Chapter 21
Habang nag iihaw tuloy pa din ang tuksuhan nila sa pamimingwit na ginawa namin. Si Liza at Hanz nakakuha ng tatlo. Si Fatima at Andrei nakakuha ng dalawa. Si Lloyd at Karen nakakuha ng apat at kami ni Hero nakakuha ng Anim habang si Albert at Erica. Wala kahit isa.
"Hahaha. Kung nagkataon pala na kanya kanya tayo pagkain. Kawaqa kayong dalawa." tumatawang sabi ni Hanz habang halos mamatay matay na sa kakatawa.
"Ang tanga naman eh! Akala mo hindi lalaki!" nakabusangot na sabi ni Erica
"Anong magagawa ko kung sadyang gwapo lang ako at hindi ako marunong mamingwit?" mayabang na sabi ni Albert.
"Oh! Eh di yang kagwapuhan mo ang kainin mo!" sabi ni Erica sabay irap.
"Aisus! Sa ganyan nagsimulang magka gustuhan yung mga langgam sa bahay namin eh!"sita naman ni Andrei.
"Yuck! Hindi ko type yang kaibigan nyo na pamimingwit lang hindi marunong!"
"Aba! Eh ikaw din naman lalaki bakit di ka marunong?!" pang iinis ni Albert
"Gago ka pala eh! At sino naman nagsabing sayong lalaki ako ha!" dinamba ni Erica si Albert para sabunutan ngunit nahawakan ni Albert ang dalawang kamay nya at nahila sya palapit sa mukha nito kung kaya ang nangyari..
"Whahhh! Manyak ka! Yung first kiss ko ibalik mo! Ibalik mo!" sabi ni Erica na tuluyan ng nasabunutan si Albert.
"Hoy hah! Ikaw nga dyan eh! Pinagnanasahan mo talga ang labi ko kaya nung nakakuha ka ng pagkakataon hinalikan mo na ako!"
"Ang kapal mo naman! Nahiya naman yung Encyclopedia sa sobrang kakapalan ng mukha mo!"
Tumikhim naman kami ng sabay sabay para maagaw ang atensyon nilang dalawa..
Inayos namin ni Hero ang lamesang pagkakainan namin. Nilatagan namin ito ng saging para duon kami kumain. Kumuha naman si Lloyd at Karen ng mangga. Masarap kasing kapares ng inihaw na tilapia ang ginayat na mangga na may boneless bagoong at kamatis.
Nang makatapos na sa pag iihawa sila Hanz inilagay na nila ito sa dahon ng saging. Sinimulan ko naman ilagay sa dahon ng saging ang laman na kanin ng ricecooker.
"Ang sarap naman dito sa probinsya." sabi ni Liza habang nagsisimulang kumain.
"Oo nga eh! Ngayon ko lang naranasan to" sagot naman ni Fatima. Kung ako ang tatanungin madalas namin gawin to kapag libre sila Mommy. Pumupunta kami sa Batangas. Kung saan nandun ang nag iisang kapatid ni Mommy. Tita Josephine.
"Babe tikman mo to." sabi ni Hero. Nakita kong pinagsama nya ang mangga at inihaw na tilapia sa kanin na nasa kamay nya at isusubo nya sakin. Nung una nagdadalawang isip ako. Ngunit ayoko naman syang ipahiya sa mga kaibigan nya kung kaya hinayaan ko syang isubo sakin ang pagkain na nasa kamay nya.
"Syet! Bakit biglang naging matamis yung mangga!" sino pabang magsasabi nyan? Walang iba kung hindi si Albert
"Heh! Kumain ka ng kumain para hindi kami ang napapansin mo! Kung naiinggit ka naman subuan mo rin si Erica"
"De bale ng magutom ako kesa naman isubo ko yung pagkain nyang panget na yan!"
"Akala mo naman gusto kitang subuan. Asa ka!"
"Tama na yan. Nasa harap tayo ng pagkain." sita naman ni Lloyd. Kung kaya hindi na nag asaran sila Erica at Albert.
Sa kabila ng lahat. Hindi pa din ako naging lubos ang kasiyahan na nararamdaman ko. Tila ba meron padin kulang. At alam ko kung ano yun. Walang ibang makakapagbigay sakin ng lubos na kasiyahan kung hindi ang lalaking mahal ko. Si Kuya Justin. Ang kapatid ko.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?