Chapter 43
Napalingon ako kay Kuya Justin ng marahan nyang pisilin ang palad ko. Naramdaman nya siguro ang takot na nararamdaman ko. Paano kung mabuking na nga kami? Maghihiwalay naba kami? Isipin ko palang na mangyayari yun para di ko na kakayanin. Bakit naman kasi sa lahat ng pwedeng makakita samin bakit sya pa?
"Baby. Okey lang yun. Wag mong masyadong isipin yun" sabi nya sabay akbay sakin.
"Pero kasi, paano kung nakita nya? Isusumbong ba nya tayo?" puno ng takot kong sabi.
"Tandaan mo ang sinabi ko Eloisa. Kahit anong mangyari ipaglalaban kita hanggang kaya ko." sabi nya na nakabawas sa kabang nararamdaman ko.
Kumain lang kami sa isang fastfood na nasa loob ng mall at umuwi na din kami.
Pagdating sa bahay umakyat kaagad ako sa kwarto ko di ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Nadagdagan naba ang nakakaalam ng sikreto namin ni Kuya Justin? Mapagkakatiwalaan ko ba sya?
Nahiga ako at tumitig sa kisame. Sana naman wag mangyari samin ang nangyari sa napanood namin na movie. Kung sakali man hindi ko gagayahin ang ginawa nung babae na magpakamatay. Pipiliin ko padin mabuhay kahit na mapunta sa iba ang taong mahal ko. Makukuntento nalang akong tingnan sya mula sa malayo.
Namalayan ko nalang na may yumakap sakin at nagpunas ng luha ko. Pagtingin ko nakita ko ang nag aaalalang mukha ni Kuya Justin.
"Baby. Bakit ka umiiyak?" tanong nya habang nakayakap padin sakin.
"Naalala ko kasi yung pinanood natin kanina. Naisip ko lang paano kung mangyari satin na ikasal ka sa iba? Paano kung—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis nyang naikulong ang labi ko sa labi nya. Hindi ko alam kung gaano ba kami katagal na naghalikan basta naramdaman ko nalang na nagbitaw na kami ng tila kinakapos na ako ng hangin.
"Iba ang istorya natin sa istorya ng pinanood natin. Scripted lang yun Eloisa. Pero tayo totoo angklase ng relasyon na meron tayo. Tayong dalawa ang gagawa ng ending ng istorya natin. Kaya wag mong isipin ang pinanood mo. Dahil sinasayang mo lang ang luha mo sa walang kwentang bagay. Mahal kita Eloisa. Mahal na mahal. Kaya kung pwede lang wag ka ng mag isip ng kung ano ano. Basta isipin mo lang yung pagmamahal ko sayo. At sana sapat na ang pagmamahal na yun para mabura ang mga pangit na bagay na naglalaro sa isipan mo". mahabang sabi nya. Mababakasan din sya ng inis dahil sa tono ng pananalita nya.
"Im sorry." sabay yakap ko sakanya. "Hindi ko lang talaga mapigilan isipin na darating ang araw na maghihiwalay tayong dalawa. Ngayon palang sobra na akong nasasaktan. Pakiramdam ko kalahati ng pagkatao ko ang mawawala. Para akong buhay na patay kapag nagkataon." umiiyak na sabi ko.
"Hayaan mong burahin ko ang mga pangit na bagay na naglalaro sa isip mo." sabi nya at nagsimula nanamang halikan ako. Banayad at mas matagal kesa sa nauna. Hindi ko mapigilan ang mapaungol dahil sa ginagawa nya. Tama sya. Unti unting nabubura ang mga negatibong bagay sa isip ko. At ang naiwan lang sa isip ko ay ang pagmamahal ko para sakanya.
Hinigit ko ang batok nya para mas palalimin pa ang paghalik na ginagawa nya sakin. Narinig ko naman na napaungol sya. Bumaba ang halik nya sa may panga ko papunta sa leeg ko. Sumunod sa may ilalim ng tenga ko. Naramdaman ko na tila sinipsip nya ang parte na yun.
Tumigil sya sa paghalik sakin at ikinulong ako sa braso nya. Hinaplos nya ang buhok ko. Isiniksik ko naman ang ulo sa dibdib nya.
"Mahal kita Eloisa. At gaya ng sinabi ko sayo kanina. Ipaglalaban kita hanggang kaya ko. Titigil ako kapag alam kong talo na ako." sabi nya
"Wag kang mag alala. Kahit tumigil ka hindi padin ako titigil na mahalin ka. Dahil mahal na mahal kita. Ikaw lang. Walang iba."
Napapikit ako ng halikan nya ako sa noo.
"Goodnight baby. Matulog kana. Wag kang mag alala. Pag gising mo bukas. Mahal pa rin kita."
Nakatulog ako ng may ngiti sa labi. Pakiramdam ko lahat ng pagsubok ay kakayanin ko dahil pagmamahal nya ang magsisilbing lakas ko.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?