32

2.7K 60 0
                                    

Chapter 32

"Erica. Mauna kana sa Cafeteria hah? May kakausapin lang ako sandali." sabi ko kay Erica ng marinig ko ang pag ring ng bell.

"Ngayon palang naaawa na ako kay Hero. Kung malalim na ang pagmamahal nya sayo siguradong masasaktan yun".

"Sana ay hindi pa ganun kalalim para hindi ganun katindi ang sakit na maidulot sakanya ng gagawin ko." malungkot na sabi ko.


Pagdating ko sa rooftop ay nakita ko si Hero. Nakatalikod sya sa direksyon ko kung kaya hindi nya nakita ang pagdating ko.

"Hero." sabi ko habang naglalakad palapit sakanya. Kaagad naman syang humarap at ngumiti sa akin.

"Anu ba ang pag uusapan natin?" tanong ni Hero ng tuluyan na akong makalapit sakanya. Humugot muna ako ng maraming hangin dahil pakiramdam ko ay kakapusin na ako nito dala ng sobrang kabang nararamdaman ko.

"Hero. Mabait ka. Sweet. Lahat na ng bagay na hahanapin ng isang babae—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang akong niyakap ni Hero


"Pwede ba? Wag mo munang ituloy ang sasabihin mo Eloisa. Please.. Wag muna ngayon. Hindi ko pa kaya." naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko. Umiiyak ba sya?


"Ayokong maging unfair sayo Hero. Gusto kong makakita ka ng babaeng karapat dapat sayo." kinalas nya ang pagkakayakap nya sakin at tinangnan ako sa mata.

"May iba ba Eloisa? At sya ba ang dahilan kung bakit ka nakikipaghiwalay sakin?" napayuko ako dahil sa tinanong nya at bahagya akong tumango.

"Shit! Fuck! Damn!" sunod sunod na mura ni Hero.

"Im sorry Hero. Ayoko ng patagalin pa to dahil mas masasaktan pa kita kapag pinatagal ko pa. Sana maintindihan mo ako Hero. Para sayo din itong ginagawa ko. Ayokong lokohin ka."

Tumawa sya ng pagak. " Mas gusto ko pang lokohin mo ako Eloisa kesa ang makipaghiwalay ka sakin."


"Hero. Im really really sorry. Please. Set me free".

"I love you Eloisa. I really do. But i cant."

"Hero?"

"Mahal kita Eloisa at hindi kita kayang mawala. Kaya kung may iba ka mang mahal ayos lang sakin. Basta wag mo akong hiwalayan. Okey lang kahit dito mo lang ako sa eskwelahan maging boyfriend. Please. Hindi ko talaga kaya." umiiyak na sabi ni Hero. Ghad! Paano ko nagawang saktan ang isang tao na minamahal ako. At ang mahalin sya ay hindi isang kasalanan. Ngunit pinili ko pa ring mahalin ang isang lalaki na bawal at kasalanan ang pagmamahal na nararamdaman ko para sakanya. Si Kuya Justin. Sya ang lalaki na handa kong gawin ang lahat para sa ikasasaya nya. Ngunit kung ganitong may maliit na pakiusap si Hero sa akin. Paano ang gagawin ko?

"Pwede bang pag isipan ko muna Hero?" kailangan kong pag isipan muna ang gagawin ko. Dahil siguradong labis na galit ang mararamdaman ni Kuya Justin kapag nalaman nya.


Natapos ang klase namin sa araw na yun pero tila ako nakalutang at wala akong ibang naririnig kundi ang pag uusap namin ni Hero.

"Kamusta naman ang pag uusap nyo?" tanong niErica


"Ayaw pumayag ni Hero na hiwalayan ko sya. Anung gagawin ko Erica? Hindi ko sila pwedeng pagsabayin ni Kuya Justin dahil malalaman at malalaman ito ni Kuya Justin."

"Hay. Hindi ko din alam eh." tumigil kami sa pag uusap ng makita ko ang lalaking pinili ng puso kong mahalin. Nakapamulsa sya habang nakasandal sa sasakyan nya. Lumapit sya agad ng makita ako at kinuha ang gamit ko.

"Ang sweet!" nakangiting sabi ni Erica.

"Sabay kana samin." alok ni Kuya Justin.

"Hindi na. Baka langgamin pa ako eh!" tumatawang sabi nya.

"Sige. Babye. Ingat ka". sabi ko sakanya.


Ngunit hindi ko magawang maging masaya dahil may bumabagabag sa isipan ko. Na sana ay hindi nya mapansin.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon