Chapter 52
Patuloy ang pagluha ko habang inaayos ang mga gamit ko. Kahit mahirap para sa akin ang iwanan si Kuya Justin ay pinipilit kong tatagan ang loob ko para lang makayanan ko.
Binabantayan ako ni Mommy habang nag aayos. Alam nya siguro na sa oras na iwanan nya ako ay maaari akong puntahan ni Kuya Justin at tumakas kasama sya.
Kahit mahal ko si Kuya Justin ay hindi ko parin gugustuhin na umalis kasama sya. Ayokong habang buhay kaming kamuhian ng magulang namin.
Pinahid ko ang luha sa pisngi ko at sinimulan hilahin ang maleta ko. Nilingon ko ang kama ko kung saan ay palagi kaming natutulog na magkatabi ni Kuya Justin. Ang lahat ng masasayang araw na magkasama kami ngayon ay magiging ala ala nalang. Ala ala ng aming pagkakamali. Pagkakamali na minahal namin ang isat isa kahit pa magkapatid kami.
Pagkababa namin ni Mommy sa hagdan ay nakita ko kaagad si Kuya Justin na tahimik na lumuluha. Tumingin sya sakin at umiling. Para bang sinasabi nya na wag akong sumama. Iniwas ko ang tingin ko sakanya dahil parang dinudurog ang puso ko dahil hindi ko sya kayang nasasaktan.
"Eloisa."tawag nya sakin. Tiningnan ko naman sya
"Kuya. Aalis na ako. Alagaan mo ang sarili mo hah? Wag kang magpapagutom."umiiyak na sabi ko. "Wag mong kakalimutan na mag ingat kapag nagdadrive ka."
"Tama na yan Eloisa. Halika na."matigas at puno ng awtoridad na sabi ni Daddy.
"Eloisa. Wag ka ng sumama please. Hindi ko kaya ng wala ka."sabi ni Kuya Justin at hinawakan ang kamay ko
"Justin! Ano ba! Hayaan mo ng umalis ang kapatid mo para matigil nadin ang kalokohan ninyo! Baka kaya nyo lang nasasabi na mahal nyo ang isa't isa dahil kayo lang dalawa ang madalas na magkasama. Maniwala kayo kapag magkalayo kayo dun nyo malalaman na tama kami ng daddy nyo. Hindi totoong pag ibig ang nararamdaman nyo para sa isat isa."
"Mommy hindi po. Mahal ko po si Eloisa. Alam ko pong pag ibig ang totoong nararamdaman ko para sakanya. Nang akmang susuntukin nanaman ni Daddy si Kuya Justin ay niyakap ko si Kuya Justin para sagkain ang suntok na dadapo sakanya.
"Daddy. Sasama naman po ako sainyo. Wag nyo napo syang saktan. Pakiusap Kuya. Hayaan mo na ako. Wag ka ng magsalita ng kung ano ano. Wag mong hayaan na dumami pa ang pasa sa mukha mo. Wala na ako para gamutin yan. Ikaw nalang mag isa ang mag aalaga sa sarili mo." umiiyak na sabi ko. Hinila naman ako ni Daddy mula sa pagkakayakap ko kay Kuya Justin
"Halika na Eloisa! Tama na yan!" ngunit bago pa man kami makalakad palapit sa pintuan ay humarang na dito si Kuya Justin. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. Lumuhod sya sa harap namin at yumukong lumuluha.
"Eloisa. Mahal na mahal kita. Wag kang sumama. Wag mo akong bitawan. Please. Nakikiusap ako sayo. Ipaglaban mo ako." umiiyak na sabi nya
Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Daddy lumapit kay Kuya Justin. Itinayo ko sya at pinahid ko ang mga luha sa mukha nya. Pagkatapos ay niyakap ko sya.
"Mahal din kita Kuya Justin. Pero sa palagay ko hindi sapat ang pagmamahal ko para ipaglaban kita. Patawad. Sumuko na tayp dahil alam naman natin na simula palang talo na tayo. Sana maging masaya ka kahit wala ako."pagkatapos ay kinalas ko na ang pagkakayakap ko sakanya. Malungkot syang tumingin sakin.
"Kung yan ang gusto mo Eloisa. Wala na akong magagawa. Mahal kita kaya ipinaglalaban kita. Pero ikaw na mismo ang pumiling sumuko na ako. Kaya hahayaan na kita."pagkatapos nun ay tumakbo na sya palabas
Bakit ganun? Ginawa ko ang alam kong tama pero bakit pakiramdam ko ay mali ang naging desisyon ko.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?