50

2.5K 78 3
                                    

Chapter 50


Masakit ang ulo ko pag gising ko kinabukasan. Kung ganito pala ang epekto ng alak. Bakit ang dami padin nahuhumaling dito. Babangon na sana ako ng mahagip ng mata ko si Hero na nakaupo sa may paanan ng kama at nakangiti.

"Salamat naman at nagising kana."sabi nya

"Pasensya na kung napasarap ang tulog ko."sagot ko sakanya. "Ano na bang oras?"tanong ko

"Mag aalas dose na".

"Huh?! Grabe sobrang tagal ko palang natulog." nahihiyang sabi ko.

"Okey lang yun. Nandito nga sana ako para gisingin kana para makakain kana." dun ko lang napansin ang tray ng pagkain sa may table na katabi ng kama.

"Nakakahiya naman Hero. Nag abala kapa na pagdalhan ako ng pagkain."

"Hindi ka naman abala Eloisa. Masaya akong mapagsilbihan ka. Sya nga pala binilhan kita ng damit at underwear. Sana magkasya sayo." sabi nya sabay abot ng paperbag. Nahihiya naman akong kinuha ito.

"Salamat Hero. Ahm. Maliligo muna ako bago kumain."sabi ko sakanya.

"Sige. Lalabas muna ako." sabi nya at tumayo na. Nagsimula na syang naglakad papalabas. Pero bago nya tuluyang isara ang pinto ay nagsalita muna sya "Ang ganda mo pala kapag bagong gising ka." nakangiting sabi nya sabay sara ng pintuan.

Naiiling nalang akong naglakad papasok sa banyo. Habang naliligo ako ay hindi maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Hindi man lang ba sya nag aalala sakin? Ni hindi man lang nya naisipan na tawagan o itext ako.

Malungkot akong lumabas ng banyo pagkatapos maligo at magbihis. Sinuklayan ko ang mahaba kong buhok. Lumapit ako sa kama at kinuha ang tray na may laman ng pagkain.

Patapos na akong kumain ng bumalik si Hero. Nakabihis na din sya kagaya ko. Halata rin na bagong paligo sya dahil sa basa nyang buhok.

"Mabuti naman at kasya sayo."

"Oo nga. Kaya salamat. Ahm pagkatapos kong kumain Hero. Uuwi na ako." pagpapaalam ko sakanya

"Ihahatid na kita."

"Huwag na Hero. Sobrang nakakaabala na ako sayo"

"Hindi ka abala Eloisa. Please. Hayaan mong ihatid kita". wala akong nagawa kung kaya pumayag na ako.

Nang nasa sasakyan na nya kami. Ang daming naglalaro sa isip ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Kuya Justin. Gusto kong magalit sakanya pero nangingibabaw ang takot ko dahil hindi ako umuwi kagabi. At siguradong alam din nya na si Hero ang kasama ko.

Pagtapat sa gate ng bahay namin. Hindi muna ako bumaba. Dahil pakiramdam ko sa oras na bumaba ako ay kakapusin ako ng hangin.

"Okey ka lang ba?" tanong ni Hero.

"Oo. Medyo kinakabahan lang pero ayos na ako." ngumiti ako ng pilit sakanya. "Maraming salamat ulit Hero". sabi ko at bumaba na ako.

Pagpasok ko tumambad sakin ang galit na mukha ni Kuya Justin.

"At talagang hindi ka umuwi Eloisa hah?! Saan ka natulog?! Sa bahay ng lalaki mo?!" galit na sabi nya

"Anong pakielam mo?"inis din na sagot ko

"Tinatanong mo kung anong pakielam ko hah?! Ano ba ako sa buhay mo Eloisa! Sino ako sa buhay mo!?"

"Tss. Bakit di mo itanong sa sarili mo hah?! Ikaw ba?! Ano ba at sino ba ako sa buhay mo?! Ayy! Wala nga pala. Dahil mas nasisiyahan kang makipaglandian sa iba.Ni hindi mo nga ako kinausap pagkatapos kong sampalin ang kalandian mo eh! Bakit? Mas masarap ba syang humalik keysa sakin?!" naluluhang sabi ko

Parehas kaming napatingin sa pintuan dahil sa narinig namin na bumagsak na bagay. Halos takasan ako ng ulirat ng tumambad sa amin ang galit na mukha ni Mommy at Daddy.

Ito na ba ang katapusan ng kahibangan namin?
Mawawakasan naba ang BAWAL NA PAG IIBIGAN NAMIN?

***

[A/N : SALAMAT SA NAKAABOT SA CHAPTER NA ITO. PLEASE VOTE AND COMMENT PARA SA FEEDBACK NYO SA STORY.. SALAMAT..]

sweetaica060791

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon