Chapter 29
Kinabukasan pagkatapos namin magpaenroll ni Hero ay tumuloy na kami sa bahay. Gaya ng gusto ni Mommy ipinakilala ko si Hero sakanila ni Daddy. Sobrang kaba naman ang nararamdaman ko dahil habang kumakain kami ay nararamdaman ko ang matatalim na titig ni Kuya Justin sakin.
"Bagay na bagay talaga kayo ng anak ko iho. Napakagaling pumili ni Eloisa." sabi ni Mommy kay Hero. " Ikaw ang first boyfriend ng anak ko at sana wag mo syang sasaktan". nasamid naman ako dahil sa sinabi ni Mommy. Napasulyap ako kay Kuya Justin na nakatitig din pala sakin.
"Thank you po.Wag po kayong mag alala hindi ko po sasaktan si Eloisa." sabi ni Hero ng nakangiti at tumingin sakin. Sinuklian ko din sya ng ngiti.
Pagkatapos namin mananghalian ay umalis si Mommy at Daddy dahil may importante daw silang kailangan puntahan.
Niyaya ko naman si Hero sa may garden. Nang makaupo na kami sa swing ay doon ako nahulog sa malalim na pag iisip. Hindi ko alam kung dapat ko pabang ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon sakanya kahit na iba naman ang laman ng puso ko.
"May problema ba tayo Eloisa?" tanong sakin ni Hero na syang naging dahilan para makaahon ako mula sa malalim na pag iisip.
"Wala. Pasensya kana at sobrang madami lang talaga akong naiisip."
"Gusto mo bang mamasyal?" tanong nya sabay ginagap ang kamay ko.
"Sige/ Hindi pwede!" sabay kaming napalingon sa nagsalita. At nakita ko nanaman ang mata ni Kuya Justin na nag aapoy sa galit. "Ahm Hero. Next time nalang tayo mamasyal hah?" sabi ko kay Hero.
"Okey babe." bago umalis si Hero ay dinampian pa nya ako ng halik sa labi. Nakita ko ang pag igting ng panga ni Kuya Justin at pagkuyom ng kamao nya. Pagkaalis ni Hero ay tsaka ko sya hinarap.
"Ano bang problema mo Kuya?"
"Ikaw! Ikaw ang problema ko Eloisa!" galit na sabi nya
"Bakit? Paanong naging ako ang problema mo?"
"Sabi mo mahal mo ko pero hinahayaan mong halikan ka ng iba at sa harap ko pa talaga!"
"Mahal mo parin ba ako? Sabihin mo sakin Kuya. " naiiyak na sabi ko. " Handa akong iwanan si Hero para sayo. At sana handa ka rin iwanan si Heiley para sakin". sabi ko sabay yakap kay Kuya Justin. Sobrang mahal ko na talaga sya. Wala na akong pakielam kung mali na itong nararamdaman ko para sakanya. Ang hirap magpanggap na hindi mo mahal ang isang tao lalo na kung sa bawat pagpikit ng mata mo sya ang nakikita mo.
"Im sorry Eloisa. Sorry sa mga nasabi ko."
"Kahit hindi kapa man nagsosorry pinatawad na kita. Mahal kita eh."
"Mahal na mahal din kita Eloisa. Sana wag mo ng uulitin ang ginawa mo."
"Promise Kuya. Hindi ko na ulit gagawin yun. Hindi ko na kaya na mag away pa tayo. Mahal na mahal kita. Sobra."
"Tahan na. Wag ka ng umiyak." sabi nya sabay halik sa noo ko. "Gusto sana kitang ikiss sa lips kaya lang kiniss kana dun ng lalaki mo. Kaya sa noo nalang". naupo kami sa swing habang nakayakap ako kay Kuya Justin.
Iba talaga ang pakiramdam kapag sya ang hahalik sakin. Iba din ang pakiramdam kapag sya ang kasama ko. Wala na talagang duda. Ang buhay ay ko ay parang isang malaking puzzle. At si Kuya Justin ang pinaka mahalagang parte na kumukumpleto nito.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?