14

3.2K 74 2
                                    

Chapter 14

Pagkatapos namin panoorin ang paglubog ng araw ay nag umpisa na kaming maglakad pabalik sa hotel. Nakahawak ako sa braso nya habang nakapamulsa naman ang isang kamay nya. Hindi ko maitatanggi na napaka gwapo nya. Kaya hindi ko padin maalis sa sarili ko ang mangamba na isang araw ay makakita sya ng tamang babae sakanya. At maiwan akong lunod na sa sobrang pagmamahal sakanya at wala ng paraan pa para makaahon ako.

"Ang lalim naman ng iniisip mo." tanong nya sakin.

"Anu kaba. Mababaw lang yung iniisip ko." natatwang sabi ko.


"Kung sino o ano man yang iniisip mo tigilan mo na yan. Gusto ko kapag kasama mo ako ayokong may ibang umookupa ng pag iisip mo."

"Wag kang mag alala. Kahit kasama kita ikaw padin iniisip ko."

"Tara kain muna tayo."sabay hila nya sakin sa resto bar dito sa resort. Naghanap sya ng pwesto namin at nagsimulang mag order ng pagkain namin.

Habang naghihintay kami ng pagkain ay may babaeng lumapit samin. Pamilyar ang mukha nya di ko lang matandaan kung saan ko sya nakita.

"Justin?" tawag nya.

"Heiley?"Natatandaan ko na sya. Isa sya mga ex ng magaling kung kapatid. Hindi ko alam pero bigla nalang ako nakaramdam ng kirot sa may dibdib ko. Lalo na ng maisip kong may nakaraan sila. Nanlaki ang mata ko ng bigla nyang halikan sa labi si Kuya Justin. Ang masakit pa parang normal lang kay Kuya Justin ang ginawa ng Heiley na yun.

"I miss you Justin." sabi ni Heiley sabay upo sa tabi ni Kuya Justin na nakalimutan na yata ang presensya ko.

"Kung hindi ka lumipat ng school de sana hindi mo ako mamimiss." Hello? Girlfriend here. Maglandian daw ba sila sa harap ko. Halos nakadikit na ng todo ang katawan nung babae sakanya. Nakakapit din ang braso nung babae sakanya. Argh! Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nila.

"Oh. Kasama mo pala ang kapatid mo Justin". sabi ni Heiley sabay nginitian ako na halatado namang plastic.

"Kuya. Mauna na ko. Ibigay mo nalang sa kasama mo ang pagkain KO." at tumayo na ako. Alam ko naman hindi ko pwedeng ipakita sa malanding Heiley na yun na nagseselos ako. Lalo na alam nyang magkapatid kami. Hindi rin ako sinundan ng magaling kong kapatid. Arg! nakakabadtrip! Magsama silang dalawa.

Pagdating ko sa kwarto ay pabagsak kong inihiga ang katawan ko at dumapa. Alam kong napakababaw naman kung ng dahil lang nagkita sila ng ex nya ay magmumukmok na ako. Ang kinkainis ko lang bakit hinayaan nyang halikan sya ng babae na yun at sa mismong harapan ko pa!

Nagising ako at napatingin ako sa katabi kong kama. Wala padin si Kuya Justin? Tiningnan ko ang cellphone ko. Mag aalas dose na na. Halos limang oras na silang magkasama. Hindi man lang nya ako naalala. Porke nakasama na nya yung Heiley na yun nakalimutan na nya ako. Bumangon ako para magpunta sa labas at hanapin si Kuya Justin. Pero bago pa ako lumapit sa elevator ay bumukas na ito. Halos madurog ang puso ko dahil sa nakita ko.



Justin and Heiley. Kissing torridly!






























FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon