[A/N : MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG NAKAABOT SA CHAPTER NATO. AYOKO MAN NGUNIT ITO NA ANG HULING PAG A UPDATE KO PARA SA STORY NI JUSTIN AT ELOISA ^_^..]
***
JUSTIN POVHalos parang hinahalukay ang tiyan ko sa sobrang kaba dahil ilang oras na si Eloisa sa labor room ngunit hindi pa din sya nakakapanganak.
Nakahawak ako ng mahigpit sa kamay nya para pagkuhanan nya ng lakas. Nanghihina ako dahil nakikita kong nasasaktan sya.
"Baby ang sakit." daing ni Eloisa. Siguro ay humilab nanaman ang tiyan nya.
"Baby kaya mo yan. Konting tiis nalang hah?" sabi ko sakanya at hinalikan ko sya sa may noo nya. Pumasok naman ang doktor at sinabi na mas mainam kung paglakarin si Eloisa sa kwarto nang bumaba ang tiyan nya at mapadali ang panganganak nya.
Sinunod ko naman ang payo ng doktor at inalalayan ko si Eloisa habang naglalakad. Hindi nagtagal ay may lumabas na tubig mula sa ibaba ni Eloisa.
Mabilis kong tinawag ang doktor. Agad naman silang pumasok at dinala si Eloisa sa delivery room. Pinayagan naman nila akong pumasok sa loob.
Habang umiire si Eloisa ay napapakapit sya ng mahigpit sa kamay ko. Awang awa ako sakanya ngunit wala naman akong magawa kundi ang halikan nalang ang kamay nyang hawak hawak ko.
Hindi nagtagal ay nakarinig na kami ng iyak ng sanggol. Napangiti si Eloisa ng makita ang anak namin. Maluha luha ko naman syang tiningnan.
Efxel Jae Eleazar.
Yan ang ipinangalan namin sa baby namin. Tinanggal lang ang letter N sa second name ni Eloisa na Jane.
Ganito pala yung feeling kapag daddy kana. Halos wala ka ng mapagsidlan ng saya.
Dalawang araw lang si Eloisa sa ospital ay agad na din syang nailabas.
Pagdating namin sa bahay ay dumiretso kaagad kami sa kwarto namin. Alam kong nanghihina pa si Eloisa kung kaya mas mabuti kung makakapagpahinga sya.
Nang umiyak si Baby EJ ay hindi ko na ginising si Eloisa. Kinarga ko sya at hinele hele.
"Napakabait naman ng baby ko. Hele lang pala ang gusto." kausap ko sa anak ko.
Naupo ako sa kama. Habang karga ko sa kaliwang kamay ko si Baby EJ ay hinahaplos ko naman ang buhok ni Eloisa.
May mahihiling paba ako? Asawa ko na ang babaeng mahal na mahal ko. May anak na kami. Kumpleto na ang buhay ko. Sila ang kayaman ko. Ang kaligayahan ko.
Nagmulat naman ng mata si Eloisa at nginitian ako. Dahan dahan syang bumangon at isinandal ang ulo nya sa balikat ko.
"Ang daya naman ni Baby EJ. Pagkatapos ko syang dalhin ng siyam na buwan at naghirap na ipanganak sya. Ikaw ang naging kamukha nya." himig may pagtatampo na sabi nya.
Hinalikan ko naman sa may labi nya.
"Hayaan mo. Kapag malaki na si Baby EJ. Gagawa tayo ng kamukha mo." nakangiting sabi ko.
"Whah! Kakapanganak ko lang pag gawa na kaagad ng baby ang nasa isip mo!"
"Baby naman. Ang ingay mo. Magigising pa si baby nyan eh." suway ko sakanya at kaagad naman syang natahimik.
"Baby. Masaya kaba?" biglang tanong ni Eloisa.
"Sobra. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. Salamat sa napakagandang regalo na ibinigay mo sa akin. Si Baby Efxel Jae."
"Salamat din sa regalo mo. Sa walang sawang pag iintindi sa akin. Salamat sa pag aalaga at pagmamahal mo. I love you Justin Efxel Eleazar." maluha luhang sabi nya. Kinalas ko ang kanang kamay kong nakayakap sakanya at pinahid ang luha nya.
"Mahal na mahal din kita Eloisa Jane Eleazar. Higit pa sa sobra. Wag ka ng umiyak. Baka isipin ni Baby na pinapaiyak kita. Pagkatapos ay suntukin nalang nya ako bigla kapag lumaki na sya."
Ibinaba ko si Baby EJ sa may crib nya. Nahiga ako sa tabi ni Eloisa at niyakap sya.
Mali man sa umpisa. Ngunit dahil tunay ang pagmamahal namin para sa isat isa kung kaya sa huli ay gumawa ng paraan ang tadhana para sa amin.
Ito ang langit para sa akin. Sa piling ng taong mahal ko. Sa piling ng taong mahalaga sa akin. Sa piling ng kayamanan ko. Hindi man kagaya ng fairytale ang kwento namin na nagtatapos sa "And they lived happily ever after". Dahil alam ko sa reyalidad ay marami pa kaming pagsubok na kailangan pagdaanan.
Kaya isa lang ang masasabi ko. Kahit gaano pa karami ang pagsubok na dumating sa buhay namin. Mananatili akong matatag para malampasan ang lahat ng iyon. Gagawin kong sandata ang pagmamahal ko sakanila para malabanan ang bawat suliranin na maaari namin mapagdaanan.
-END-
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?