24

3K 64 1
                                    

Chapter 24

Kahit gabi na at delikado sa daan. Pinilit padin ni Kuya Justin na makauwi kami sa bahay. Hindi nya ininda ang pagod nya sa pagmamaneho. Pinili ko din manatiling gising para masamahan sya. Gusto kong kausapin si Kuya Justin ngunit natatakot akong dito palang sa sasakyan ay sumabog na ang galit nya na maging dahilan pa para maaksidente kami. Kaya pinili ko nalang ang manahimik.

Halos madaling araw na nang makarating kami sa bahay. Namumula na din ang mata ni Kuya Justin tanda ng pagkakapuyat. Meron din itim na nakapalibot sa mata nya. Dire diretso si Kuya Justin sa kwarto nya ng maibaba ang maleta ko. Sigurado akong kukuha ng bwelo yun. Kapag nakabawi na sya sa puyat nya siguradong dun nya ako uumpisahang bugahan ng apoy.

Humiga ako sa kama at ipinikit ko ang mga mata ko. Dala ng pagod at puyat kung kaya mabilis akong nakatulog.

Nagising ako dala ng matinding gutom. Nang tingnan ko ang orasan na nasa kwarto ko. Alas tres na pala ng hapon. Sobrang napahaba ang tulog ko.

Nang makaligo ako at makapag ayos ng sarili ko. Bumaba na ako upang makakain. Dahan dahan ang ginawa kong paghakbang sa hagdanan. Halos lamunin na ako ng sobrang kaba ng makita si Kuya Justin na nakaupo sa sala habang hawak hawak ang cellphone nya.

Taliwas sa inaasahan ko. Hindi ako tinapunan ni Kuya Justin ng tingin. Para lang akong hangin na dumaan sa harapan nya. Mabilis naman syang tumayo at umakyat sa kwarto nya. Napabuntong hininga nalang ako. Akala ko aawayin ako ni Kuya Justin. O kaya ay susumbatan. Mas tatanggapin ko pa yun kesa sa hindi nya pagpansin at pagkausap sakin. Mas masakit pa yun kesa sa pang aaway nya.

Hindi ko napigilan ang lumuha habang kumakain. Hindi ko na rin malasahan ang kinakain ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Alam kong gusto ko ng tapusin ang bawal na pag iibigan namin ni Kuya Justin pero hindi ko gusto na pati ang pagiging magkapatid namin ay tapusin na din nya.

Pagkatapos kong kumain kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng short at dinial ko ang number ni Erica. Wala akong ibang pwedeng pagsabihan ng sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko kung hindi si Erica lang. Nakakadalawang ring palang ay sinagot na nya.

Umakyat ako sa kwarto ko para walang makakarinig sa pag uusapan namin ni Erica.

[Kamusta? Nagkausap naba kayo ng Kuya mo?] parang naging hudyat naman ang tanong ni Erica na naging dahilan para mapaiyak ako.

"Yun na nga eh. Ni hindi man lang nya ako tinatapunan ng tingin hindi nya din ako pinapansin. Ang sakit Erica. Ang sakit sakit."

[Shh. Tahan na. Hayaan mo at lilipas din ang galit sayo ng Kuya mo. Malay mo nagpapalamig lang yun]

"Kilala ko sya Erica. Matagal bago humupa ang galit nya. Paano kung abutin yun ng taon? Ganun din katagal ang hihintayin ko bago nya ako kausapin."

[Hayaan mo na nga yang kapatid mo sa pag iinarte nya. Tutal may boyfriend ka naman na diba? Ayaw mo yun didistansya na sayo ang Kuya mo. Pwede din na baka nauntog na sya at narealize nya na hanggang magkapatid lang talaga ang relasyon nyo.]

Tila naman patalim na tumarak sa puso ko ang mga salita ni Erica. Posible nga kaya na narealize na ni kuya Justin na pagmamahal bilang kapatid lang ang nararamdaman nya para sakin.

Hindi ba eto naman ang gusto ko? Pero bakit ang maisip na ganun nga ang nararamdaman nya para sakin ay hindi maipaliwanag na sakit at kirot ang bumabalot sa puso ko. Napaluha ako ng marealize ko na sobrang mahal ko na pala si Kuya Justin. Pagmamahal hindi bilang kapatid. Pagmamahal kagaya ng nararamdaman ng isang babae sa isang lalaki.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon