11

3.7K 86 4
                                    

Chapter 11

Sinag ng araw ang gumising sa akin kinabukasan. Nakita ko naman si Kuya Justin na hinahawi ang kurtina para magbigay liwanag sa kwarto.

"Oh. Gising na pala ang baby ko eh. Kamusta ang tulog?" sabi nya sabay lapit sa akin.

"Maganda. Kasi katabi kita". nakangiting sabi ko.

"Sige na maligo kana at ng makapag almusal tayo. May pupuntahan pa tayo." dun ko lang napansin ang maleta malapit sa pintuan. Sa pagkakatanda ko maleta ko yun.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa Puerto Galera. Dun sa resort na nabili nila Mommy. Dun muna tayo habang bakasyon".

"Talaga?!" natutuwang sabi ko.

"Oo. At dahil marami din mga tao na nandun. Ayokong aalis ka sa tabi ko. Dapat ako ang kasama mo kahit saan ka magpunta. Sa akin kalang din titingin dahil siguradong maraming lalaki ang nakahubad dun at —" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya dahil hinarangan ko na ang bibig nya gamit ang hintuturo ko.

"Nandun tayo para magbakasyon. Hindi para sa kung ano anong bagay. Hindi ko na kailangan pang tumingin sa iba kasi ikaw ang kasama ko." nangiti naman sya dahil sa sinabi ko.

Mabilis akong pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis ako. Naka suot ako ng V neck shirt na kulay black at faded jeans na tinernuhan ko naman ng sapatos na vans. Gusto ko sana high waist short at isuot ko at crop top kaya lang siguradong magwawala ang dragon kapag nakitang ganon ang suot ko. Kaya bago pa nya ako mabugahan ng apoy ay isusuot ko nalang ang damit na alam kong hindi nya ikagagalit.

Nakita ko na syang nakaupo sa sofa. Halatado ang pagkainip sa kanyang mukha.

"Ang tagal mo. Kanina pa ako gutom". nakasimangot na sabi nya

"Kung gutom ka. De sana nauna ka na".

"Ayoko. Kapag hindi kita kasabay wala akong ganang kumain." nakaramdam naman ako ng kilig dahil sa sinabi nya.

Uupo na sana ako sa pwesto kung saan nakaharap sakanya. Ngunit tinapik nya ang upuan na katabi ng upuan nya. Kung kaya napilitan akong tumabi sakanya. Pinaglagay nya din ako ng pagkain sa may plato ko. Asikasong asikaso nya talaga ako. Hindi ko lubos maisip na mangyayari samin ang ganitong sitwasyon. Ni sa panaginip ay hindi ko ito nakita. Kung kaya napangiti nalang ako.

"Oh? Anung ngini ngiti ngiti mo dyan?" nagtatakang tanong nya

"Naisip ko lang ang sarap mo palang maging boyfriend. Napaksweet mo pero nakakatakot ka kapag nagalit".

"Hindi naman ako nagagalit ng walang dahilan. Kaya hanggang kaya mong iwasan ang mga bagay na maaaring ikagalit ko. Iwasan mo para wala tayong maging problema."

"Makakaasa ka. Lahat gagawin ko wag ka lang magalit sa akin. Natatakot akong baka kapag nagalit ka. Iwanan mo nalang ako at ipagpalit sa iba." naluluhang sabi ko

"Wag kang mag alala. Hindi mangyayari yun. Magagalit man ako sayo ngunit hindi yun sapat na dahilan para ipagpalit kita. Kung magkakaroon man ako ng isang libong dahilan para iwanan ka . Hahanap parin ako ng isang paraan para manatili sa tabi mo." niyakap ko sya habang nag uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko

"Mahal na mahal kita Kuya Justin. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka sa buhay ko. Handa akong maging makasalanan habang buhay. Magkasama lang tayong dalawa. Kahit saan mo ako dalhin sasama ako sayo. Dahil ikaw lang ang tanging gusto kong makasama habang buhay."

"Ang baby ko. Nagiging cheesy na din. Nagkakaroon na ng sweetbones." sabi nya sabay hinalikan ang ulo ko.

Sana kahit anong mangyari. Maipaglaban parin namin ang pag ibig namin na sa umpisa palang ay mali na.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon