37

2.4K 58 0
                                    

Chapter 37



Pagkatapos kong ayusin ang pinagkainan namin. Nauna na akong umakyat sa kwarto ko dahil umalis si Kuya Justin pagkakain namin. Hindi ko alam kung sino ang kausap nya sa cellphone at bakit nagmamadali syang umalis.

Nakatitig lang ako sa kisame at nag iisip. Ang daming naglalaro sa utak ko. Ang dami kong iniisip ngunit wala naman akong makuhang sagot sa mga katanungan ko. Bakit ba kahit bawal ang nararamdaman ko hindi ko pa din mapigilan.

Napukaw ang atensyon ko ng magring ang cellphone ko. Pangalan ni Hero ang nakarehistro sa may screen. Hindi ko ito sinagot. Ngunit ng magring nanaman ito ulit ay sinagot ko na ito.

"Hero.."

[Eloisa. Mahal na mahal kita. Please. Bumalik kana sakin.]

"Im sorry Hero. Pero may mahal na talaga akong iba. Ilan beses ko ng sinabi sayo yan diba? Wag mo ng pahirapan ang sarili mo."

[Magalit kana Eloisa. Pero hinding hindi kita lalayuan. Hindi rin ako papayag sa gusto mo. Kukulitin kita hanggang sa sumuko ka at tanggapin mo ang pag ibig na inaalok ko sayo.] hindi na nya ako hinintay sumagot at ibinaba na nya ang tawag.

Halos isang oras na akong naghihintay kay Kuya Justin kung kaya napagdesisyunan ko ng tawagan sya. Naiinis ako dahil halos nakalimang beses na akong tumatawag sakanya hindi nya pa din sinasagot ang tawag ko. Nasaan kaya sya? At anong ginagawa nya?

"Argh! Nakakainis!" Binato ko ang cellphone ko sa may kama. Ngunit hindi nagtagal ay dinampot ko ulit ito para subukan ulit syang tawagan. Nakaka dalawang ring palang ng sagutin nya ito.

"He--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinili kong pakinggan ang mga boses sa kabilang linya na tila ba nag aaway.

[Heiley! Tama na please... No Justin! Kung hindi mo ako babalikan mas mabuti pang magpakamatay nalang ako... Ganyan kanaba kadesperada ha? May mahal na akong iba.. Please Heiley. Umuwi kana... Hindi! Ako lang ang dapat mong mahalin Justin! Ako lang dapat!.. Heiley! Bumaba kana dyan! Nakikiusap ako sayo! Baka malaglag ka!... Hindi! Hindi ako bababa dito Justin!.. Mahal na mahal kita Justin kaya kung hindi mo rin lang ako mamahalin mabuti pang mamatay nalang ako....Sige na Heiley.. Pumapayag na akong maging tayo ulit... Bumaba ka lang dyan...]

Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa narinig ko. Hindi ako makahinga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na napigilan ang umiyak. Isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Habang patuloy ang paglandas ng luha sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung gaano ba ako katagal umiyak basta naramdaman ko nalang ang pamimigat ng talukap ng mga mata ko.

Naalimpungatan ako ng tila kinakapos ako ng hangin. Nang imulat ko ang mga mata ko nakita ko si Kuya Justin na nakapikit habang hinahalikan ako. Kaya pala hindi ako makahinga. Itinulak ko sya na naging dahilan para maghiwalay ang mga labi namin.

"Im sorry Baby". sabi nya sabay yakap sakin.

"Bakit ka nagsosorry?" nagsosorry kaba dahil hinalikan mo ako habang natutulog ako? O nagsosorry ka dahil nakipagbalikan ka kay Heiley? gusto ko sanang sabihin yan ngunit pinigilan ko.

"Sorry kasi diko nasagot yung tawag mo". aksidente mong nasagot yung tawag mo. Kaya narinig ko lahat. bulong ng isip ko.

"Okey lang yun. Sige na matulog kana". tinalikuran ko sya. Niyakap nya naman ako palapit sa kanya.

"I love you baby. Ikaw lang." sabi nya na naging dahilan para ipikit ko ang mata ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Sinungaling!











FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon