33

2.6K 55 0
                                    

Chapter 33

Kanina ko pa napapansin ang panaka nakang pagsulyap sakin ni Kuya Justin. Pagkatapos ay bigla nyang itinigil ang sasakyan.

"Bakit tayo tumigil?" takang tanong ko.

"May gumugulo ba sa isip mo? Kanina ko pa kasi napapansin na parang kay lalim ng iniisip mo."

"Ah hindi. Ano kasi. Ahm napagod lang ako." pagsisinungaling ko.

"Hindi ka magaling magsinungaling Eloisa. Kaya sabihin mo sakin kung ano ang gumugulo sa isip mo." napabuntong hininga nalang  ako.

"Si Hero kasi.."

"Anong meron sa lalakin na yun?" inis na tanong nya

"Ayaw nyang pumayag na ano. Ahm.. Na makipag hiwalay ako sakanya". nagulat ako ng bigla nyang hampasin ang manibela.

"Gago ba sya?! Gusto yatang makatikim sakin ng lalaki na yun ah!"

"Hayaan mo na. Ako na lang bahala sakanya."

"Hayy! Naiinis ako!" niyakap ko naman sya para pakalmahin. "Baby wag ka ng lalapit sa lalaki na yun hah? Tama na yung paglapit mo sakanya ngayon. Last na yun. Please. Nagseselos ako,lalo na at wala ako dun  Baka bigla ka nalang mainlove sakanya."

"Wag ka ng magselos. Ikaw naman ang mahal ko eh. Tsaka sinabi ko na rin naman sakanya na ayaw ko na eh. Na may iba na akong mahal."

"Basta. Mangako ka sakin na hinding hindi kana makikipag usap sakanya." pangungulit nya

"Oo na. Promise!" sabi ko sabay binigyan ko sya ng mabilis na halik sa labi. Syet! Nakakaadik halikan si Kuya Justin. Hindi naman ganito ang naramdaman ko ng si Hero ang humalik sakin.

Pagdating namin sa bahay. Tumungo na agad ako sa kwarto para magbihis. Paglabas ko ng banyo ay syang pagtunog din ng cellphone ko.

From : Hero

Tandaan mo ang sinabi ko Eloisa. Hindi kita kayang bitawan. Mahal na mahal kita.

Mabilis naman akong nagreply

To: Hero

Im sorry. May mahal na akong iba Hero. Sorry talaga.

From : Hero

Wag kang magsorry. Dahil ako ang dapat magsorry sayo dahil hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo. Kita nalang tayo sa school bukas.

Napapikit nalang ako ng mariin. Mabilis kong dinelete ang convo namin. Mahirap na baka mabasa ng dragon sumpungin nanaman. Lumabas na ako sa kwarto at naabutan ko si Kuya Justin na nakahiga sa kama ko.

"Tulog na tayo baby". sabi nya habang nakangiti.

"Dito ka nanaman matutulog?" tanong ko at naupo ako sa tabi nya.

"Safe naman ah? Wala na sila Mommy". sabi nya at niyakap na nya ako.

"Oo napo. Makakatanggi paba ako? Gusto rin naman kitang makatabing matulog". niyakap ko din sya pabalik.

"Baby, yung sinabi ko sayo hah?"


"Hay.. Opo. Hindi ko napo sya kakausapin at lalapitan". pagsisinungaling ko. Dahil ang totoo kailangan kong makausap ng mabuti si Hero para pakawalan na nya ako.


"I love you." sabi nya ng nakangiti sabay hinalikan nya ako sa noo.


"I love you too". sagot ko.


"Tandaan mo Eloisa. Kahit anong mangyari, pinapangako ko na tayo padin sa huli. Kung kailangan magpakalayo layo tayo mapagpatuloy lang ang relasyon natin. Gagawin ko. Pero kailangan muna natin makapagtapos ng pag aaral para magkaroon tayo ng magandang kinabukasan. Hindi lang para sa sarili natin. Kundi para sa magiging mga anak natin".


"Promise. Hihintayin kong dumating yung araw na yun. Palagi lang akong nasa tabi mo. Hinding hindi kita iiwan Kuya Justin."


"Sige na matulog na tayo." sabi nya at pinatay na nya ang ilaw at sinindihan ang lampshade sa tabi ng kama.


Siniksik ko ang sarili ko sa braso nya. Hindi man ako sigurado kung hanggang saan ba kami aabot ni Kuya Justin. Pero sana hanggang sa huli kami parin dalawa.
Dahil kung may lalaki man akong gustong makasama habang buhay. Si Kuya Justin yun at wala ng iba pa.


FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon