Chapter 54
Wala na sila Mommy at Daddy ng makabalik ako sa bahay. Akala ko kapag lumabas ako ay magiging maayos na ako. Ngunit mas lalong sumakit ang ulo ko sa pag iisip ng sagot sa tanong ko kung sino ba si Melissa.
Pagkakain ko ay nagpasya na akong pumasok sa kwarto ko at nagbihis ng damit na pantulog.
Nahiga ako at tumitig sa kisame. Sa apat na taon na pagkawala ko. Hindi man lang ako nagawang kumustahin ni Kuya Justin. Sumuko na nga kaya sya ng tuluyan kagaya ng sinabi ko sakanya nung araw na umalis ako?
Bumangon ako at kinuha ang laptop ko. Nag online ako sa Skype at nakita kong offline si Erica. Kung kaya nag iwan lang ako ng message sakanya.
To : SexyRica
Tawagan mo agad ako kapag nabasa mo ito. Importante lang Erica.
From : Jusxeloisa
Pumikit ako ng mariin. Bumalik sa akin yung araw na umalis ako. Yung mukha ni Kuya Justin habang nakaluhod at lumuluha. Nakikiusap na ipaglaban ko.
Ayokong sumuko noon. Gusto ko syang ipaglaban ngunit naduwag ako. Kung naging matapang lang sana ako noon. Baka masaya kami ngayon.
Nakatulog ako ng may luha sa mata. Sana makabalik ako sa nakaraan. Para maitama ko ang maling desisyon na nagawa ko.
Pag gising ko tiningnan ko kaagad ang laptop ko kung nagmessage ba o tumawag sa akin si Erica. Ngunit ganon nalang ang kabiguan ko ng makita kong wala.
Nagpunta ako sa banyo para gawin ang morning rituals ko. Pagkatapos ay lumabas ako dala ang laptop ko. Habang nag aalmusal ako ay naghihintay padin ako ng tawag mula kay Erica.
At hindi nga nagtagal ay tumawag din si Erica. Mabilis kong sinagot ang tawag nya.
Malungkot na mukha ni Erica ang tumambad sa akin sa screen. Pakiramdam ko ay masamang balita ang sasabihin nya sa akin.
"Erica."
[Eloisa. Mangako ka sakin…] umiiyak na sabi ni Erica. Kahit hindi ko pa alam ang sasabihin nya ay naiyak na din ako.
[Mangako ka na kahit ano pang marinig mo mula sakin. Tatatagan mo ang loob mo. Mangako kang hindi ka gagawa ng bagay na maaaring ikapahamak mo. Mangako ka sakin Eloisa..] patuloy lang sa pag iyak si Erica. Hindi ko alam kung bakit ba kailangan ko pang mangako. Pero gaya nga sinabi nya.
"Pangako. Hindi ako gagawa ng kahit na anong makakasama sa akin."
[Eloisa. Ang kuya mo...] hindi naituloy ni Erica ang sasabihin nya dahil humagulgol na sya ng iyak. Bakit ba parang ayaw kong marinig ang sasabihin nya. Dahil kahit di ko pa ito naririnig parang sinasaksak na ang puso ko lalo na at tungkol ito kay Kuya Justin. Ang lalaking minamahal ko kahit pa bawal.
[Ang kuya mo.. Eloisa] hindi padin maituloy tuloy ni Erica ang sasabihin nya kaya nainis na ako
"Tang ina Erica! Sabihin mo na sakin kung—" hindi ko na ito naituloy dahil may sinabi si Erica na hindi ko narinig. "Anong sabi mo Erica?"
[Ang kuya mo. Ikakasal na..] at nagsimula nanaman sa paghagulgol si Erica. Hindi kaagad ako nakapagreact sa sinabi nya dahil tila hindi ito maproseso ng utak ko.
Loading...
Ang kuya mo
Loading...
ikakasal na..
Loading Completed..
Ang kuya mo ikakasal na...
Dahil dun palang nag sink in sa utak ko ang sinabi ni Erica ay sunod sunod na sa pagdaloy ang luha ko. Tila naging waterfalls na ang mata ko dahil wala ng humpay ang pag agos ng mga luha ko dahil dito.
Bakit? Bakit kailangan pa nyang magpakasal! Hindi ko alam na dahil sa maling desisyon ko noon ay hahantong sa ganito ang lahat.
Ang sakit! At dahil sa sobrang sakit tila mas gugustuhin ko pang mamatay nalang.
I love you Kuya Justin. Mahal na mahal kita. Nagsisisi akong binitawan kita.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?