36

2.4K 57 0
                                    

Chapter 36



Pagdating ko sa bahay sumalubong sakin ang nakasimangot na mukha ni Kuya Justin. Hindi na ako nagpasundo sakanya dahil may tinapos pa kaming project ni Erica.

"Baby ang pangit mo". tumatawang sabi ko sakanya nang makalapit ako.

"Tss. Maghanap ka ng gwapo". inis na sabi nya.

"Paano kasi nakasimangot ka. Ngiti kana kasi". sabi ko at tinabihan ko sya sa upuan.

"Umakyat kana dun at magpalit ka ng damit. Ang baho mo na". pang aasar nya sakin.

"De maghanap ka ng mabango!" inis na sabi ko sabay tayo. Natawa naman sya sa naging reaksyon ko.

"Quits na tayo."

"Tse! Ewan ko sayo!" sigaw ko habang humakbang paakyat.

Nang makarating ako sa kwarto ko agad akong pumasok sa banyo para makaligo. Nang makatapos ako kaagad akong nagbihis. Paglabas ko sa banyo nagulat ako ng makita si Kuya Justin na nakaupo sa may kama ko.

"Anung ginagawa mo dito? Umalis kana at maghanap ng babaeng mabango!" inis na sabi ko. Tumayo naman sya at lumapit sakin. Niyakap nya ako mula sa likod.

"Ikaw din umpisahan mo na maghanap ng gwapo. Sinabihan mo ako ng pangit kanina." sabi nya habang nakapatong ang baba nya sa balikat ko.

"Paano kasi nakasimangot ka pagdating ko."

"Sorry na baby. Inisip ko kasi baka nakipagkita kapa dun sa Hero na yun eh. Lalo na at sinabi nyang hindi ka nya titigilan." pumihit ako paharap sakanya

"Wala kabang tiwala sakin? Mahal kita. Kaya kahit anong gawin ni Hero. Wala akong pakielam dahil iisang lalaki lang ang mahal ko. At ikaw lang yun". nakita ko ang pag ngiti ni Kuya Justin. Dahan dahan bumaba ang mukha nya hanggang sa naramdaman ko nalang ang paglapat ng labi nya sa labi ko.

Pumikit ako at ninamnam ang kakaibang  sensasyon hatid ng halik nya. Ikinawit ko ang kamay ko sa may batok nya at tinugon ang mga halik nya. Sya ang first kiss at first boyfriend ko. Sa tuwing hahalikan nya ako nakakalimutan ko kung sino ba talaga sya sa buhay ko. Ang tanging natitira lang sa isip ko ay sya ang lalaking mahal na mahal ko. Ang lalaking handa kong pag alayan ng lahat lahat.

Napadilat ako ng tumigil sya sa paghalik sakin ngunit nanatili ang labi nya sa labi ko. Nakatitig lang sya sa akin at ganun din naman ako sakanya. Tuluyan ng naghiwalay ang mga labi namin. Ngumiti sya at niyakap ako.

"Mahal na mahal kita Eloisa. Kahit anong mangyari mamahalin pa din kita."

"Ako din. Mahal na mahal din kita. Lahat gagawin ko para sayo."

"Tara na sa baba. Baka lumamig na ang pagkain natin. Umakyat lang ako dito para tawagin ka." tumatawang sabi nya.

"Para tawagin ako? Pero iba naman ang ginawa mo". nakairap na sagot ko.

"Sorry. Di ko lang talaga mapigilan na halikan ka." napangiti ako dahil sa sagot nya. Kahit naman ako di ko din mapigilan na halikan sya.

Magkatabi kami sa upuan habang kumakain ng hapunan. Hindi ko mapigilan na tingnan sya. Kasabay ang pag iisip ko na sana ay hindi nalang kami naging magkapatid para pwede kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ko sya kamahal.

"Baby. Hindi ka kumakain? Hindi ba masarap?" nagulat ako dahil bigla syang lumingon.

"Hah? Masarap naman." sabi ko at nahihiyang binalik ko ang tingin ko sa may pagkain ko.

"Masarap? Eh sa mukha ko ikaw nakatitig." tumatawang sabi nya.

"Oo na. Ang sarap mo kasing titigan eh! Habang tumatagal ang pagtitig ko sayo lalo kitang minamahal."

"Pinapakilig mo ako baby. Alam mo ba yun?"

"Hindi."

"Tss. Kumain ka na at ikaw naman ang pakikiligin ko..

sa kwarto..."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya.
Nginisihan nya lang ako. Anung gagawin namin?




FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon