil magkapatid kami. Kaya hinayaan ko nalang. Ilang minuto nalang at magsisimula na ang programa para sa graduation nila.
Pagkatapos ibigay ang mga diploma nila pati natin ang medalya. Tinawag na si Kuya Justin para sa kanyang speech.
"Unang una po sa lahat. Congratulations sa mga kasama kong nagsipagtapos ngayong gabi. Hindi ko nadin po hahabaan ang speech ko na ito para po makapag celebrate na tayong lahat kasama ang mga espesyal na tao satin". tiningnan nya ako pagkatapos nyang sabihin yun. "Nais ko pong magpasalamat sa Poong Maykapal dahil sa maaliwas na panahon na ibinigay sa atin upang maayos na maganap ang selebrasyong ito. Nagpapasalamat rin po ako sa mga guro na walang sawang nagtuturo para sa atin. Kahit na minsan napapagod na sila hindi nila iyon pinapakita matuto lang tayo. Pangalawa nagpapasalamat din ako sa mga magulang na walang sawang sumusuporta sa mga anak nila. Kahit na wala man ngayon ang mga magulang ko dito alam kong proud padin sila sakin. At ang pinaka huli. Inaalay ko sa nag iisang babae sa buhay ko ang medalyang ito. Lahat ng tagumpay na mararating ko sa hinaharap tandaan mo para sayo lahat yon. Mahal na mahal kita." hindi nya ako tiningnan dahil alam kong may makakapansin na sakanya kapag ginawa nya yun. " Yun lamang po. Maganda gabi". sabi nya at bumaba na ng stage. Masayang natapos ang programa para sa graduation nila. Mabilis naman lumapit sakin si Kuya Justin. Wala nadin syang suot na toga. Malamang ibinalik na nila.
Pagkasakay namin sa sasakyan nya. Niyakap nya agad ako.
"I love you so much baby. Ikaw ang pinaka magandang regalo na natanggap ko para sa araw na ito." pagkatapos ay hinalikan nya ako sa noo. Salamat at tinted ang bintana ng sasakyan nya. kung hindi malaking eskandalo ito.
"I love you more baby".
Kasalanan na kung kasalanan. Pero ang mahalin ka ng taong mahal mo ay higit pa sa anu mang bagay na matatanggap mo. Hindi ito mabibili ng salapi. Wala din kahit na anong bagay ang makakatapat dito. Napakaswerte ko dahil mahal din ako ng taong mahal ko kahit na isa pa itong pagkakamali
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?