5

4.3K 110 1
                                    

Chapter 5

Hindi ko alam pero malungkot ako na hindi ko kasabay sa pag uwi si Kuya Justin. Pero sa isang banda, masaya din ako dahil may pagkakataon kaming makapasyal ni Erika. Kakalabas palang namin sa gate ng biglang lumapit samin si Albert. Kaklase namin sya nung first year.

"Hi Eloisa. Hi Erika". nakangiting bati nya samin.

"Oh Albert. Ikaw pala. Kamusta?"sabi ni Erika

"Eto okey lang. Gumaganda yata tayo ah. Eloisa." grabe sya. Si Erika yung pumansin sakanya tapos ako ang kinausap nya. Bastusan lang?

"Syempre. Kailan ba ako pumangit." natatawang sabi ko. Sabay siko naman sakin ni Erika. Sa pagkaka alam ko kasi may crush sya kay Albert.

Dumating pa ang ibang barkada ni Albert na sya palang hinihintay nya. Nagpakilala samin sila Hanz, Andrei, Hero at Loyd. Wala naman akong masasabi sa mga kaibigan nya. Puro gwapo sila. Lalo na yung Hero.

Sumabay sa amin sila Albert dahil mall din pala ang punta nila. May kanya kanya silang sasakyan. Pasakay na sana ako sa sasakyan ni Hero ng biglang may humigit sakin. Nanlaki ang mata ko ng makita ang madilim na aura na bumabalot sakanya. Sigurado akong galit na galit sya dahil sa emosyon na pinapakita ng mata nya.

"K-Kuya?" nanginginig na sabi ko.

"Halika na at uuwi na tayo!" matigas na sabi nya. Nakita ko naman ang nag aalalang tingin ni Erica. Sinenyasan ko nalang sya na sumama nalang kila Albert.

Padabog nyang isinara ang pinto na naging dahilan ng pagkagulat ko. Pagpasok nya sa loob ng sasakyan labis na kaba ang nararamdaman ko. Pinagmasdan ko sya habang nagdadrive. Madiin ang pagkakahawak nya sa manibela. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nya. Andun padin ang galit.

Pagdating sa bahay mabilis syang bumaba. Kinakabahan ako kapag ganyang tahimik sya. Sigurado ako pagdating namin sa loob sasabog na sya.

At tama nga ako dahil pagkatuntong palang ng paa ko sa loob ng bahay sinigawan na nya ko. Lahat ng galit na inipon nya pinakawalan na nya. Ano paba ang aasahan ko sa isang dragon? Hindi mo matatawag na dragon ang isang dragon kung hindi ito nagbubuga ng apoy.

"ANG SABI KO SAYO UMUWI KA! HINDI KO SINABI NA SUMAMA KA KUNG KANI KANINONG LALAKI!" halos umapoy na din pati mga mata nya dala ng matinding galit.

"Kuya. Wala naman akong nakikitang masama sa ginawa ko? Natural lang sa isang kagaya ko na magkaroon ng mga kaibigan.." lumunok muna ako bago ko itinuloy ang sasabihin ko

..na lalaki". sa wakas na ituloy ko din

"Ang bata mo pa para makipag ligawan Eloisa. Hindi ako naniniwala na hanggang pakikipagkaibigan lang ang pwedeng mangyari sa inyo!" andun pa din ang galit sa tinig nya.

"Anu naman masama dun Kuya? Bakit ikaw? Ang dami mo ng naging girlfriend? Anu naman pinagkaiba nun?"

"Lalaki ako. Babae ka. Walang mawawala sakin pero sayo meron!" hindi ko na din napigilan ang inis ko kung kaya nasagot ko na sya.

"Napaka unfair mo kuya! Ikaw hindi kita pinapielaman sa lahat ng ginagawa mo! Pero pagdating sakin lahat pinapakielaman mo! Magboboyfriend ako sa ayaw at sa gusto mo!" Kinabahan ako ng lumapit sya sakin at hinawakan ang batok ko.

"Subukan mo Eloisa! Ngayon palang sinasabi ko na sayo. Maagang makikipagkita kay San Pedro ang sino mang lalaki na magiging boyfriend mo. Kung hindi man siguradong sa ospital ang bagsak nya!" wala akong makita na bakas ng biro sa mga salita nya. Matinding galit ang nakikita ko sa mga mata nya. Pagkasabi nya nun mabilis nya akong tinalikiran.


Bakit kaba ganyan Kuya Justin?! Gusto kong magkaboyfriend dahil ayokong magkasala. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko para sayo. Masama at nakakatakot. Isang bawal na pag ibig. Kasalanan sa mata ng tao lalo na sa mata ng Diyos.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon