3

5.3K 108 6
                                    

Chapter 3

Habang kumakain kami ng hapunan. Tunog lang ng kubyertos ang maririnig. Hindi rin kami nagpapansinan. Masama padin ang loob ko sakanya. Ang sakit kaya mapagsabihan ng malandi.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na kaagad ako sa kwarto. Hindi ko rin malalock yung pinto dahil sinira ni Justin.

Naramdaman kong may mga yabag na papalapit sa akin. Kahit hindi ko lingunin sigurado naman ako kung sino.

"Eloisa. Sorry sa mga nasabi ko sayo kanina." dahil sa sinabi nya bigla nalang akong naiyak. Ibinangon nya ako at niyakap.

Dug Dug Dug Dug Dug

Bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko. Normal paba ito. Simpleng yakap lang nya halos magwala na ang puso ko.

"Kahit naman magsorry kapa. Hindi mo nadin naman mababawi yung sinabi mo."

"Kahit na. Basta sorry pa din. Okey ka lang ba dito sa kwarto mo? O gusto mong sa guest room ka muna matulog. Bukas pa kasi maayos yang pinto ng kwarto mo eh." himala? Mahinahon na magsalita ang dragon. Kanina halos bugahan na nya ko ng apoy.

"Okey lang. Sige na lumabas kana dun". at kinalas ko ang pagkakayakap nya sakin. Hindi dahil sa ayaw ko. Ang totoo nyan gusto ko yung pakiramdam na yakap nya ako. Kaya lang natatakot akong maramdaman nya ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Gusto mo dun ka nalang muna sa kwarto ko?"

"Seryoso ka?"

"Oo. Tapos ako naman dito sa kwarto mo." nadismaya ako sa sinabi nya. Akala ko naman tabi kami. Watda ef! Anu bang nangyayari sakin?!

"Wag na. Dito nalang ako." tipid na sabi ko.

"Sasamahan nalang kita dito kung gusto mo. Mahirap na. Sira ang pintuan ng kwarto mo. Babae kapa naman."

"Tsk. Sana naisip mo yan bago mo sinira yung pinto ng kwarto ko." nahiga na ako sa kama. Nagulat ako ng humiga din sya. Akala ko naman nagbibiro lang sya.

"Seryoso ka? Dito ka matutulog?" napabangon ako para tingnan sya.

"Oo sabi eh. Ang kulit mo naman!" hinila nya ako pahiga at bumagsak ako sa dibdib nya.

Dug dug dug dug

Hayan nanaman ang mabilis na pintig ng puso ko. Hindi ko na gusto itong nararamdaman ko na to. Hindi na ito maganda.

Napatitig ako sa mukha nya. Bakit ba may epekto sya sakin. Magkapatid kami for Pete's sake! Mabilis dumapo ang mata ko sa labi nya. Napalunok ako at nakita kong ganun din sya.

Hindi ko namalayan na unti unti na palang lumalapit ang labi ko sa labi nya. Hanggang sa tinulak nya ako. At iniwas nya ang mukha nya.

Nakaramdam naman ako ng pagkadismaya sa ginawa nya.

"Ahm. Sige na matulog kana. Dun nalang ako matutulog sa kwarto ko. Tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka." sabi nya sabay iwas ng tingin. Naglakad na sya palayo at isinara ang pinto.

Oh shit! Anu bang meron bakit nagkakaroon ng reaksyon ang katawan ko sakanya.
Pati pintig ng puso ko nag iiba.



At ang pinaka malupit muntik na kaming maghalikan!
Juice colored! Incest!

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon