34

2.6K 54 0
                                    

Chapter 34


Nagising ako ng wala na si Kuya Justin sa tabi ko. Maaga talaga syang nagigising. Magaan ang pakiramdam kong tumungo sa banyo. Iba pala talaga ang nagagawa ng inspirasyon. Yung pakiramdam na parang lagi kang nakatuntong sa ulap. Yung feeling na palaging positibo ang lahat ng naiisip mo.

Pagkabihis ko, naglagay lang ako kaagad ng lipgloss at polbo. Sinuklayan ko na rin ang mahaba kong buhok.
Nang makita kong okey na ang ayos ko ay bumaba na kaagad ako.

Natuon sakin ang atensyon ni Kuya Justin. Kasabay nun ang pagsimangot nya. Tiningnan ko naman ang itsura ko. Wala naman problema.

"Bakit ka nakasimangot dyan?" tumatawang sabi ko at nilapitan ko sya. Hinila naman nya ako kung kaya napaupo ako sa may lap nya. Ipinulupot nya ang kamay nya sa bewang ko.

"Baby! Baka makita tayo nila Manang!" sabi ko sakanya. Naku! Siguradong kapag may nakakita samin sa ganitong posisyon. Malaking eskandalo.

"Wala sila. Nag grocery kasama si Manong Jun kaya dalawa lang tayo dito". sabi nyang nakasimangot padin

"Bakit ba kanina ko pa napapansin na nakasimangot ka?"tanong ko sakanya at umalis na ako sa may kandungan nya.

"Paano nagpaganda kapa."

"Nagpaganda? Hello. Lagi naman ganito ang ayos ko ah?"

"Pero bakit parang mas gumanda ka sa paningin ko?"

"Tsk. Blooming lang kasi ako. Inlove eh!" tumatawang sabi ko

"Kanino naman?"

"Kanino paba? Syempre sayo."

"Tara kain na tayo. Baka malate pa tayo parehas." nakangiting sabi nya. Bipolar talaga.



Pababa na sana ako sa sasakyan nang pigilan ako ni Kuya Justin.

"Bakit?" tanong ko sakanya.

"Yung kiss ko?" sabi nyang nakangiti pa.

"Baka may makakita."

"Wala yan. Tinted itong salamin nitong sasakyan kaya walang makakakita satin". hay bago pa sya sumpungin hinalikan ko na sya. Smack lang dapat ngunit hindi sya pumayag. Hinawakan nya ang batok ko at mas pinalalim pa nya ang halik. Tinugon ko naman ang halik nya. Nang mukhang kakapusin na kami ng hangin sya na ang kusang bumitaw.

"You are mine Eloisa. Mine alone. I love you."

"I love you too." sabi ko at bumaba na ako ng sasakyan nya. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Sya talaga ang nakakapagpasaya sakin.

"Eloisa". paglingon ko nakita ko si Hero na naglalakad palapit sakin.

"Hero. Hindi ba sinabi ko na sayo? Please. Pabayaan mo na ako. May mahal na akong iba." sabi ko at nagsimula na akong naglakad

"Eloisa. Hindi ko talaga kaya. Kahit pagsabayin mo kami okey lang sakin."

"Palagay mo ba papayag sya na dalawa kayo? Sayo okey lang yun. Pero sakanya hindi." narinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"Bakit ganun? Sinasabi mong meron ka ng iba pero wala naman akong nakikita na kasama mo? Wala rin akong nakikita na naghahatid at sundo sayo bukod sa Kuya mo. Sabihin mo nga sakin Eloisa? Meron ba talaga o ayaw mo na lang talaga sakin?"

"Hero kahit ano pa ang dahilan ko. Please. Irespeto mo naman ako. Ayoko na talaga." hinawakan nya ang braso ko kung kaya napigil ako sa paglalakad

"Papakawalan lang kita Eloisa. Kung ipapakilala mo sakin ang lalaking sinasabi mo. Makita ko lang sya. Pangako hinding hindi na kita guguluhin." Kung alam mo lang Hero. Nakita mo na yung lalaking mahal ko. Nasuntok ka pa nga nya. Sya rin ang naghahatid at nagsusundo sakin.

"Imposibleng makita mo sya Hero. Dahil nasa abroad sya. Dun sya nag aaral."pagsisinungaling ko


"Kung ganon wag kang umasa na papakawalan kita Eloisa. Girlfriend pa din kita at Boyfriend mo pa din ako. Hindi ako papayag na magbreak tayo hanggang di ko pa nakikita ang lalaking sinasabi mo na yun". binitawan na nya ako at iniwan ng nakatulala.

Kung pwede ko lang sanang sabihin sayo kung sino ang lalaking yun Hero. Ginawa ko na. Kaya lang ay hindi pwede.


















FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon