27

3K 71 1
                                    

Chapter 27

Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko kay Hero. Nang yayain nya akong makipagdate ay kaagad akong pumayag. Kahit na sa totoo lang mas gusto ko pang manatili sa bahay.

Nang marinig ko ang pagbusina ng sasakyan ni Hero sa labas ay mabilis akong bumaba. Ayokong makita sya ni Kuya Justin. Dahil sa isiping yon ipinilig ko ang ulo ko. Nakalimutan ko wala na nga pala syang pakielam sakin kaya bakit ko pa ba iisipin ang mangyayari kung magkikita sila.

Tama ako. Wala ngang pakielam si Kuya Justin dahil prente lang syang nakaupo sa sofa habang nanunuod ng tv. Ni hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin maski saglit lang.

Nakita ko si Hero na nakasandal sa may kotse nya. Habang nakapamulsa. Napangiti naman sya na nang makita ako na naging dahilan para lumabas ang biloy nya sa magkabilang pisngi.

"Sorry kung naghintay ka". nahihiyang sabi ko.

"Okey lang". sabi nya at hinalikan ako sa labi bago ipagbukas ng pinto. Nginitian ko naman sya pagkapasok ko. Hay. Anu pabang hahanapin ko kay Hero. Napaka haba ng pasensya nya. Napaka gentleman din nya. Napaka sweet pero bakit nahihirapan padin ako na mahalin sya.

-Eloisa tanga ka ba? Hindi natuturuan ang puso.Kaya wag mong pilitin ang isang bagay na alam mong malabong mapagtutunan- sita ng isip ko sakin. Na syang naging dahilan para mapabuntong hininga ako.

"Are you okey?"tanong ni Hero sakin. Tumango naman ako kung kaya pinaandar na nya ang sasakyan. Nakita ko naman sa side mirror si Kuya Justin. Nakatayo habang nakatingin sa sasakyan ni Hero na palayo sa bahay namin. Gusto kong isipin na ayaw nya ang pagsama ko kay Hero ngunit kung totoong ayaw nya sana ay pinigilan nya ako.

Napatingin ako kay Hero ng mapansin na papasok kami sa isang exklusibong subdivision.

"Akala ko ba magdedate tayo?" tanong ko sakanya.

"Yep. At dito tayo sa bahay magdedate kasama ang family ko. Gusto ka kasi nilang makilala eh". Oh shit! Meet the parents na drama ko.

"Huh? Hero bakit naman di mo sinabi sakin. Kinakabahan tuloy ako baka ayaw nila sakin". hinawakan naman kaagad ni Hero ang kamay ko at hinalikan ito.

"Dont worry. Sigurado akong magugustuhan ka nila."

Pagpasok namin sa loob ng bahay nila. Nakita ko ang mga taong naghihintay sa pagdating namin. Halos buong pamilya na yata ni Hero ito.

"Welcome to the family Ija. My son was so lucky to have a girlfriend like you." sabi ng Mommy ni Hero sabay niyakap ako. Ganoon din ang ginawa ng iba pa nilang kamag anak. Wala ang Daddy ni Hero dahil nasa business trip daw ito.

Naramdaman ko ang mainit na pag tanggap sakin ng buong pamilya ni Hero. Pagkatapos namin kumain ay nagpunta na ang iba sa may pool. Habang ako ay nakaupo sa tabi ni Hero.

"Enrollment na bukas. Sabay na tayo magpaenroll. Susunduin na lang kita sa inyo." dahil sa pagiging abala ko sa feelings ko kay kuya Justin nakalimutan kong enrollment na nga pala.

"Okey."

"Mukhang pagod kana ah. Halika hahatid na kita sainyo." Nagpaalam na ako sa family ni Hero.

Nang nasa tapat na kami ng bahay namin ay bababa na sana ako. Ngunit pinigilan ako ni Hero. Tinawid nya ang pagitan namin at hinawakan nya ang baba ko para halikan. Pumikit ako bilang pagsang ayon sa nais nyang mangyari. Hindi ko mapigilan na pagkumparahin ang halik nilang dalawa ni Kuya Justin. Ibang iba. At nang maisip ko si Kuya Justin bigla nalang akong napamulagat.

Mas lalong nanlaki ang mata ko ng makita si Kuya Justin sa labas ng gate na nakatingin sa sasakyan ni Hero. Abot ang dasal ko na sana ay hindi nya nakita ang ginawa namin sa loob. Ngunit nagkamali ako. Pagkababa ko sasakyan ni Hero ay syang paghigit nya sa braso ko papasok sa loob ng bahay.




FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon