16

3.2K 73 1
                                    

Chapter 16

Habang nasa byahe hindi ko mapigilan ang mapaluha. Nagmahal ako ng maling tao kung kaya nasasaktan ako ng ganito. Kasalanan ko rin naman kung hindi ako nagpadala sa damdamin ko sana hindi kami hahantong sa ganito. Pati samahan namin bilang magkapatid nabahiran na.

Pagdating ko sa airport binuksan ko kaagad ang cellphone ko para tawagan si Erica.

(Oh? Kamusta pagbabakasyon nyo?)

"Wala kabang alam na lugar na pwede natin puntahan?"

(Niyayaya nga ako nila Albert eh. Kasama din sila Hero. Hindi naman ako maka oo dahil wala ka.)

"Pumayag kana. Sasama tayo sakanila."

(Seryoso ka? Nasaan kaba?)

"Pauwi na. Diretso ako sainyo. Bilisan natin para hindi ako maabutan ni Kuya Justin. Tawagan mo na din sila Hero".

(Okey sige. Hintayin nalang kita dito.)

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Erica. Mabilis akong tumawag ng taksi. Gusto kong makarating kaagad sakanila para makaalis kaagad kami. Bahala na kung saan kami pupunta. Basta sa ngayon hindi ko pa kayang makita at makausap si Kuya Justin.

Pagkadating kila Erica tinulungan ako ng taxi driver na ibaba ang maleta ko. Sabay inabot ko nadin ang bayad ko sakanya.

"Salamat Manang. Keep the change". pagkakita sakin ng katiwala nila Erica mabilis akong pinapasok.

"Mam magmeryenda daw po muna kayo sabi ni Mam Erica. Pababa nadin daw po sya." sabi ng katulong nila habang inilalapag sa lamesita ang juice at cake.

"Salamat". tipid na sabi ko.

Hindi rin nagtagal at bumaba na si Erica. Agad naman nya akong nginitian ng makita ako.

"Girl. Sa probinsya tayo pupunta. Meron daw bahay bakasyunan sila Hero dun. Nakakatawa dahil si Albert ang nagyayaya tapos hindi naman pala sya yung may ari. Tinawagan ko na sila papunta nadin sila dito. Sabi ko bilisan nila para hindi tayo maabutan ng Kuya mo."

"Tayo tayo lang ba?"

"May kasama din daw na ibang babae eh. Bale sampu tayong lahat. Masaya diba? Halos kasama natin sila sa buong bakasyon."

Natigil ang pag uusap namin ng marinig ang busina ng sasakyan sa labas. Nagkatinginan kami ni Erica at mabilis na lumabas dala ang maleta namin. Iisang sasakyan lang ang gagamitin namin. May family driver pala sila Hero kung kaya yun na ang nagdrive para sa amin. Sa tabi ni Hero ako naupo.

"Na miss kita Eloisa." natawa naman ako sa sinabi nya. Buhat kasi nung kinuha ni Kuya Justin ang cellphone ko hindi na ako nagkaroon pa ng pagkalataon na maitext sya.

"Ako din namiss ko din yung kakornihan mo Hero."

Naramdaman ko naman na hinawakan ni Hero ang kamay ko. Kaya napatingin ako sakanya.

"Wag ka sanang magagalit Eloisa hah."

"Bakit naman ako magagalit?"

"Gusto ko kasing ligawan ka. Kung hahayaan mo lang ako. Hinding hindi ko bibitawan ang kamay mo."

"Hay! Tumigil ka nga Hero! Pwede ba wag mo nga akong paandaran!" kahit na ang totoo alam ko na ang ibig nyang sabihin dahil simula nung makausap ko sya. Pinakita na nyang higit oa sa kaibigan ang turing nya sa akin.

"Hindi ako nagbibiro Eloisa. Gusto talaga kita. Scratch that. Mahal na kita. Kaya sana hayaan mo akong ligawan ka." napalunok naman ako sa sinabi nya. Anung gagawin ko? Tatango ba ako kahit na iba ang gusto ng puso ko. Pero kung ito lang din naman ang tanging paraan para makalimutan ko ang bawal na pag ibig na nararamdaman ko para sa kapatid ko ay susugal ako. Alam kong hindi natuturuan ang puso pero naitutuwid ang isang pagkakamali. At ayoko ng maulit pa ang kasalanan namin ni Kuya Justin kaya kung kailangan manggamit ako ng tao wag lang maulit yun ay gagawin ko.

Pumikit muna ako ng mariin at huminga ng malalim.

"Sige Hero. Pumapayag na akong ligawan mo ako."

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon