19

3K 76 3
                                    

Chapter 19

Pagkatapos kumain ay ako na ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan namin. Hindi naman pumayag si Hero na hindi ako matulungan.

Dahil si Hero ay isang harot nilagyan nya ako ng bula ng sabon sa mukha. Ginantihan ko naman sya kaya ang nangyari hindi na kami nakatapos sa dapat namin gawin.

"Hero tama na!" tumatawang sabi ko. " Hindi na tayo nakatapos oh!"

"Sorry babe." bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot. Yun kasi ang tinawag ko kay Kuya Justin nung nagpunta kami ng mall. Ipinilig ko naman ang ulo ko ng maalala ko sya. Ayoko ng balikan ang kasalanan na nagawa ko. Ang kasalanan na minamahal ko ang kapatid ko.

"Galit kaba? Sorry na?" biglang sabi ni Hero ng mapansin ang pagkawalan ko ng imik.

"Hindi okey lang ako. May naalala lang ako bigla."

"Yung kuya mo ba?"

"Oo."

"Nagagalit ba sya?"

"Oo eh. Tumakas lang kasi ako."

"Ang alam nga namin nasa Puerto Galera ka eh. Kaya nagulat kami nung tumawag si Erica at sinabi na sasama kayo."

"Nag away kasi kami ng Kuya ko. Pero hayaan mo na. Okey lang naman ako. Lilipas din ang galit nya." Sana nga Hero. Pero iba magalit ang Kuya ko. Lalo na at hindi naman simple lang ang pinagtalunan namin.

Pagkatapos namin maghugas ng plato. Nagpunta kami sa likod bahay nila Hero kung saan napapalibutan ng punong mangga na nagbibigay dito ng lilim. May kubo sa bakuran nila na syang lalong nagbigay ng presko at nakakarelax na pakiramdam.

"Oi! Grabe kayong maghugas ng plato. Isang oras!" nanunuksong sabi ni Albert.

"Kaya mamaya ikaw naman ang maghugas ng plato". sagot ni Hero sabay akbay sakin.

"Ang sabihin nyo nagharutan kayong dalawa!" panunukso din ni Hanz.

"Hoy ha! Wala na kayong ibang napansin kundi kaming dalawa ni Eloisa!" sabay pinagbabatukan ni Hero ang mga kaibigan nya na naging dahilan para magtawanan kami.

"Excuse me lang guys. May sasabihin lang ako kay Eloisa". sabi ni Erica sabay hila ng kamay ko palabas sa kubo. Nang malayo layo na ang narating namin at sa palagay nya ay wala ng makakarinig ng sasabihin nya binitawan na din nya ang kamay ko at nagsalita.

"Kinakabahan ako Eloisa." pag uumpisa nya.

"Bakit?"

"Galing daw sa bahay ang Kuya mo. At tinanong kung saan ako nagpunta. Nasabi nila Mommy na andito tayo sa Talavera kasi nga nagpaalam ako sakanila. Sorry Eloisa baka hindi magtagal at mahanap din tayo ng kuya mo". malungkot na sabi ni Erica. Napabuntong hininga nalang ako. Expected ko na rin naman na gagawin talaga ni Kuya Justin ang lahat mahanap lang ako. Kaya nga napilitan akong i off ang cellphone ko para hindi na nya ako matawagan.

"Maluwang itong Talavera. Hindi nya naman tayo kaagad makikita lalo na hindi nya alam yung eksaktong lugar natin."

"Sana kapag nakita ka ng Kuya mo. Wag muna syang magtransform sa pagiging dragon. Nakakatakot eh!" natawa naman ako ng bahagya. Kahit si Erica alam nya ang ugali ng kapatid ko.

"Alam mo Erica. Hindi alam ni Kuya Justin ang salitang "Timpi" kaya imposibleng hindi kaagad sumabog ang galit nun kapag nakita ako."

"Hayaan mo hindi ka namin papabayaan lalo na ang boyfriend mo. Anung silbi at naging Hero ang pangalan nya kung hindi ka nya mapoprotektahan."

Nagsimula na kaming naglakad pabalik sa kubo. Hindi ko nalang pinahalata kay Erica na maski ako ay kinakabahan din. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ni Kuya Justin oras na makita ako.


FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon