49

2.2K 54 0
                                    

Chapter 49

"What the Hell?!" galit na sigaw nung babae. Ngunit dala ng hilo ay hindi ko na maaninag ang mga itsura nila.

"Pasensya na kayo. Lasing lang ang girlfriend ko."rinig kong sabi ni Hero. "Babe halika na iuuwi na kita". sabi nya at inilayo ako sa pwesto nila.

Inaasahan kong kukunin ako ni Kuya Justin mula kay Hero ngunit nagkamali ako. Nakatingin lang sya sakin habang palayo ako. Ang sakit! Ang sakit sakit.

"Eloisa. Tahan na. Wag ka ng umiyak."pang aalo sakin ni Hero habang iginigiya ako palabas ng bar.

"Bakit ganon sya Hero? Bakit palagi nalang akong nasasaktan dahil sakanya." umiiyak na sabi ko.

"Ganun naman talaga sa love diba? Kung sino ang mahal natin yun ang madalas na nananakit sa atin. Parang satin lang. Nasasaktan ako at palaging ikaw ang dahilan."naramdaman ko ang sakit sa sinasabi ni Hero

"Sana nga ikaw nalang Hero ang minahal ko. Hindi pa sana ako nasasaktan ng ganito ngayon."

"Shh. Hindi ba sabi ko tahan na. Sige na sakay na para maihatid kita." akbay padin ako ni Hero habang binubuksan ang pintuan ng kotse nya. Ngunit pinigil ko ang kamay nya at hinigit ang batok nya. Siniil ko sya ng halik sa labi. Naramdaman ko na tila natigilan si Hero. Hindi sya tumutugon sa halik ko kung kaya kinagat ko ang pang ibabang labi nya dahilan para mapilitan syang tugunin ako.

Palalim ng palalim ang ginawang paghalik sakin ni Hero hanggang sa naisandal na nya ako sa kotse nya at patuloy padin akong hinahalikan. Ngunit hindi nagtagal ay binitawan na din nya ang labi ko at wala na din akong nagawa kundi hayaan sya.

"Eloisa. Im sorry nadala lang ako." hinging paumanhin nya

"Wag kang magsorry dahil ginusto ko yon". sabi ko sakanya

"Alam kong ginawa mo yon dahil galit ka Eloisa."

"Sorry Hero."narinig ko ang marahas nyang pagbuntong hininga

"Ayos lang yun Eloisa. Tara at ihahatid na kita".

"Pwede bang wag mo muna akong ihatid sa bahay namin Hero?"tanong ko sakanya

"Hah? Bakit?"

"Ayoko munang makita si Kuya Justin."

"Sige. Dun ka muna sa bahay namin magpalipas ng gabi".

"Salamat Hero."

Pumasok na sya at sinimulang paandarin ang sasakyan. Dala ng pag inom ko ng alak kung kaya nakaramdam ako ng antok.

Nagising ako ng may marahang humaplos sa pisngi ko. Pagmulat ko ng mata ay mukha agad ni Hero ang tumambad sa akin.

"Nandito na tayo." sabi nyang ng nakangiti kung kaya mabilis akong tumayo.

Pagpasok namin sa loob ng bahay nila napakatahimik na. Malamang sa mga oras na to nagpapahinga na ang mga kasama nya.

"Okey lang ba na dito ako matulog Hero?"tanong ko.

"Oo naman. Dun ka naman sa guest room matutulog eh. Hindi naman sa tabi ko."tumatawang sabi nya

Nagpaalam kaagad si Hero sakin pagtapat namin sa pintuan ng guestroom nila. Pagpasok ko sa loob ay parang nawala na ang epekto ng alak sa akin. Kung kaya hindi ko nanaman napigilan ang umiyak..

Bakit Kuya Justin?! Bakit paulit ulit mo nalang akong sinasaktan? Mahal mo ba talaga ako? tanong ko sa isipan ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang napagod na ang mata ko sa pag iyak kung kaya mabilis akong nakatulog..

Umaasa na sana pag gising ko bukas ay panaginip lang ang lahat..

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon