41

2.5K 55 0
                                    

Chapter 41



Hindi ko mapigilang kiligin dahil sa binabasa kong story sa wattpad. Naiimagine ko kung gaano kamahal ng lalaki yung babae. Hayy. Buti pa sa wattpad mga loyal ang lalaki. Nawala ang ngiti ko ng may kumuha ng cellphone ko.

"Hey! Akin na nga yan!" sabi ko sabay agaw ng cellphone ko.

"Tsk! Akala ko naman may katext ka dahil kilig na kilig ka. Yun pala nagbabasa ka lang." nakangiting sabi ni Kuya Justin at ibinalik na nya ang cellphone ko

"Aysus! Tamang hinala ka kasi. Selos ka naman agad". sabi ko at pinisil ko pa ang pisngi nya. "Bakit ka nga pala andito ka nanaman sa kwarto ko? Wala kabang pasok ngayon?" tanong ko dahil sa pagkakaalam ko kahit sabado meron syang pasok.

"Wala." tipid na sabi nya.

"Okey." sabi ko at itinuloy ko na ang pagbabasa ko. "Wahh! Grabe nakakainlove si Ace Craige!" kinikilig na sabi ko.

"At sino namang Ace Craige yun hah?!" galit na sabi nya.

"Anu kaba! Fictional Character lang sya sa wattpad noh! Try mo kayang magbasa paminsan minsan." nakairap na sabi nya.

"Ah basta! Kahit sino pa yan, gusto ko sakin ka lang kikiligin!" grabe hah? Ang hirap kayang pigilan ng kilig.

"Tsk! Basahin mo din tong Hell University. Para kiligin ka din kay Zein Shion."

"Walang ibang babae na nagpapakilig sakin kundi ikaw lang." sabi nya sabay yakap sakin. Tinago ko na ang cellphone ko dahil hindi na rin ako makapagconcentrate sa binabasa ko.

"Ang baby ko. Naglalambing." sabi ko sabay yakap sakanya.


"Baby ano nga palang plano mo sa graduation mo? Gusto mo ba magpaparty tayo kahit wala sila Mommy?" tanong nya

"Hindi na. Basta kasama kita kahit simpleng salo salo lang nagiging espesyal na para sakin dahil kasama ko ang espesyal na tao sa buhay ko." nakita ko naman na nag iwas ng tingin si Kuya Justin. Napakagat sya ng labi na tila pinipigilan ang mangiti. Hindi rin nakaligtas sakin ang pagba blush nya. "Uy. Kinilig sya". tumatawang sabi ko.

"Ikaw kasi eh! Pinapakilig mo ako." sabi nya sabay hila sakin patayo.


"Oh? San tayo pupunta?" takang tanong ko.

"Pasyal tayo. Magbihis kana. Hihintayin kita sa baba." sabi nya sabay halik sa noo ko.

Sinunod ko ang sinabi nya pero naligo muna ako bago magbihis. Naglagay lang ako ng lipgloss at polbo pagkatapos ay lumabas na ako. Nakita ko naman syang nakapamulsa sa may pinaka dulo ng hagdanan.

Nauna syang naglakad. Nakasunod lang ako sakanya. Pinagbuksan nya ako ng pintuan ng kotse nya. Uyy! Gentleman sya. Napangiti nalang ako. Nang mag umpisa na syang magdrive di na ako nakatiis at tinanong ko na sya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sakanya.


"Magdedate tayo". nakangiting sabi nya.


"Seryoso?"

"Hmm. Kailan ba ako nagbiro?" medyo iritadong tanong nya. Tsk! Sinumpong nanaman. Hindi na ako nagtanong dahil baka lalo lang syang mainis.

Nang maiparada nya na ang sasakyan nya sa parking lot ng mall ay hindi ko na hinintay na ipagbukas nya ako ng pinto. Ako na ang nagbukas para sa sarili ko at bumaba.

"Tss. Di ka rin excited noh?" inis na sabi nya. Kumapit ako sa braso nya.

"Wag mo naman sirain ang date natin. Para ganun lang inis kana agad." paglalambing ko sakanya. Dinampian ko din sya ng mabilis na halik sa labi para mawala na a inis nya. Mukhang effective naman dahil napangiti na sya. "Ayan. Ganyan dapat. Lalo kang gumugwapo kapag nakangiti ka ehh!"

"Bolera!" nakatawang sabi nya at kinurot ako sa may pisngi.

"Mana lang sayo."


Nagsimula na kaming maglakad papasok sa mall. Hindi ko naman mapigilan na mainis dahil nakikita ko ang mga tingin ng babae kay Kuya Justin. Para bang hinuhubaran na nila ito sa pamamagitan ng titig nila. Hello? Girlfriend here. Bastusan lang? Dukutin ko mga mata nyo eh. Sabi ko sa isip ko sabay irap sa kanila.

"Baby. Hayaan mo lang silang titigan ako. Sayo lang naman ako eh". at dahil sa ibinulong nya sakin di ko mapigilan ang mapangiti. Nagdiriwang naman ang kalooban ko dahil don.

Mamatay kayo sa inggit! Dahil ang lalaking pinagnanasahan nyo ay pag aari ko.









FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon