1

10.8K 173 2
                                    

Chapter 1

"KUYA!" inis na tawag ko sa magaling kong kapatid. Paano pinakielaman nanaman nya ang chocolate ko sa ref.

"Ang aga aga ang ingay ingay mo na". yamot na sabi ni Kuya Justin

"Kuya naman bakit mo kinuha yung chocolate ko? Kaya ko binili yun kasi may bisita ako."

"Tss. Pinag mamaramutan mo ako tapos ipapakain mo lang pala sa ibang tao." tiningnan ko sya ng masama at inirapan.

"Monthly visitor. Menstruation. Kailangan ko yun para mawala ang pananakit ng puson ko."

"Akala ko naman ipapakain mo sa ibang tao. Sige bibilhan kita." napangiti ako sa sinabi nya.

"Sama ako." nagpout ako sabay puppy eyes para mas effective.

"Kailan ba darating sila Mommy. Naiirita na ako sa kakulitan mo." hindi ko na pinansin ang sinabi ni Kuya Justin dahil pumunta na agad ako sa sasakyan nya.

Nang makarating kami sa mall. Hinawakan ko ang kamay ni Kuya Justin. Mahirap na baka sumpungin ng topak nya at bigla nalang akong iwanan. Naramdaman ko naman na parang nailang si Kuya sa pagkakahawak ko sakanya.

"Bitaw!" tipid na sabi nya

"Kuya naman. Ang arte mo! Para nakahawak lang naman ako sa kamay mo eh!" inis na sabi ko

"Sa braso ko ikaw humawak wag dyan." mabilis ko naman syang sinunod. Ang hirap talaga kapag may kasama kang sumpungin.

Sa paglalakad namin ni Kuya nakita ko ang stuff toy na spongebob. Grabe. Favorite ko sya talaga kaya napahinto ako. At napatitig doon. Natigilan din si Kuya Justin at sinundan ang tinitingnan ko.

"Gusto mo ba yun?" tanong nya sakin. Halos kuminang ang mata ko dahil sa tinanong nya.

"Bibilin mo Kuya?" masayang sabi ko.

"Hindi. Bilin mo kung gusto mo." napasimangot naman ako.

"Ayoko kapag ako ang bumili. Gusto ko galing sayo." nang maglalakad na ako. Pinigilan ako ni Kuya at hinila papasok sa loob ng bilihan ng stuff toy.

Kinuha ni Kuya yung spongebob na stuff toy. At dinala sa counter. Halos mamula naman ang pisngi ng saleslady. Nakita ko pa kung paano nya inilagay sa tenga nya ang buhok nya. Bitch please! Ang landi ni Ate! Obvious na obvious na nagpapacute sa hinayupak kong kapatid.

"Babe. Bilisan natin. Nagugutom na ako eh". sabi ko at kumapit ako sa braso nya. Narinig ko naman nagsinghapan ang mga babaeng kasamahan ng saleslady. Tiningnan naman ako ni Kuya Justin na nakakunot ang noo. Pero nginitian ko lang sya.

Paglabas namin nag umpisa ng magsungit ang magaling kong kapatid.

"At kailan mo pa ako naging babe hah?" inis na sabi nya

"Kanina lang." natatawa naman na sabi ko.

"Tsk! Akala mo ba nakakatuwa yung ginawa mo?"

"Bakit ba naiinis ka? Eh halatado naman na nagpapakyut sayo yung mga babaeng nandun eh! Sana sinabi mong gusto mong makipaglandian sakanila eh di sana iniwan nalang kita dun. Nakakainis ka! I hate you!"

Naglakad ako palabas ng mall. Alam kong hindi ako susundan ni Kuya Justin. Kaya mabilis akong tumawag ng taxi.

Nakakainis! Hindi ko alam kung bakit basta naiinis ako! Lalo na kapag may lumalandi sa Kuya ko. Argh!

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon