Chapter 42
"Anong gusto mong maunang gawin?" tanong sakin ni Kuya Justin.
"Ikaw. Ano ba gusto mo?" nakangiting sagot ko.
"Nood muna tayo ng sine." sabi nya
"Sige." sagot ko.
Habang naglalakad kami meron kaming nakasalubong na lalaki. Lumapit sya samin at hinawakan ang balikat ni Kuya Justin.
"Eleazar. Long time no see." sabi nung lalaki kay Kuya Justin.
"Lagman? Ikaw ba yan?" nakangiting sabi ni Kuya Justin. Tinanggal nya ang pagkakaakbay sakin at niyakap nya ang lalaking tinawag nyang Lagman.
"Oo pre! Kamusta kana?" tanong ng lalaki sabay sulyap sakin. Nginitian nya ako kaya nginitian ko din sya. "Ang ganda ng girlfriend mo ah?" sabay turo sakin.
Tumawa naman si Kuya Justin. Hindi alam ng lalaki na magkapatid kami.
"Bagay ba kami?" nakangiting sagot nya sabay tingin sakin.
"Oo. Bagay na bagay." mabilis na sagot naman nung lalaki. Nakakatuwang isipin na hindi kami nakikita ng ibang tao na magkapatid. Kundi magkasintahan.
"Sino nga palang kasama mo?" tanong ni Kuya Justin.
"Wala. May binili lang ako saglit dito sa mall. Sige na pre. Mauna na ako. Mukhang may date pa kayo eh". sabi nya at nagpaalam na samin.
Nang tingnan ko naman si Kuya Justin nakasimangot na sya.
"Oh? Kanina todo ngiti ka ngayon naman halos hindi na maipinta ang mukha mo." sabi ko sakanya
"Tss. Akala mo siguro di ko napansin na abot ang pakikipag ngitian mo kay Lagman". inis na sabi nya. Ainaku! Napaka seloso talaga nitong lalaki na to.
"Ayan ka nanaman. Nagseselos ka nanaman. Anu kaba? Ilan beses ko bang uulitin na ikaw lang ang mahal ko. Kahit ilan lalaki pa ang ngitian ko. Hindi magbabago ang katotohan na sayo lang ako at mahal kita." sabi ko sabay yakap sa braso nya.
"Talaga?"paninigurado nya.
"Talagang talaga." nakangiting sabi ko at nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob ng sinehan.
Seryoso ako sa panonood ng kalbitin ako ni Kuya Justin
"Baby. Subuan mo naman ako ng popcorn." sabi nya sabay hilig ng ulo nya sa balikat ko. Yung totoo? Nanonood ba sya o nandito sya para landiin ako?
Sinunod ko ang sinabi nya. Sinubuan ko sya ng popcorn. Wala naman syang ginawa kundi akbayan ako. Haplusin yung buhok ko. Hawakan ang kamay ko. Halikan ako. Argh! Hindi ako makapagconcentrate sa pinapanood ko. Ang ganda pa naman.
"Baby. Hindi ka naman nanonood eh!" bulong ko sakanya.
"Nagkamali ako baby. Dapat pala di na tayo lumabas. Nagkulong nalang sana tayo sa kwarto". bulong din nya sakin.
"Baby ang manyak mo na."
"Tss. Okey lang yun. Ikaw lang naman ang minamanyak ko eh." sabay tawa nya ng mahina. Binalik ko na ang atensyon ko sa panonood.
Nang matapos ang pinapanood namin di ko mapigilan ang mapaluha. Ang lungkot naman kasi ng ending eh!
Hindi nagkatuluyan yung lalaki at babae dahil hindi sya napaglaban nung lalaki. Kaya ang ending sa iba kinasal yung lalaki. At si girl ayun nag suicide. Hayy."Baby. Wag ka ng umiyak." sabi nya at hinihimas ang likod ko habang naglalakad kami palabas ng sinehan.
"Kasi naman naiinis ako dun sa lalaki." sabi ko habang umiiyak padin.
"Ano kaba. Palabas lang yun. Yun din ang sinabi ng director nila kaya sinunod lang nila. Kaya tahan na." sabi nya sabay dinampian ako ng halik sa labi. Nagulat ako ng may bumagsak na coke in can at gumulong papunta sa paa ko. Nang pulutin ko ito para ibalik sa may ari. Laking gulat ko dahil nabakas ko ang matinding pagtataka sa mukha nya.
Nagpalipat lipat ang tingin nya sakin at kay Kuya Justin. Lumapit sya at kinuha ang coke in can na inaabot ko sakanya. Hindi sya nagsalita at naglakad. Ngunit huminto sya at lumingon sakin sabay iling.
Nakita ba nya? Buking naba kami?
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?