Chapter 38
Mabigat ang pakiramdam ko ng magising ako kinabukasan. Namamaga din ang talukap ng mga mata ko dahil sa ginawa kong pag iyak kagabi. Siguradong magiging kapansin pansin ang mga mata ko.
Pagkababa ko nakita ko kaagad si Kuya Justin. Nang mapatingin sya sakin ay mabilis ko naman iniiwas ang mga mata ko. Ayokong mapansin nya na umiyak ako kagabi. Hindi nya alam na alam kong sila na ni Heiley. Ngunit umaasa padin akong ipagtatapat nya ito sakin.
"Baby. Anung nangyari sa mata mo?" sabi nya sabay lapit sa akin at hinawakan ang mata ko.
"Wala lang yan." sabi ko at tinabig ako ang kamay nyang nakahawak sa mga mata ko.
"Galit kaba sakin?"
"May dapat ba akong ikagalit?" sagot ko at sinalubong ko ang titig nya. Sya ang unang nagbawi ng tingin.
"Baby. If you're mad because of what happened last night. About the call and about the kiss. I am sorry". yayakapin nya sana ako ngunit umiwas ako.
"Sa eskwelahan nalang ako kakain ng almusal. Madami pa kasi kaming dapat tapusin ni Erica". sabi ko at naglakad na ako palabas ngunit hindi pa man ako nakakalayo ng higitin nya ang braso ko at hinarap ako sakanya.
"Baby..."
"HINDI AKO GALIT SAYO DAHIL LANG HINDI MO SINAGOT ANG TAWAG KO. HINDI RIN DAHIL HINALIKAN MO AKO! NAGAGALIT AKO SAYO DAHIL MAY INILILIHIM KA SAKIN!" nakita ko ang pagkagulat sa mukha nya.
"Baby.. Anung ibig mong sabihin?" dahil sa tanong nya nag umpisa ng tumulo ang mga papansin kong luha.
"KAYO NA NI HEILEY DIBA?"
"Baby.. Let me explain please.. Magpapakamatay si Heiley kung kaya napilitan akong pumayag sa gusto nya. Ikaw ang mahal ko. Maniwala ka naman". tumawa ako ng mapakla kasabay ng pagpunas ko ng luha sa may pisngi ko.
"Paano kung si Hero ang magpapakamatay? At hilingin nya na bumalik ako sakanya? Anung mararamdaman mo kung sakaling piliin kong makipagrelasyon sakanya kapalit ng buhay nya?"
"Wag mo naman gawin sakin to. Please."
"Hindi mo ba napapansin? Kahit anong gawin natin palagi nalang nagkakaroon ng hadlang. Kasi simula palang mali na ang relasyon natin. Tadhana na ang gumagawa ng paraan para maghiwalay tayo."
"Hindi totoo yan Eloisa! Mahal kita! Wala akong pakielam kahit ilan beses pang gumawa ang tadhana ng paraan para maghiwalay tayo. Handa akong labanan ang tadhana para satin. Para sa relasyon natin."
"Si Heiley? Hindi ba nakipagbalikan kana sakanya?"
"Nagkakamali ka. Kung aksidente mo man narinig ang sinabi ko. Hindi mo narinig lahat. Dumating ang magulang nya at hindi na nya natuloy ang balak nyang magpakamatay. Umalis na si Heiley kasama ang mga magulang nya at bumalik na sa America. Please.. Maniwala ka naman".
Niyakap ko sya ng mahigpit.
"Sorry kung nagpadala ako sa galit ko. Sobrang mahal lang talaga kita. Nasaktan ako sa pag aakalang nakipagbalikan kana sakanya. Hindi ko kayang isipin na magkakaroon ka ng iba. Gusto ko ako lang ang mamahalin mo. Gusto ko ako lang." umiiyak na sabi ko.
"Pangako. Ikaw lang Eloisa. Wala ng iba. Kaya tahan na".
Simula ngayon magtitiwala na ako sakanya. Magtitiwala ako sa pagmamahal nya. Panghahawakan ko ang pangako nyang ako lang ang mamahalin nya. Kahit anong pagsubok pa ang dumating sa amin. Hinding hindi ko sya bibitawan..
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?