20

3.1K 63 2
                                    

Chapter 20

Pagkadating namin sa kubo naabutan namin sila Hanz na naglalaro ng baraha. Mabilis naman akong tumabi kay Hero.

"Wala bang goodluck kiss dyan babe?" bulong ni Hero sakin ngunit hindi naman nakaligtas sa pandinig ng mga alaskador nyang kaibigan.

"Babe pala hah!" sabi ni Albert sabay tawa. Nakigaya naman sa pagtawa ang iba. Halos lahat tumatawa pwera sa amin ni Erica. Dahil parehas kaming nag aalala na baka magulat nalang kami bigla na nasa harap na pala namin si Kuya Justin.

"Nainggit ka nanaman Albert. Tara na nga Eloisa! Para hindi nila tayo nakikita para inisin." binaba ni Hero ang barahang hawak nya at inakay ako palabas. Naupo kami sa silong ng mangga kung saan may nakalagay na upuan.

"Pagpasensyahan mo na ang mga kaibigan ko hah? Mahilig lang talagang mang asar yung mga yun." nakangiting sabi ni Hero habang hawak ang kamay ko.

"Okey lang Hero. Noon pa man mahilig na talagang mang asar yun".

Bigla nalang kaming nabalot ng katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Hero. Basta ako ang nasa isip ko sa mga oras na to ay si Kuya Justin.

"Ahm. Sabihin mo sakin kapag magpapa enroll kana para sabay na tayo." basag ni Hero sa katahimikan.

"Oo. Itetext nalang kita".

"May problema kaba Eloisa? Kanina ko pa napapansin ang pagbuntong hininga mo eh".

"Wag mo nalang akong intindihin Hero. Wala lang to."

"Sigurado kaba?"

"Oo naman." at ngumiti ako ng pilit. Kinabig naman ako ni Hero palapit sakanya at niyakap.

"Sabihin mo lang sakin kapag hindi mo na kaya. Andito lang ako para sayo." tumango naman ako bilang tugon sa sinabi nya. Kung alam mo lag Hero. Napakabigat ng problema na dinadala ko. Hindi ko ito pwedeng sabihin maski kanino dahil walang makakaintindi sa akin. Dahil ako mismo sa sarili ko hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami dami ng lalaki sa mundo. Sa kapatid ko pa ako nainlove.

Ipinikit ko ang mata ko ng maalala ko nanaman ang klase ng pagmamahal na meron ako para sa kapatid ko.
Nahihiya na talaga ako sa sarili ko. Maski na alam kong mahal din ako ni Kuya Justin. Hindi ko maintindihan kung bakit parehas kaming nainlove sa isat isa. Alam naman namin na bawal pero naramdaman padin namin ang pagmamahal na hindi bilang magkapatid.

"Gusto mo bang mamingwit?" sabi ni Hero habang hinahaplos ang buhok ko.

"Oo. Kaya lang di ako marunong."

"Hayaan mo at tuturuan kita." tumayo kami para ayain ang mga kasama namin na mamingwit. Halos lahat naman ay excited ng malaman na pupunta kami sa sapa.

Nakita ko ang pagbablush ng kaibigan kong si Erica habang kasabay sa paglalakad ang nakapamulsang si Albert. Hanggang ngayon pala may gusto padin sya dito. Natawa nalang ako ng palihim. Kahit boyish si Erica may lalaki padin na nakaagaw ng atensyon nya.

Nang marating namin ang sapa. Nagsimula na kaming mamingwit. Partner partner syempre. At ang mahuhuli namin. Yung ang uulamin namin. Goodluck sa amin sana makahuli kami.










FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon