23

3K 65 1
                                    

Chapter 23

Punong puno ng katanungan ang mga mata ni Erica na tumitig sakin. Ngunit nabaling kay Kuya Justin ang atensyon namin ng magsalita ito.

"Anong karapatan mong halikan si Eloisa?!" sabi niya kay Hero ng nilapitan nya ito. Akmang susuntukin nanaman nya ito ngunit mabilis nailayo nila Albert si Hero kay Kuya Justin.

"Girlfriend ko ang kapatid mo bro. Kaya walang masama kung halikan ko sya." bumaling sakin si Kuya Justin at matalim ang tingin na ipinukol nya sakin.

"What the! Is it true Eloisa?! Boyfriend mo tong lalaki na to?!" sabay turo nya kay Hero. Hindi ko alam kung ano ang isasagot alam kong kapag sinabi kong OO lalo kong gagatungan ang nararamdaman nyang galit. Ngunit kapag itinanggi ko masasaktan ko si Hero. Pumikit ako at huminga ng malalim. Kasabay ang pagsagot ko sa katanungan nya.

"Oo kuya Justin. Boyfriend ko si Hero." pagmulat ko ng mata ko nagtama ang mata namin ni Kuya Justin. Ang kanina'y nag aapoy sa galit na mga mata nya ay naging malamlam at mababakas dito ang sakit na nararamdaman nya.

"Damn!" sabay lapit sakin ni Kuya Justin at hinila ako palayo sakanila. Ngunit mabilis nakalapit sakin si Hero at hinawakan ang kabilang kamay ko na syang naging dahilan para matigil si Kuya Justin sa paghila sakin.

"Let her go!" galit na sigaw ni Kuya Justin.

"No. Why dont you let Eloisa to decide if she wants to go with you or stay with us?"mahinahon na sabi ni Hero.

Bumaling ang tingin sakin ni Kuya Justin. Ayoko nang sagarin ang galit na nararamdaman nya dahil baka hindi na nya mapigilan ay masabi nya ang talagang relasyon na namamagitan samin. Ayokong malaman ng iba. Tama ng si Erica ang nakakita ng ginawang paghalik sakin ni Kuya Justin.

"Sorry Hero. Sasama nalang ako kay Kuya Justin. Pasensya na talaga." sabi ko at sabay naman nila akong binitawan. Naglakad ako at hinila ko naman si Erica. Gusto kong ipaliwanag sakanya kung ano ang nakita nya.


"Erica. Please dont tell anyone about what happen awhile ago. You know wat i mean." sabi ko habang papasok kami sa loob ng bahay para kuhanin ang gamit ko.

"I dont get it Eloisa. Why your brother kissed you in your lips. I knew its not a brotherly kiss cause the way he looked in your eyes there is something i cant explain."

"Were not only siblings Erica. Were more than that." nahihiyang sabi ko. Alam kong mapagkakatiwalaan ko si Erica at hindi nya sasabihin kahit kanino ang sikreto ko. Napatutop naman si Erica sa bibig nya.

"OMG! May relasyon kayo ng Kuya mo?!" halos naibulong nalang ni Erica ng sabihin iyon. Tango lang ang nagawa ko bilang tugon sa tanong nya. Niyakapa naman ako ni Erica.

"Hindi kita hinuhusgahan. Mahal kita bilang kaibigan kaya susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo. Pero sana isang araw mauntog ang ulo mo at marealize mong mali ang ginagawa mo." walang mababakas na panunuya sa tinig ni Erica. Punong puno ito ng sinseridad at pag aalala.

"Hayaan mo Erica. Sa oras na mauntog ako. ikaw ang unang una kong sasabihan".

"Paano si Hero?"

"Bahala na. Sa ngayon haharapin ko muna ang galit ni Kuya Justin. Hindi nya mailalabas yun hanggang nandito kami."

"Mag iingat ka hah. Tawagan mo kaagad ako kapag nakauwi na kayo." pagkalabas namin kinuha kaagad ni Kuya Justin ang maleta ko. Lumapit din sakin si Hero at hinalikan ako sa noo.

"Tawagan mo kaagad ako hah. I love you". nakita ko ang pagkuyom ng isang kamao ni Kuya Justin at pag igting ng panga nga. Galit din ang mababakas sa mga mata nya.

"Oo. Tatawagan kita." tumingin ako kay Kuya Justin bago ko sabihin ang sagot sa huling sinabi ni Hero " I love you too".

Tumalikod si Kuya Justin at nagsimulang maglakad. Alam kong lalo ko lang dinagdagan ang galit nya. Pero sana naisip nya na kaya ko sya tiningnan ng sabihin ko ang huling apat na salita ay dahil para sakanya iyon.

















FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon