12

3.5K 84 2
                                    

Chapter 12

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa amin. Pagkadating palang namin sa resort. Nakita na kaagad namin ang maraming tao na naliligo. Magkahawak kamay kaming naglalakad papasok sa hotel na pagtutuluyan namin.

"Yung mata mo Eloisa. Sabi ko naman sayo sakin ka lang pwedeng tumingin." Ghad! Nakapa O.A talaga netong tao na to.

"Wag na kaya tayong lumabas. Magkulong nalang tayo sa loob ng kwarto."sarkastikong sabi ko. Anong akala nya sa akin bulag?

"Pwede rin naman yun kung gusto mo."sabi nya sabay ngisi.

"Tumigil ka nga Kuya!" sabi ko na ikinasimangot nya

"Tinawag mo akong Kuya para isipin ng mga nandito na magkapatid lang tayo. Baka gusto mong ipaalala ko sayo na were more than siblings." hindi pa din nawawala ang simangot sa mukha nya.

"Sorry".yun nalang ang nasabi ko sakanya. Baka biglang maging dragon nanaman sya at bugahan ako ng apoy. Nakakatakot pa naman sya kapag na beastmode.

Pumunta muna kami sa suite namin. Iisang room lang pero may dalawang kama. Binaba na nya ang gamit namin. Saktong pagkaupo ko ng mag ring ang cellphone nya.

"Yes Mom...Hmm. Dont worry akong bahala sakanya.. Yeah.. Hindi ko aalisin ang paningin ko sakanya.." sabi nya sabay abot ng cellphone sakin.

"Hello Mom"

(Oh wag kang lalayo sa kuya mo. Wag kang masyadong pumunta sa malalim at baka malunod ka. Alam mo na kahit marunong kang lumangoy baka bigla kang pulikatin. Hindi ka kaagad madadaluhan) As if naman makakalayo ako Mommy. Bantay sarado kaya ako dito. Gusto ko pa sanang sabihin kay Mommy.

"Opo. Hindi po ako lalayo kay Kuya." pagkasabi ko nun biglang nagtama ang mga mata namin at bumalatay sa mukha nya ang nakakalokong ngiti. Wala naman na akong narinig sa kabilang linya kundi busy tone nalang.

Umupo si Kuya Justin sa tabi ko at ipinatong ang ulo nya sa balikat ko.

"Baby wag kang magsusuot ng swimsuit ha. Kung ayaw mong makipag away ako." halos umikot naman ang mata ko dahil sa sinabi nya. Seryoso?

"Okey. I'll wear long sleeve and jogging pants then". sarkastikong sabi ko. Pinitik naman nya ako sa noo.

"Nagagalit kaba dahil ayaw kitang pagsuotin ng swimsuit? Fine! Gawin mo ang gusto mo Eloisa! Isuot mo ang kapirasong telang dala mo para makita mo kung paano ako magwala dito". Whahh! Grabe na talaga sya. Nababaliw na nga yata sya. Sabagay. Sino ba naman matinong tao ang papatulan ang sarili nyang kapatid. Oh! Baliw na din ako.

Napabuntong hininga nalang ako. Talagang kapag sinabi nya yun ang batas na dapat sundin. Dahil kapag nilabag mo yun. Siguradong world war na.

"Nagbibiro lang ako. Galit kana agad. Unang araw palang natin dito sinisira mo na dahil sa pagiging bugnutin mo." naiilang akong tawagin sya sa endearment namin. Gusto kong tawagin sya ng kuya. Kaya lang siguradong maaasar nanaman sya.

"Tss. Pag tayo lumabas at nakita kitang tumitingin sa iba. Kakaladkarin kita papasok dito."

"Bulagin mo nalang kaya ako para wala na akong makita. Grabe ka naman kasing mag isip."

"Ang gusto ko. Ako lang ang titingnan mo. Dahil magseselos ako kapag nakita kitang tumingin sa iba. At hindi mo gugustuhin ang kaya kong gawin kapag nagselos ako."

Halos ayoko ng lumabas sa kwartong to. Seryoso ba sya. Ang hirap naman nun. Siguro pipikit nalang ako pagkalabas namin. Para hindi ako makakita ng iba.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon