Special Chapter 2
Napabangon ako ng maramdaman kong namumulikat ang paa ko. Napatingin naman ako sa asawa ko na nasa tabi ko. Ayoko man syang gisingin ay wala akong magagawa dahil sobrang sakit na ng paa ko.
"Baby." gising ko sakanya.
"Hmm." ungol nya.
"Baby." ulit ko
Napabangon naman syang bigla.
"Baby?! Bakit? Manganganak kanaba?" gulat na tanong nya.
"Hindi. Sumasakit paa ko eh. Pwede mo bang hilutin?"lambing ko sakanya.
Narinig ko naman na napabuntong hininga sya.
"Akala ko manganganak kana. Kinabahan naman ako." lumipat sya may paanan ko para hilutin ang namumulikat kong paa.
"Baby. Dahan dahan lang. Masakit eh." daing ko
"Konting tiis lang. Mawawala din yan."
Di ko alam kung gaano na nya katagal hinihilot ang paa ko ng makaramdam ako ng ginhawa.
"Baby okey na. Halika na matulog na ulit tayo."
"Sasamahan kitang maglakad lakad bukas para mawala yung manas sa paa mo baby."
"Gusto kong pumasyal kila Erica. Samahan mo ako."
"Sige. Pupuntahan natin sya." sabi nya.
Sabay kaming nahiga at niyakap nya ako ng mahigpit. Nakaharap ako sakanya kung kaya natitigan ko sya. Napakaamo talaga ng mukha nya kapag tulog. Buhat ng magbuntis ako ay hindi na nya ako sinisigawan o sinusungitan. Lahat ng gusto ko binibigay nya lalo na sa pagkain.
Kung minsan ay naaawa ako sakanya kapag may pagkain akong gustong kainin at alam ko na napaka imposibleng makita. Kaya ang ginagawaan nya ng paraan para lang mabigay ito sakin.
"Baby. Wag mo na akong titigan. Matulog kana." sabi nya habang nanatiling nakapikit.
"Ang gwapo mo kasi baby eh. Kaya di ko mapigilan eh. Sana maging kamukha mo yung anak natin."
"Tsk. Baby mahal na mahal kita. Hindi mo na ako kailangan pang bolahin." sabi nya at dinampian ako ng halik sa labi.
"Mahal din kita. Sobra." sagot ko. Kasabay ng pagpikit ng mata ko.
Kinabukasan
Nagising ako ng wala na si Justin sa tabi ko. Hirap akong bumangon dahil sa malaki kong tiyan. Napansin ko din na namamaga nga ang paa ko. Hmm. May manas na ako. Siguro dahil malapit na akong manganak.
Pagbaba ko naabutan ko syang nagluluto. Napakaswerte ko talaga sakanya. Nagleave pa sya sa trabaho nya para lang makasama ako. Kahit naman pag aari ng magulang namin yun. Tungkulin pa din nyang magtrabaho. Nakakahiya naman kung aasa kami sakanila. Kahit okey lang naman kay Mommy at Daddy.
"Anu yan Baby?"tanong ko at niyakap ko sya.
"Yung request mo na Champoradong maraming gatas." naglaway ako ng makita ang niluluto nya.
"Salamat at di mo nakalimutan." nakangiting sabi ko.
"Sige na. Upo kana baby." sabi nya habang sinasalin sa bowl ang champorado na niluto nya.
Nilapag nya yung champorado sa tapat ko at gatas.
Naupo sya sa tabi ko. Akmang kukunin ko na ang kutsara para sumubo ng kinuha nya ito sa akin."Susubuan na kita." sabi nya sabay kuha ng kutsara. Hindi na ako tumanggi dahil kinikilig ako sa ginagawa nya.
Nahinto sya sa pagsubo sa akin ng tumunog ang doorbell. Tumayo sya kaagad para pagbuksan ang kung sino mang maagang bisita namin.
Halos abot tenga ang ngiti ko ng makita ko si Erica. Ngunit napalitan ito ng gulat ng makita ko ang kasama nya.
Hero.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?