Chapter 57
Kasalukuyan kong isinusuot ang tuxedo ko ng pumasok si Mommy at Daddy sa kwarto ko. Bakas sa mukha nila ang kasiyahan.
"Napakagwapo mo anak. Ganyang ganyan din ang itsura ko nung ikinasal kami ng Mommy mo." nakangiting sabi ni Daddy.
"Talaga Dad? Sayo pala ako nagmana kung ganoon." nakangiti rin na biro ko.
"O siya. Tara na. At baka mauna pa ang bride sa atin. Nakakahiya."pagyaya naman ni Mommy sa amin.
Sumakay na kami sa sasakyan na maghahatid sa amin sa simbahan. Habang nasa daan ay hindi ko mapigilan ang mag isip. Kamusta kaya si Eloisa? Alam kaya nya na ikakasal na ako? Ano kaya ang reaksyon nya? Masaya ba sya para sa akin? May boyfriend na kaya sya?
Sumakit ang ulo ko sa dami ng katanungan na nasa isip ko. Na alam kong wala rin naman akong makukuhang sagot.
Pagdating sa simbahan ay pumasok na sa loob ang magulang ko para makipag usap sa ilan nilang kakilala. Naiwan naman ako sa labas. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin.
Habang nakatayo ako ay may nahagip ang mata ko na nakasakay mula sa sasakyan. Imposibleng sya yun. Alam kong hindi makakapayag ang magulang namin na bumalik sya dito sa Pilipinas.
Nagulat ako ng magpark ang sasakyan sa mismong tapat ko at bumaba ang babaeng apat na taon kong kinasabikan. Lumuluha syang yumakap sa akin.
"Kuya Justin.."
"Eloisa. Anong ginagawa mo dito?"takang tanong ko
"Kuya. Wag kang magpakasal." hindi padin nya tinatanggal ang pagkakayakap sa akin. Naaagaw na namin ang atensyon ng mga tao. Pero ipinagkibit balikat lang ito ng iba dahil alam nilang kapatid ko ang yumakap sa akin.
"Bakit Eloisa? Bakit ayaw mo akong magpakasal?" sabi ko at tinanggal ang pagkakayakap nya sakin.
"Kasi mahal kita Kuya Justin. Mahal na mahal. At hindi ko kaya na ikasal ka sa iba. Please wag mong gawin to." umiiyak na sabi nya. Tila bumalik naman sa akin ang panahon kung saan ay nagmamakaawa akong wag nya akong iwan.
"Natatandaan mo ba ang sinabi mo sa akin noon Eloisa? Ang sabi mo sumuko na tayo diba? Dahil mahal kita sinunod kita. Hindi kaba masaya na ginawa ko ang sinabi mong tama nating gawin?"
"Hindi mo lang alam kung gaano ko pinagsisihan ang araw na yun Kuya. Kahit nasa malayo ako patuloy kitang minamahal. Kaya Kuya. Ako ang piliin mo. Wag kang magpakasal sakanya." nakita kong lumapit si Erica sa kapatid ko para patigilin dahil ang lahat ng tao ay nakikinig na sa amin. Sa amin na nakatuon ang lahat ng atensyon nila.
Nakita ko ang galit na mukha ni Mommy na palapit sa amin.
"Eloisa! Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?" galit na sabi ni Mommy. "Hindi kana nahiya sa mga pinagsasabi mo? Ang daming nakakarinig sayo."
"Wala na akong pakielam sa sasabihin ng mga tao Mi. Basta ang alam ko lang mahal ko si Kuya Justin at hindi ko sya hahayaang maikasal sa iba."at dahil sa sinabi ni Eloisa ay mabilis na umigkas ang palad ni Mommy patungo sa pisngi nya.
"Kahit ilang ulit nyo pa akong sampalin Mommy. Hindi ko babawiin ang sinabi ko. Mahal ko si Kuya Justin. At wala akong pakielam kahit magalit pa kayo sakin." buong tapang na sabi ni Eloisa.
"Eloisa. Diba ito ang gusto mo? Ang maging masaya ako?"
"Mahal mo ba sya?"tanong nya.
Hindi kaagad ako nakasagot. Kaya inulit nya pang muli ang tanong nya.
"Sumagot ka! Mahal mo ba sya?!"pasigaw na sabi nya
"Oo Eloisa. Mahal ko sya. Kaya ko nga sya papakasalan eh."at dahil sa sinabi ko. Humagulgol si Eloisa na tumatakbo palayo sa amin.
Ngunit tila tumigil ang mundo ko ng makitang nabangga si Eloisa ng isang rumaragasang sasakyan.
Hindi ko marinig ang sigawan ng mga tao. Dahil tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko habang patakbong lumapit kung saan nakahandusay ang duguang katawan ni Eloisa.
Eloisa. Mahal parin kita. Mahal na mahal. Please lang lumaban ka.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?