Chapter 59
"Mommy! Tingnan nyo ang ginawa nyo?! Napahamak si Eloisa dahil sa lihim nyo ni Daddy! Masaya naba kayo ngayon?!" galit na sabi ko. Hindi ko na napigilan na manumbat dahil sa sama ng loob ko.
"Patawarin mo kami anak. Hindi naman namin alam na aabot sa ganito ang lahat eh." malungkot na sabi ni Mommy
"Sana kasi hinayaan nyo nalang kami noon. Sana masaya kami ngayon."
"Kuya Justin. Wag kang mag alala. Sigurado malalampasan ng kaibigan ko yan. Matapang sya at mahal na mahal ka nya. Kaya sigurado akong hindi sya susuko."umiiyak na sabi ni Erica.
Nang maipasok na sa magiging kwarto nya si Eloisa. Ay ganoon nalang ang pagkahabag na naramdaman ko para sakanya ng makita ang mga aparatong nakakabit sa katawan nya.
Comatose sya. At hindi namin alam kung kailan ba sya magigising. Hinawakan ko ang kamay nya. Dahil sabi nila makakabuti daw na kausapin ang taong nasa coma. Dahil kahit daw tulog ito ay naririnig nito ang mga nasa paligid nya.
"Eloisa. Gumising kana. Magpapakasal pa tayo diba? Mahal na mahal kita. Kaya kung tototoong mahal mo ako. Gumising kana." umiiyak na sabi ko.
"Patawarin mo ako kung nagsinungaling man ako. Ngayon hindi na ako magsisinungaling sayo. At ipagsisigawan ko sa buong mundo kung gaano kita kamahal. Kaya kung gusto mong masaksihan yun. Dapat ay gumising kana dyan."
Naglalakad ako sa lugar kung saan ay maraming puno at bulaklak. Wala akong makitang tao sa lugar na yun. Kung kaya naglakad pa ako ng naglakad hanggang sa makaabot ako sa batis. Napakalinaw ng tubig dito. Nakita ko ang repleksyon ko sa tubig ngunit hindi ako nag iisa.
"Eloisa! Mabuti naman at okey kana." sabi ko at niyakap sya.
"Ito ang lugar kung saan wala kang sakit na mararamdaman. Ito rin ang lugar kung saan kaligayahan lang ang tangi mong mararamdaman."
"Talaga?"
"Oo."
"Namiss kita Eloisa."
"Namiss din kita Kuya Justin". nakangiting sabi nya
"Mahal na mahal kita Eloisa. Wag mo na akong iiwan ulit hah?" nakita ko naman na tila nalungkot sya
"Patawad Kuya Justin." nagtataka ko syang tiningnan.
"Bakit?"
"Kasi kailangan ko ng umalis."
"Saan ka pupunta? Pwede ba akong sumama?"
Malungkot syang umiling.
"Pangako Kuya Justin. Palagin kitang babantayan kahit nasa malayo na ako. Wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita."at nagsimula na syang naglakad palayo sa akin.
"Eloisa!" tumatakbo ako ngunit hindi ko padin sya maabutan. " Eloisa! Wag mo akong iwan. Bumalik ka dito." hinihingal na sabi ko.
"I love you Kuya Justin. Paalam." sabi nya at tuluyan na syang nawala sa paningin ko.
Naramdaman kong may yumuyog sa balikat ko. At dun ko lang narealize na nananaginip lang pala ako.
"Okey ka lang ba?" tanong ni Erica at inabutan ako ng tubig.
"Oo." kinuha ko naman ang inabut nya. Kakaubos ko palang ng tubig ng makarinig kami ng tunog.
Halos hindi ako makakilos ng makitang nag straightline na ito. Mabilis tumawag ng doktor si Erica. Habang ako ay umiiyak habang hawak ang kamay ni Eloisa.
Please Eloisa. Mahal na mahal kita. Wag mo akong iiwan. Hindi ko na kaya.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?